Chapter 2

3.4K 91 1
                                    

Angelecca Pov.

Hindi na kami pumasok ni Dom sa palengke. Dahil dito na ako bumili ng ulam, malapit sa drugstore kung saan ako bibili ng gamot ni nanay.

Nakapila na ako sa counter mahaba kasi ang pila ngayon. Maraming tao ang bumibili ng gamot.

"One thousand five hundred po lahat ma'am." Ani ng lalaking casher.

Kinuha ko ang walet ko sa loob ng bag. Upang mag bayad, ng iaabot ko na ito sa lalaking cashier. May biglang sumingit na lalaki.

"Ako na ang mag babayad, ibawas mo nalang sa credit card ko." Saad niya at sabay abot ng itim na card sa lalaki.

Agad akong napatingala kay Dom, naka ngiti ang mapulang labi nito. Habang ang malamlam na mata nito ay nakatitig sa akin.

"Hindi mo kailangan gawin ito Dom, may pera naman ako." Saad ko.

"Please Angelecca, pumayag kana minsan lang naman ito. Atsaka may bibilihin rin ako." Turan niya at sabay taas ng isang maliit na box ng kahon. Kumunot ang noo ko, hindi naman ako gaano ka inosente para hindi alam kung ano ang bagay na iyon. Anong gagawin niya sa condom?.

Inabot niya sa lalaki ang kahon, naka tingin naman sa akin ang cashier na lalaki.

"Hindi mo naman kailangan gumamit nito sir. Ang ganda-ganda ni ma'am buntisin mo nalang sir." Sambit ng lalaki. Nanglaki ang mata ko, ang lakas pa naman ng pag kakasabi niya. Bigla tuloy akong ginapang ng hiya sa katawan, ang dami pa naman ng tao.

"Hindi pa kasi siya ready" Naka ngising wika ni Dom. At talagang sinakyan niya pa ang biro ng lalaki.

"Hoy, siraulo ka hindi naman kita boyfriend." Sambit ko at sabay hampas sa braso niya.

"Why? sinabi ko bang ikaw, dumi ng utak mo." Natatawang sabi nito.

Oo nga naman wala naman siyang sinabing ako. Napanguso ako napahiya pa tuloy ako.

"Pero kung gusto mo, liligawan kita. Tapos gagamitin natin ito." Sabi pa niya at ngumiti ng nakakaloko.

Hinampas ko nga siya ng malakas, maloko rin pala ang isang ito.

"Tse, bahala ka nga diyan," wika ko at sabay kuha ng plastik sa counter. Kung saan nakalagay ang gamot ni nanay.

Iniwan ko na siya at naunang lumabas ng botika.

"Oy,, Angelecca teka lang hintayin mo ako, wait for me baby." Sambit nito.

Nag lakakad na ako patungo sa kotse ni Dom, ng mapatingin ako sa isang itim na sasakyan. Naka park ito malapit sa kotse ni Dom, siguro ay may tao sa loob nito. Dahil naka bukas ang ang engine nito, hindi ko alam pero napatitig ako doon sa salamin ng bintana ng kotse. Heavy tinted glass ang bintana ng kotse kaya hindi makita ang tao mula sa loob.

Inihatid nga ako ni Dom hanggang sa bahay namin iniwan niya ang kaniyang sasakyan sa labasan dahil papasok pa sa iskinita ang bahay namin.

"Pasensya kana Dom, mabaho at marumi ang lugar namin."

Nahihiyang sabi ko.

"Ok lang Angelecca, sanay naman ako sa ganitong lugar no'on."

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya, inilapag ko ang isang basong tubig sa maliit naming lamisita.

"Inom ka muna ng malamig na tubig," alok ko sa kaniya.

"Thank you Angelecca!"

"Ate Ecca, nandito kana pala."

Masayang wika ni Daniella mula sa pinto ng kaniyang kwarto.

Lumabas ito at nag lakad patungo sa amin.

My Beautiful Secretary ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon