Chapter 26

5.6K 149 1
                                    

Chapter 26

Awtomatikong napahinto ang mga paa ko sa paglalakad ng makita ko sa gilid si Ryx at ang isang babae.

I came to look for him. Pinuntahan ko siya sa classroom nila pero wala siya doon.

I think I found him in an awkward situation. Wrong timing ata ang pagdating ko dahil narinig ko ang babae na nagtatapat ng nararamdaman niya para kay Ryx samantalang walang kaemo-emosyon ang mukha ng lalaki na nakatitig sa babae na mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang panginginig marahil sa kaba ang balilat ng babae.

Hindi ko narinig ang sinabi n Ryx sa babae pero basta na lang itong tumakbo palayo at parang umiiyak pa.

Samantalang lumingon naman si Ryx sa gawi ko at gulat akong napaatras muntik pa akong matumba dahil doon mabuti na lang at napakapit ako sa may lamp post.

Dahil nakita na niya ako wala ng silbi kung magtatago ako kaya lumapit na ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong niya sa akin.

Sapat na ang malamig na titig niya sa akin para tumindig ang balahibo sa braso ko at sa batok ko sa takot at kaba.

Nagalit ko ata siya dahil nakita ko ang nangyari kanina. Pero hindi naman lihim na maraming nagpapahayag ng nararamdaman nila sa lalaki, noong tumapak ako sa Caligtan National School ay iyon agad ang narinig kong usap-usapan dito.

Ryx and the rest of the Stallix are popular here. Pero sa kanilang lima, Ryx was the one called ruthless. Siguro dahil sa pamamaraan ng paghahandle nito sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.

"Ah," I bit my lower lips.

"Nagugutom ako." aniya at iniba na ang usapan pagkatapos ay nauna ng naglakad sa akin.

Hindi naman mabilis ang paglalakad niya kaya naman naabutan ko siya at ngayon ay sabay na kaming naglalakad.

Pasulyap-sulyap ako sa kaniya at tinitimbang ang mood niya.

"What is it?" he sighed.

"Huh?" Napakurap-kurap ako.

Sumulyap siya sa akin pero hindi din iyon nagtagal dahil iniiwas niya agad ang tingin sa akin.

"Kung may itatanong ka, itanong mo na." He said.

"Ah, ganoon ka ba talaga?" I asked curiously.

He looks at me as if telling me that he have no clue of what I'm asking about.

"Ganoon ka ba sa lahat ng nagkakagusto sa iyo? You reject them...j-just like that." paglilinaw ko.

"Why? Am I too harsh to them?" balik tanong niya sa akin.

Hindi naman ako nakaimik. Napanguso na lang ako at diretso na ang tingin sa daanan.

"Why? Do you have plan to confess too?"

Marahas akong napalingon sa kaniya. Nanlalaki pa ang mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"A-Ano?"

He chuckles.

"I'm just kidding." bawi niya.

Para namang nakahinga ako ng maluwag dahil doon, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan kani-kanina lang.

"Don't worry I won't reject you." he grinned.

Napanganga naman ako at mukhang hindi pa ata siya tapos na tuksuhin ako.

"Why?" He lick my lower lips."Do you really have plans to confess to me, Avresia? You're reactions..." puna niya sa akin, huminto siya sa paglalakad kaya huminto din ako.

Ryx Stallix Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon