Angelecca Pov.Dumating naman si Tito Dylan nung makita niya ako ay nagulat pa ito. Pero nang malaman niyang tatay ko si David White ay tuwang tuwa siya. At mas lalo pa niyang ikinatuwa ng malaman niyang may apo na siya. At gusto niyang makita si Leo.
Bakit ganito sila mag react hindi pa ba nabubuntis si Samantha? Matagal na dapat meron na silang apo.
Isang oras din ang pakikipag usap ko kay tita nang makaramdam ako ng pag sakit ng pantog ko.
Nag paalam ako sa kanyang pupunta muna ako sa comfort room.
Pag karating ko sa comfort room ay agad akong nag labas ng loob.
Humarap ako sa salamin at nag lagay ng kaunting lipstick.
Napa singhap ako ng pumasok sa loob ng comfort room si Ellieoth at sinirado ang pinto at ni-lock ito.
Anong ginagawa ng hayup na ito dito?
"A-anong g-ginagawa mo dito?" Kabadong tanong ko halos mag kandautal-utal pa ako sa pag sasalita.
Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Ang mapupungay nitong mata na nakatitig ngayon sakin. Kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa kakaibang titig niya sa akin.
Bakit ganito , bakit parang apektado parin ako sa kaniya.
"I missed you! I really, really missed you!"
Wika nito at humakbang papalapit sa akin .
Huwag kang lalapit sa'kin!" May pag babanta sa aking boses.
Pero parang wala itong naririnig dahil patuloy parin ito sa pag hakbang palapit sa akin.
"Sweetie!" Usal niya.
Habang palapit siya sa akin ay dahan-dahan naman akong umaatras. Kakaatras ko ay bumangga na ang likod ko sa dingding ng cr .
Sh*t! dead end na.
Nang makalapit siya sa akin ay agad niya ako siniil ng halik. Nalasahan ko pa ang alak na ininom niya . Sa sobrang pag kabigla ko ay natulala ako na nigas na ang buong katawan ko.
Napa kurap-kurap ako ng makabawi ako sa pag ka bigla ay tinulak ko siya. Pero hindi man lang siya natinag at mas lalo pang nilaliman ang kanyang pag halik sa akin.
Nang hihina na ang tuhod ko para na akong matutumba.
Pakiramdam ko hinigop ng mga halik niya ang lahat ng lakas ko.
Tumigil siya sa pag halik sa akin at tinitigan niya ako sa aking mga mata.
"I missed you so badly! Please come back to me! Sweetie!"
Malamyos na tinig na saad nito.
Ang sarap sana pakinggan, kung hindi niya lang ako sinaktan.
Malakas ko siyang sinampal sa pisngi niya.
"Ang lakas naman ng loob mong sabihin sa'kin ang mga salitang iyan. Namiss mo ako? Talaga lang huh, baka na miss mo akong saktan, gawing tanga at pag laruan ang damdamin ko. Baka nakakalimutan mo malaki ang kasalanan mo sa akin . Malalim na sugat an iniwan mo sa puso ko! Kaya pwede ba huwag kang umasta na parang minahal mo ako noon dahil ang totoo hindi naman talaga!"
Garalgal ang boses ko hindi ko mapigilan ang emosyon ko nasasaktan parin ako hanggang ngayon sh*t this feelings! .
Akala ko naka move on na ako, akala ko okoy na ako. Pero bakit umiiyak parin ako. Bakit pakiramdam ko sariwa parin ang sugat sa puso ko.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Secretary ( Completed )
RomanceAngelecca was a different woman, but Ellieoth fell in love with her. However, due to an incident caused by his friend Domnix, Samantha's father has proposed to Ellieoth. He has no choice but to accept the marriage proposal from Samantha's father in...