Angelecca Pov.
"O, ayan ang ganda, ganda mo na! My gosh sana maging kasing ganda kita."
Wika ni Girly, at inaayos ang gown na suot ko. Ang kaibigan niyang bakla ang nag ayos sa akin proffesional make up artist kasi yung kaibigan niya. Sa pag kaka-alam ko ay Betina ang pangalan pero sa totoong buhay ay Berto.
Nasa kwarto kami ngayon dito nila ako inayusan.
"Ate Ecca this is it! Ilang oras nalang magiging ganap kanang Del Falco. I'm so happy for you ate! Dahil magiging masaya kana, makakasama mo na ng matagal si Kuya Ellie." Naiiyak na saad ni Ella.
Si Ella nga pala ay kakanta sa kasal ko doon sa simbahan. Hindi ko alam kung anong kanta ang kakantahin niya pero excited na ako.
Hindi matumbasan ng kahit anong bagay ang kasayang nararamdaman ko ngayon araw.
Umuwi din si Samantha mula sa london siya ang maid of honr ko. Si Ella kasi ay ayaw dahil gusto niya kasi ay handugan ako ng kanta habang nag lalakad patungo sa altar kung saan nag hihintay ang lalaking mahal ko.
Pag katapos ko ayusan ay ilang beses ako huminga ng malalim bago humarap sa malaking salaming nakadikit sa dingding ng kwarto ko.
Parang hindi ko makilala ang sarili ko, ako ba ito yung babaeng simple noon. Ang babaeng naka suot ng makapal na eye-glasses.
"Huwag kang umiyak riyan, baka bago tayo makarating sa simbahan ay tanggal na lahat ng make-up mo."
Napa lingon ako sa lalaking nakatayo sa labas ng pintoan.
"Papa!" Sambit ko at ngumiti.
Kahit nag kaka-edad na siya ay hindi maitatago na magandang lalaki ito.
Itim na tux ang suot nito nag lakad ito papalapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
"Kung naririto lang sana ang nanay mo, i'm sure na masayang-masaya yon para sa'yo. Naalala ko noon, noong ikasal kami ganito siya kaganda katulad mo anak. Mahalin mo ng tapat si Ellieoth anak nakikita ko labis ang pag mamahal niya para sa'yo. Siya ang tipo nang lalaki na kahit bigyan mo ng palay sa kanyang harapan ay hindi niya susungaban. Nakikita ko na ikaw lang ang babaeng tanging nakikita ng mga mata niya ikaw lang babaeng nasa puso niya. Sa'yo lang umiikot ang mundo niya. Mapapanatag na ako na may lalaking labis na nag mamahal sa anak ko. Napaka ganda mo anak!" Wika niya at pinatakan ako ng halik sa noo.
"Thank you papa! Dahil dumating ka muli sa aming buhay. Nawala man si inay ay naririto ka naman sa aming tabi ni Ella. Mahal na mahal po kita Papa."
Mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya bago kami tuluyan lumabas ng kuwarto.
Pag kalabas namin sa garahe ay sinalubong kami ni Edward siya ang mag mamaneho ng kotse na sasakyan ko patungo sa simbahan.
Inalalayan niya ako sumakay sa puting bridal car ang sasakyan na ito ay bagong bili ni papa noong nakaraang linggo lamang.
Si Ella naman ay nauna sa simbahan si Randy ang nag hatid sa kanila kasama si Girly at Betina. Si Leo naman ay kasama ni Tita Althea nasa simbahan narin sila.
Nalulungkot ako lalo na si Ellieoth dahil wala si Alliah, sa araw ng kasal namin ngayon.
Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit siya umalis at nag tatago. Ganoon naba kalaki ang pag kasuklam niya kay Dom para umalis siya. Yun ba ang dahilan niya? o, may iba pa siyang rason kung bakit siya umalis. Alam ko mahirap at masakit mawalan ng anak lalo na hindi mo pa ito nakikita at nakakasama, sana kung nasaan man siya ngayon ay nasa maayos lang siyang kalagayan.
Sumakay na ako sa sasakyan katabi ko si papa ngayon.
"Ma'am Angelecca pwede po ba kung mag aanak muli kayo ni boss Ellieoth kunin mo ako ninong."
BINABASA MO ANG
My Beautiful Secretary ( Completed )
רומנטיקהAngelecca was a different woman, but Ellieoth fell in love with her. However, due to an incident caused by his friend Domnix, Samantha's father has proposed to Ellieoth. He has no choice but to accept the marriage proposal from Samantha's father in...