Chapter 25

6K 147 7
                                    

Chapter 25

Ngayon ang unang araw ko sa Caligtan National School.  Nang bumaba ako sa sasakyan narinig ko agad ang bulung-bulungan at ang pakiwari ko ay ako ang pinag-uusapan nila.

“I know this is your first day in your new school but there's nothing to be nervous about.” napalingon ako sa likuran ko ng magsalita doon si Ryx.

“There is no one here can make fun of you or mess with you so you don't need to be afraid of.” dagdag niya pa.

Tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Class, may bagong lipat na estudyante dito sa atin.” anunsyo ni teacher Daisy kaya naman nakuha agad nito ang atensyon ng lahat ng estudyante sa loob ng silid.

“Halika, pasok ka na.” marahang tawag ni teacher Daisy sa akin kaya naman lumapit at pumasok na ako sa loob ng silid.

“Is that the new kid?”

“Hindi ko alam na magiging kaklase natin siya.”

Iilan lang iyon sa mga narinig kong bulung-bulungan nila habang mausisa ang mga mata nilang nakatitig sa akin.

“Sige na at ipakilala mo ang sarili mo. Huwag kang mahiya." teacher Daisy urged.

“I'm Avresia Hidalgo.” matipid at nahihiya kong pakilala.

“Hidalgo? Hindi ba isa kang Stallix?” the girl from the first row asked, innocently.

Umiling ako bilang sagot.

“Ilang taon ka na?” tanong naman ng isang batang lalaki sa may dulo malapit sa bintana.

“E-Eight.” sagot ko.

“Woah! Kaedad lang kita!” the other boy, shouted, amazed.

“Avresia, dito ka na umupo.” ani ng isang babae sa pinakaunahan sa first row. “Absent ang katabi ko ngayon kaya puwedeng dito ka na muna umupo pansamantala o kung gusto mo papalipatin na lang natin ang katabi ko tutal madalas namang lumiban iyon sa klase dahil sakitin.”

“Buti ay naalala ko. Hindi makakapasok ngayon si Linda dahil may sakit daw ito.” anunsyo ni teacher Daisy sa klase.

“Wala naman ng bago doon, teacher Daisy. And she's not really sick po.” umiling ang batang babae kanina na nagpresinta na doon ako paupuin sa bakanteng upuan na katabi niya. “Nakita ko po siya kahapon na nagtratrabaho malapit sa dalampasigan. She's not really sick it's just that she was force to work.” sumbong nito sa aming guro.

Nakita kong nagulat si teacher Daisy at hindi agad nakabawi.

Napalingon ako sa mga kaklase ko ng tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase, naghahanda na ang mga kaklase ko na umuwi kaniya-kaniya na sila ng sukbit ng mga backpack nila sa likuran nila.

“Hindi ka pa ba uuwi, Avresia? Tapos na ang klase?” tanong ni Mindy, iyong batang babae kanina na nagpaupo sa akin sa bakanteng upuan katabi niya. Nakaponytail din ang tali ng buhok nito at madaming palamuti sa katawan.

Akala ko noong una ay mataray ang babae pero mabait naman pala ito at palakaibigan.

“Ah, uuwi na din ako.” I spoke soflty and stands up.

Bumagal ang paglalakad ko ng makita ko si Ryx sa labas ng classroom ko.

Pati ang mga kaklase ko at ibang studyante ay napalingon na din sa gawi niya.

“Avresia,” bahagya akong napaatras at tumingala ng huminto siya sa harapan ko, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga studyanteng nanunuod sa amin.

Ryx Stallix Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon