Chapter 11

2.5K 73 2
                                    

Angelecca Pov.

Nagising ako sa mabigat na kamay na nakapatong sa aking dibdib. Teka bakit parang mainit ?

Minulat ko ang aking mga mata at tumingin banda sa dibdib ko kung saan may nakapatong na isang bagay.

Nanglaki ang mata ko ng makita ko ang kamay ni Ellieoth sa loob ng damit ko. Sinilip ko ang kamay niya sa loob. Uminit ng husto ang mukha ko dahil hawak lang naman niya ang isang umbok ng dibdib ko kaya naman pala mabigat e, yung malikot niyang kamay ay nasa bundok ng mount pinatubo.

Malakas ko siyang kinurot sa pisngi niya kaya napa mulat ito ng mata.

"What hell! ang sakit!" daing niya habang sapo ang kabilang pisngi niya.

Geez! Kahit bangong gising ang lalaking ito ang gwapo parin. Kahit magulo ang buhok nito hot parin tingnan.

"Sweetie Did you pinch me?" Namamaos niyang tanong.

"Yes! Paano ba naman ang malikot mong kamay kung saan-saan napupunta."

Tumingin naman siya sa dibdib ko na ngayong hawak niya parin.

"Ow i'm sorry  naging behave naman ako diba. Yun nga lang ay may sariling buhay yata itong kamay ko kusang kumikilos." Sabi niya at sabay hugot ng kamay niya sa dibdib ko at parang tangang ngumisi.

"Iwan ko sayo ang pilyo mo." Wika ko at tumayo mula sa kama.

"Hey sweetie where are you going?" Tawag niya sa akin.

"Alas sais na po ng umaga baka gusto mo bumangon." Ani ko at sabay tinuro ang orasan sa dingding ng kwarto ko.

Tumayo naman siya kaagad sa kama at tinupi ang kumot ko.

"Sumunod ka sa akin agad mag luluto lang ako ng almusal natin." Pag kasabi ko ay lumabas na ako ka agad.

Lumabas na ako ng kwarto at nag tungo sa kusina.

Binuksan ko ang kaldero maraming tirang kanin. Tinikman ko hindi naman siya panis, siguro ay kahapon lang ito. Oy masamang mag tapon ng kanin.

Sinangag ko ang kanin at nag luto ng tuyo, itlog at karne norte.

Nag timpla ako ng kape sa dalawang tasa nag tataka lang ako. Bakit hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas si Ellieoth sa kwarto. Naka luto na ako lahat-lahat pero wala parin siya.

Nag pag isipan ko puntahan siya sa kuwarto ko pero nag taka ako bakit naka sarado ang pinto ng kuwarto.

Kinatok ko ito. "Ellieoth!" Tawag ko sa kanya nakakailang katok na ako bago bumukas ang pinto.

Bumungad sa akin ang pawisan niyang katawan. Bakit pawisan siya anong ginawa niya?

"Anong ginawa mo bakit pawisan ka?" Nag tatakang tanong ko.

"Nag work out lang sweetie." Sagot niya at pilyong ngumiti .

"Work out? Anong klaseng work out ginawa mo?"

"Secret, halika kana kumain na tayo at para mapuntahan natin si nanay sa hospital. Gising na daw siya tumawag sa akin si Mike kanina."  Saad niya at sabay akbay sa akin.

"Talaga!"

Biglang lumukso ang puso ko sa aking narinig.

Pag katapos namin kumain ng almusal ay agad ako naligo at nag bihis.

Si Ellieoth naman hinihintay ako sa sala.

Nag susuklay ako ng buhok ng mapansin ko ang maliit na basurahan ko. Katabi lang ito ng aparador puno ito ng tissue..

Bakit ang daming tissue sa basurahan?

Nag kibit balikat nalang ako at nag patuloy sa pag susuklay. Baka si Ella ang gumamit ng kwarto noong wala ako.

My Beautiful Secretary ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon