Chapter 25 (With You)

1.3K 57 36
                                    

After a not so long vacation, our classes continued and just like any normal days, I attended my classes on time.

Naging mailap na rin ako sa Elipsis dahil nagtatampo ako. Alam ko namang di nila ako susuyuin dahil sino ba naman ako diba? but they should at least think deeply before they rejected me. They should not decide important things out of impulsiveness.

Hindi naman iyon para sa akin eh. Lahat naman ng ginagawa ko para sa kanila.

"Serenity," tawag sa akin ng katabi ko.

"Huh?"

"Tawag ka ni Ma'am." Napatingin ako sa harap at nakita ang lahat ng mga kaklase ko na nakatitig sa akin. Wala sa katinuang tinaas ko na lang ang mga kamay ko.

"Present po." Bigla silang nagtawanan sa sinabi ko kaya tiningnan ko ng makahulugan si Yzel na nakaupo sa likod. She just shook her head lowkey telling me that I'm damned.

"Our attendance have already finished 15 minutes ago Ms. Saavedra."

Unti-unti kong ibinaba ang mga kamay ko at pilit na nginitian ang prof namin.

"Present your case study analysis to me now."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ma'am, hindi po ba nextweek pa ang start--"

"I changed my mind. Will you present it or not?" mataray na sambit niya kaya napakamot na lang ako ng ulo at labag sa loob na tumayo. Inalis ko ang nakasabit na sling sa leeg ko na kung saan ko rin nilalagay ang flashdrive ko.

Buti na lang at matagal na akong natapos sa paggawa.

Nang tumama ang mga tingin namin ni Yzel, nakangiting aso siya sa akin.

Sinuswerte ka nga naman..

**

"Hahaha!" Kanina niya pa ako pinagtatawanan habang naglalakad kami sa pathway patungong Cafeteria.

"Ano ba, Yzel. Stop!" Pinalo ko siya sa balikat pero mas lalong lumakas ang mga halakhak niya.

"Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina HAHAHA! Para kang natatae habang nagpe-present HAHAHA!"

"It's because I'm not in the mood."

"HAHAHAHA!"

"My face doesn't matter! My SWOT analysis is perfect!"

"Wag mo kasi masyadong isipin si Cyrus. Napapagod din yun kakatakbo sa utak mo," asar niya pa kaya bago ko pa siya mahuli at masapak, tumakbo na siya palayo sa akin.

"Yzel! You!"

Napabuga na lang ako ng hangin at napailing nang mabilis siyang mawala sa paningin ko. Instead of helping me to persuade our professor to take back what she said, she didn't do anything.

Kahit na alam niya namang madadamay ang buong klase dahil mapapaaga ang presentation, parang wala lang ito sa kanya basta makita lang akong nagkakalat sa harapan.

That girl..

Nang makarating sa Cafeteria, hinanap agad ng mga mata ko si Yzel pero ang nakita ko ay sina Cyrus at Nihan na nasa iisang table. Napataas ang kilay ko nang mamukhaan ang isang babaeng kasama nila.

They were having a great time talking to each other.

What is she even doing here?

"Serenity," rinig kong tawag ni Nihan pero hindi ko ito pinansin at patay malisya na dinaanan ang table nila.

"Ate Serenity,"

I stopped when I heard her weak voice that I hated the most. Napayukom ako ng kamao at hinarap siya.

Sirius: My First Love (Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon