Chapter 12

2.4K 69 0
                                    

Angelecca Pov.

Nasa labas kami, ng morgue kung nasaan ang labi ni nanay.

"Ma'am Angelecca ang kapatid niyo  po nag wawala sa dating kuwarto ng nanay niyo." Humahangos na turan ni Mike.

"Ano! Tumakbo na ako pabalik sa floor kung saan ang dating silid ni nanay kung saan ito na confine. Naramdaman ko ang pag sunod ni Ellieoth.

Nasa hallway palang kami nag lalakad palapit sa kwarto kung nasaan si Daniella.

"Ibalik niyo ang nanay ko!" Hindi pa siya patay mga sinungaling!"

Rinig na rinig ang malakas na sigaw ni Ella kasama ang pag palahaw ng iyak nito.

Lumabas naman si Edward ng kuwarto habang hinihimas ang tiyan nito. Naka ngiwi rin ang labi ni Edward. Anong nangyari sa lalaking ito?

"Ma'am hindi namin ma-awat masyadong malakas ang kapatid mo. Mukhang may pag ka gangster pa yata natuhod at na sikmuraan lang naman ako. Ang payat-payat na babae pero ang lakas."  Saad ni Edward.

Pumasok ako sa kwarto inilibot ko ang aking paningin .

Bali ang paa ng dalawang silya na gawa sa plastic. Ang foam sa ibabaw ng hospital bed ay nasa sahig na.

Hinanap ng aking mata si Ella naka salampak ito sa sahig habang umiiyak. Naka suot  ito ng school uniform.

"Ella! Tawag ko sa kanya.

"Ate si nanay, diba buhay pa siya? Nasaan siya? Hindi naman totoo ang sinasabi nila diba? Buhay pa si nanay diba? Nangako kasi siya sa akin na hindi niya ako iiwan, na hindi tayo iiwan."

Bumuhos ang luha ni Ella.

Kitang kita ko ang sakit at bighati sa kanyang mukha. Kung nasasaktan ako alam kong mas labis siyang nasasaktan.

"Ella wala na si nanay, s-siguro kailangan nalang natin tanggapin. Sumuko na si nanay gusto niya na mamahinga. Ipag kakait paba natin sa kanya ang kalayaan na gusto niya?"

Nag babantang bumagsak ang luha ko pero pinipigilan ko. Ayaw ko maging mahina sa harapan ni Ella.

"Paano ako? ma-mimiss ko siya ng sobra. Paano ako makakatulog sa gabi kung walang ng nanay ang mag susuklay ng buhok ko tuwing gabi. Ang mga yakap niya! hinding-hindi ko na mararanasan pa kahit kailan."

Lumapit ako sa kaniya at lumuhod para yakapin siya.

"Ella! Hindi naman nawala si nanay. Umalis man siya, iniwan man niya tayo pero nandito parin siya sa puso natin. Mananatili ang magagandang alaala niya sa ating puso habang buhay." Saad ko habang pigil ang luha ko hindi ako pwedeng maging mahina sa harapan ng kapatid ko kailangan ko maging matibay.

'Anghella Hernadez White'

Ang pangalan na nakaukit sa lapida.  Hindi parin  ko maka paniwala hanggang nagyon na ang  babaeng nag  bigay  ng buhay  sa aming  mag kapatid .  Nagyon ay wala na  sa amin. Pinipilit ko maging matatag kahit   mahirap at masakit.

Ngayong araw inilibing si nanay apat na araw namin siyang binurol sa isang exclusive funeral. Lahat ng gastos ay si Ellieoth ang sumagot kahit singkong duling wala akong nilabas. Anong ilalabas ko wala naman akong pera .

"Nay! wag kang malungkot diyan. At isa pa huwag mo kami alalahanin ni Ella kaya namin ang sarili namin. Mahal na mahal kita Inay, ma-mimiss kita. Kung nasaan ka man ngayon sana nakarating kana sa paraiso. Paalam mahal kong ina!"

Sa huling pag kakataon ay tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko ang marahang pag pisil ni Ellieoth sa aking kamay.

My Beautiful Secretary ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon