Chapter 20 (Coffee)

1.4K 69 59
                                    

"See it yourself," malamig na sambit ni Papa atsaka itinapon sa harap ko ang isang tablet. I played the video and my hand immediately formed a fist when I realized that the video was cut.

Nakapaloob sa video ang nangyari sa hotel. It was really a short clip but it is enough to make me look bad. I just unintentionally pushed Celine that day but they made it like I was bullying her again.

Mapait akong napangiti.

"Isipin niyo na ang gusto niyong isipin. Tutal kahit anong pagpapaliwanag ang gawin ko, hindi naman kayo maniniwala."

Tumalikod na ako at humakbang paalis ng office nila dahil hindi ko na kayang makarinig pa ng masasakit na salita ngayong araw. Parang ano mang oras ay magbre-breakdown na ako.

"We're still talking to you!" sigaw pa ni Papa at ibinagsak ang mga kamay sa mesa kaya halos mapatalon ako sa gulat. When I turned around, he was already standing.

"Pa, wag ngayon. Please," nagmamakaawang sambit ko dahil wala na talaga akong natitirang lakas pa. I am freaking drained.

"Let's go to Cruz's house. Apologize and beg for forgiveness," he said like it's just simple as cooking an egg. Kinuha niya na ang mga gamit niya at naghahanada nang umalis. 

"Dapat talaga ay hindi ka na bumalik rito. You keep on bringing us trouble! Hindi ka na ba naawa sa amin Serenity?" dagdag pa niya na mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ko.  

"I didn't do anything wrong," nanghihinang sambit ko pero hindi nagbago ang paraan ng pagtingin nila sakin. 

"Your video is going viral. Do you want the history to repeat itself?! We can't afford to lose potential investors again!" untag naman ni Mama na siyang kumukuha na din ng gamit para sumama sa pag-alis.

Bumuntong hininga ako ng malalim at tiningnan sila na para bang wala akong pake sa mangyayari.

"Kill me instead."

*pakkk*

"How dare you?! We're doing this for your sake!" Para bang naging manhid ang buong katawan ko dahil ni isang kirot ay wala akong naramdaman sa malakas na sampal ni Papa.

"It's for your freaking company's sake! You never really care for me! Nakikita mo ba ito Pa?" ani ko at pinakita sa kaniya ang mga pasa ko sa katawan na natamo ko kanina.

"Kitang-kita ng dalawang mata niyo ang kalagayan ko ngayon pero ni hindi man lang kayo nagtanong kung ano bang nangyari sa akin, KUNG OKAY LANG BA AKO!

EVERYONE DESPISE ME!

EVERYONE WANTS ME GONE AND DEAD!" I shouted at the top of my lungs. 

Malamig ko silang tinapunan ng tingin. ".. and I bet you're also one of them." Tumakbo ako ng mabilis palabas ng office habang pinipigilan ang mga luha ko na tuluyang bumuhos.

Dumiretso ako ng kwarto at agad na sinirado ang pintuan. Pinakalma ko muna ang sarili at huminga ng malalim. Dapat palang kina Yzel na lang muna ako nagstay. If only I knew their business trip is cancelled, hindi na ako umuwi pa ng bahay.

Kinuha ko ang laptop sa study table at umupo sa kama para ipagpatuloy and naudlot kong pag e-edit kanina. My phone also keeps on vibrating but I'm not in the mood to answer it.

My vision became blurry and my tears started flawing but it didn't stop me from what I'm doing. Kailangan kong matapos ito ngayon dahil bukas na ang pasahan.

I should've set aside my personal problem first.

"Kaye, tangina naman. Sagutin mo nga ang tawag ko."

Sirius: My First Love (Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon