"Please review your answers. We still have five minutes left," our instructor said while I just kept on spinning my pen. Kanina pa kasi ako natapos sa pagsasagot pero hinihintay ko lang si Yzel na matapos para sabay kaming pumasa at umalis ng room.
Utos niya sakin na huwag daw akong mawawala sa paningin niya eh. Hahaha!
For the rest of our midterm week, kina Yzel ako tumuloy. She wants me to focus on my studies and not to be bother by something or anyone. Lalo na't ngayon na sikat nanaman ang pangalan ko.
Napatigil ako sa pag-iikot ng ballpen nang mabitawan ko ito at nahulog sa sahig. Gumulong pa ito papunta sa direksyon ng babaeng anlaki din ng galit sa akin dahil ang grupong iniidolo niya ay pinoprotektahan ang isang taong tulad ko.
I thought she was going to pick it up but she just kicked it away. I smirked.
Akala niya siguro ay kawalan ang mawalan ng ballpen sa mga oras na ito. Taas noo akong tumayo at winagayway sa kanya ang hawak kong papel habang suot ang mapang-asar kong mga ngiti.
"Kahit sipain mo pa yan papuntang kabilang buhay wala na akong pake," ani ko at dire-diretsong naglakad papuntang harap para ipasa na ang papel.
Hindi naman talaga ako nagtataray. I am an amiable person but it doesn't mean I'll let them make fun of me nor belittle me.
Paglabas ko ng room ay napatigil ako sa dami ng babaeng nakaabang. Napalunok ako ng sariling laway nang sumagi sa isip kong aatakihin nanaman nila ako. Kaya tumalikod agad ako at babalik na sana sa loob nang may humila sa bag ko.
"I thought you're already done?" I quickly looked at him.
Yung kabang naramdaman ko ay biglang naglaho. The thought of him being here, swilled all of my worries.
Hinarap ko siya habang ang mga ngiti ko ay hindi maalis-alis sa labi ko na para bang ang mga babaeng nakapaligid sa amin ay hindi ko na nakikita.
It's just me and him in my eyes.
.. and this is the first time he personally came to our room.
"Miss mo na agad ako?" pang-aasar ko sa kanya.
"You really like answering me with a question every time I asks," he commented.
"Why would I bother when my answer is always yes?" He just hissed instead of replying. Hahaha! Maybe he didn't expect that sudden smooth attack.
"Serenity! Sinabi ko ng--" Biglang umamo ang mukha ni Yzel nang makita si Cyrus.
".. Oh Cy, tapos na exam niyo?" she asked.
"Yeah. I finished it 30 mins earlier," he responded. Awtomatiko akong napalakpak at puno ng pagmamangha ang itsura ko. Eh kulang pa nga ang isang oras sa major sub nila eh. Paniguradong nagbabalat-kayo pa rin sina Nihan sa mga oras na ito.
"Ikaw naman, masyado kang masipag para sa future nating dalawa-- aww!" Napahawak ako sa noo nang pitikin niya ito.
"You talk too much," he said then he put his palm on top of my head.
"Can I borrow her for a day?" pagpaalam niya pa kay Yzel.
"Feel free to take her. Kahit wag mo ng ibalik. Sayong-sayo na," sunod-sunod na tugon niya at tinulak pa ako papalapit kay Cy. Gaga talaga eh.
"Kidding aside. Wherever you go, make sure she's safe,
.. and happy." I can feel the sincerity in her voice kung kaya't mas lumawak ang mga ngiti ko.
"I will."
"Teka, saan ba tayo pupunta? Kailangan ko pang magpatahi ng wedding gown. Hindi pwedeng--"
BINABASA MO ANG
Sirius: My First Love (Band Series #1)
RomantikBand Series #1 || Kaye Serenity Saavedra desperately came back to Philippines after being forced to study abroad. She gets involved with Cyrus Louis Villareal, the stunning lead singer of the band 'Elipsis' whose heart had already belonged to someon...