Chapter 13 (Ex-member)

1.4K 105 93
                                    

NIHAN

My lips parted ways when I saw the word written on the sticky note. Sabi ko na nga ba at may something sa kanila. Cyrus called me yesterday and randomly asked me how to apologize to a girl. Tuwing naalala ko nanaman ang tanong niyang iyan ay kusa akong natatawa eh.

The word 'Sorry' isn't written on his own vocabulary. So he asked me how to apologize without saying sorry. Sa aming grupo kasi, kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan, Cyrus would rather treat us food, grant us wishes, instead of saying sorry but—

He won't do the same with Serenity.

Ewan ko ba kung bakit iba ang pakikitungo niya kay Serenity when in fact she's a nice girl. Mas pinili niya pang gawin ang pinakaayaw niya sa lahat kesa ayain si Serenity na kumain sa labas.

Cyrus is really doomed with this girl. Hahaha!

"Namamalikmata ba ako?" ani pa ni Grunt kaya wala sa oras akong napailing. Even him is surprised of his friend's action. Tumayo na ako at tinapunan ng tingin si Yzel na kunot-noong nakatingin sa kaibigan niya.

Her nose wrinkled a bit and I found it too cute.

Confused, huh?

My attention went to her Hello Kitty tie. It was the tie I gave her when we met at the mall and played arcade. She's indeed a keeper. Kahit na maliit na bagay ay pinapahalagahan niya talaga. 

Hinila ko ang  tali niya sa buhok para makuha ang pansin niya. Her long straight black hair fall smoothly as she turned her gaze on me. 

"Trip mo nanaman tali ko? Alam mo Nihan, umamin ka na nga sakin."

I gulped.


"Fan ka ba ni Hello Kitty?"

Napahinga ako ng maluwag. Yzel really have the habit of making me nervous for some reason. I gave her my playful smile at nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Umamin ka nga din sakin," panggagaya ko sa sinabi niya. Nilabanan niya ang mga tingin ko at nanatili siyang kalmado habang naghihintay sa mga susunod kong sasabihin. She acts as if our close faces don't make her feel any different, the pretender unbothered queen. 

I smirked. 

"Fan kita no?—Aray!"

Napahawak ako sa noo ko. Anglakas ng babaeng 'to mangheadbutt. Gawa siguro sa metal bungo nito eh. 

"Asa ka," aniya kaya natawa na lang ako. That, her famous line whenever I am saying facts pero ayaw niyang tanggapin.

I gave her my car keys instead of arguing any further. 

"Aanhin ko 'to?"

"Saksak mo sa baga mo," pabiro kong tugon. 

"Ahh sige. Try ko muna sayo." Akma siyang tatayo pero agad ko itong pinigilan. Geez. She and her temper. 

"Joke lang! Keep it, and call me when you're going home,"sambit ko. Lagi kasi siyang sinusundo kaya hindi ako nakakakuha ng tyempo para makasabay siyang umuwi. 

Sirius: My First Love (Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon