Chapter 8

6.4K 192 6
                                    

Chapter 8

“Bakit ka nga pala pupunta sa bayan?” tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe namin papuntang bayan. Medyo malapit-lapit na din kami.

“We'll meet someone there.” parang wala siya sa mood ng sumagot.

“Sino?” Is it Valerie again?

Sumulyap siya sa akin bago sumagot. “A famous painter.”

Pagkatapos noon ay naging tahimik ulit kami sa biyahe hanggang sa makarating na kami sa bayan.

Nang makababa kami ni Ryx sa sasakyan ay may agad akong natanaw na babaeng nakangiting kumakaway saamin.

Naglakad papunta doon si Ryx kaya naman sumunod na din ako.

“Hi, Ryx! Ah, long time no see.” the woman greeted Ryx as if they know each other for a long time. Pamilyar din ang babae sa akin.

Tipid na tumango sa kaniya si Ryx. Mas lalong lumawak ang ngiti nito pagkatapos ay napabaling naman sa akin.”Avresia Hidalgo? I'm a fan!” kinuha niya ang kamay ko.”Nice meeting you. I'm Magnolia but Lia will do. I’m not sure if you still remember me.” Humagikhik siya.

“Ay! Right! Before I forgot. Here...” may kinuha siya sa likod ng pick up niya at iniabot iyon kay Ryx. ”Iyan na iyong nirerequest ng mommy mo. Tell her it's free since I saw Avresia in exchange.” nakangiting sabi niya.

“Thank you.” si Ryx na walang emosyon.

Tumango si Lia, she looks young. I wonder how old is she? Hmm…

“Welcome. Sige na, mauuna na ko. At may kailangan pa pala akong daaanan. I'll just text Rea at sasabihing umalis na ko. Bye!” magaan ang awra nito at mukha namang mabait. Hindi na niya hinintay ang sagot namin pareho ni Ryx at tuluyan ng sumakay ng sasakyan niya.

“What's that?” tanong ko naman ng makaalis na si Lia.

“I told you she's a painter.” Masungit na sagot ni Ryx sa akin.

Nang makabalik kami sa mansion ng mga Stallix, ang kapatid nitong si Trek ang sumalubong sa amin.

“Asan na daw yung painting, kuya? Ako na maglalagay.” he grinned.

“Ano ba yan, Trek?” dahil masungit si Ryx kay Trek na lang ako magtatanong. Baka may dalaw ngayon si Ryx kaya ubod ng sungit. Hindi naman siya ganyan kanina bago kami pumunta sa Demoure Hotel & Restaurant. Baka nainip kanina sa shooting kaya nagsusungit ngayon?

“Eto? Family picture.” he answered.

Napatango ako. Sinundan ko si Trek at huminto naman siya sa gitna ng mansion. Ito ang pinakasentro. Kung dito niya ilalagay ang painting tiyak na makikita ng kahit na sino ang painting na papasok sa loob ng mansion.

“Andiyan na pala kayo.” si tita Rea na mukhang galing sa kusina. May dala itong tasa.

“Opo.” ako na ang sumagot dahil mukhang wala namang balak umimik si Ryx na nasa tabi ko na.

Maya-maya pa ay nagsi-dating-an na din ang iba pang tao sa mansion pero wala sila Calder at Lolea.

“Dumating ang ina ni Lolea.”biglang sabi ni Ephraim na para bang nabasa ang nasa isip ko.

“H-huh?”

“Dumating ang asawa ni Calder kaya wala ang dalawa dito.” Paglilinaw niya.

“Ah.” tumango ako. I am curious to meet Calder’s wife and Lolea’s mother.

“You know we are not Stallix for nothing, Avs.” kumindat naman si Jack sa akin.

“Nag-uusap sila kaya huwag mo ng isipin pa ang dalawang iyon.” si Ephraim naman na ang tinutukoy ay si Calder at Lolea.

Dumating ang ina ni Lolea. Speaking of, iyong babae kanina parang hawig niya si Lolea...that Magnolia is something.

“Perfect!” nagulat ako ng biglang nagsalita si tita Rea, napaharap din ako sa painting at natigilan sa nakita.

“Is that...” turo ko sa babaeng nasa painting katabi ni Ryx.

“You? of course hija that's you.” si tita Rea na hinawakan ang balikat ko.”Do you like it?” she asked, nanatili ang ngit sa labi.

That picture was taken after my college graduation. 

“You're part of our family, Avresia.” She said.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako it's just that...na-overwhelmed lang siguro ako. Ang suwerte ko sa pamilyang Stallix. They always treat me as a real member of their family.

“O, ilagay mo pa ang isa, Trek.” excited na utos ni tita Rea kay Trek. Napapailing naman si Trek na sinunod ang sinabi ng ina at ikinabit na ang sunod na painting.

Nanlaki ang mata ko at napanganga.

“Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!” kanta ni Jack na nasa likuran ko.

That painting...hindi ba iyan iyong valentine's day kung saan binigyan ko ng chocolates si Ryx at akala ko hindi niya tatanggapin pero tinanggap niya. Nakahalik sa noo ko si Ryx sa painting at kalahating mukha ko lang ang kita dahil nakaside view ang larawan ganon din ang kay Ryx pero kahit na ganoon makikilala pa din na kami ang nasa larawan.

“Nauna pa ang painting bago ang kasal.” naiiling na komento ni Trek.

“Ano ba!” palo sa kaniya ni tita Rea. “Don't pressure Avresia. Darating din naman sila doon hindi ba, Avs?” sabay baling sa akin ni tita Rea at tila naghihintay ng sagot.

“Hindi ko papakasalan ang babaeng 'yan.” singit ni Ryx. Nakasimangot ito at salubong ang kilay. Sungit!

Akmang magrereact silang lahat ng unahan ko na sila.

“At bakit?” tanong ko kay Ryx at nameywang sa harapan niya.

Binasa niya ang ibabang bahagi ng labi bago mapupungay ang matang tumingin sa akin ngayon.

“I don't like sharing what's mine. Kapag naging asawa kita titigil ka sa pagmomodelo mo tapos ang usapan. Kaya kung ako sayo magsawa ka muna sa pagmomodelo mo.” he smirked at me.”Hindi muna kita papakasalan sa ngayon...”hinila niya ko palapit sa kaniya na ikinabigla ko kaya muntik pa kong masubsob sa dibdib niya.

“Pero kapag bwinisit ako ng gagong 'yon. Bubuntisin muna kita bago ang kasal.”napalunok ako dahil parang seryoso siya sa sinabi.

“Ryx!” malakas kong pinalo ang balikat niya ng makabawi sa pagkakagulat pero mukhang hindi naman ito nasaktan at mukhang tuwang-tuwa pa. Parang kanina lang ang sungit sungit niya!

Nakarinig kami ng tawanan sa paligid at halos pamulahan ako ng pisng dahil sa hiya. ANG BWISIT NA RYX NA 'TO!

“Avs...” tapik sa akin ni Trek. “Kung ako ikaw lalayo talaga ako sa pinagseselosan ni kuya dahil hindi na ko magtataka kung totohaning buntisin ka niyan.” naiiling nitong sabi sabay tawa.

“Subukan niya!” gigil na sabi ko naman at pinandilatan ng mata si Ryx.

“Hindi ko susubukan talagang gagawin ko.” bulong sa akin ni Ryx.

“Ryx, ano ba! Huwag mo nga akong pagtripan!” naiinis na sabi ko sa kaniya at bahagyang lumayo dito.

“Matatanda na tayo, Avresia. Do you honestly think that I'm still fooling around?” kunot-noo niyang tanong sa akin. Tila naaaliw sa reaction na nakukuha mula sa akin.

“Tama na yan. Huwag niyo ng pagkaisahan si Avs. Magmeryenda na muna kayo.” nakangiting awat ni tita Rea sa kanila.

Hinablot ako ni Ryx ng akmang mauuna na akong maglakad.

“Ano nanaman ba, Ryx?” inis na tanong ko sa kaniya.

Mabilis lang pero nakaramdam ako ng bilyon-bilyong boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong sistema ko sa hawak niya.

“Akin ka lang.” he said huskily. At tsaka tinangay na ako papunta sa kusina.

Ryx Stallix Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon