Chapter 10

2.8K 83 0
                                    


Ellieoth  Pov.

Pinagmamasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Angelecca. Napaka ganda niya talaga napaka amo ng kanyang mukha.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero pag gising ko isang umaga ay si Angelecca na ang laman ng isip ko.
Unang araw palang nang makita ko siya alam ko kakaiba siya. Iba siya sa lahat ng babaeng naging girlfriend ko. Siya lang ang babaeng may lakas loob na sigawan ako at sagot-sagutin.

Yung ugali niya ang pinaka nagustuhan ko sa kanya napaka tapang niyang babae. No'ong una gusto ko lang siya mapa sa akin at makuha katulad ng ibang babae. Pero nung mga oras na may iba siyang kasama at mahuli ko siyang kausap at hinalikan siya ni Dom. Nag selos talaga ako ng husto alam kong hindi na normal ang nararamdaman ko para sa kanya .

She changed me!

Mahal ko na ang babaeng ito! Ayoko na mawala siya sa akin. Gusto ko akin lang siya! Kaya gagawin ko ang lahat para mahalin niya lang ako.

Sa kaniya na umiikot ang buhay ko , She's my life, my world my everything.

Hinaplos ko ang hubad na katawan ni Angelecca at dinampian ng halik sa kaniyang balikat .

Tumayo ako sa kama at kinumutan siya .

"I love you!" Bulong ko sa kanyang tainga .

Nag bihis ako ng damit at lumabas ng cabin upang kumuha ng makakain sa Resto. Alas dose narin kasi ng tanghali. Nag lalakad ako nang matanaw ko si Edward patakbong lumapit ito akin habang humahangos pa ang lalaki.

"B-bos kanina pa kita hinahanap tumawag si Mike. Sinugod raw sa hospital ang nanay ni Ma'am Angelecca. Mukhang malala ang lagay."

Bigla akong kinabahan sa tinuran ni Edward. Bakit hindi tumawag sa akin si Mike. Si mike ay isa sa mga tauhan ko na inutusan kong bantayan ang nanay at kapatid ni Angelecca.

"Ihanda mo ang sasakyan, tawagan mo din ang mga katulong sa mansiyon na i-ayos ang mga gamit ni Angelecca, babalik tayo ngayon sa manila. Now!" Utos ko kay edward.

"Yes Boss." at umalis na ito.

Agad naman akong nag lakad balik sa cabin.

Agelecca Pov.

Nagising ako sa tunog ng ringtone na nang gagaling sa cellphone.

Agad ako napa-upo sa kama at hinanap ang cellpone. Nakita ko ang Sling bag ko na naka patong sa bed sidetable ng kama.

Agad ko ito kinuha at binuksan nag mamadali akong dinukot ang cellphone ko doon.

Tiningnan ko ang screen kung sino ang tumatawag si Ella.

Sinagot ko ka-agad ito.

"Hello Ella!" Sagot ko.

Narinig ko ang pag singhot niya sa kabilang linya. Teka umiiyak ba siya? Bigla tuloy akong nakaramdam ng hindi maganda.

"Ella!" Tawag ko muli sa kanya.

"A-ate s-si nanay."

"Anong nangyari kay nanay Ella? Sabihin mo!" Bigla nalang kumawala ang luha ko sa aking mga mata.

"Sinugod namin siya ngayon sa hospital ate. Nahihirapan na siya huminga. Ate please! Umuwi kana dito kailangan ka ni nanay. Kailangan kita, hindi ko kaya mag isa ito. Kailangan ka namin ate pakiusap umuwi kana!"

Rinig ko ang pag hikbi ni Ella sa kabilang linya.

Ito ang kinakatakot ko matapang si Ella pero pag dating kay nanay mahina siya.

Kailangan ko naba ihanda ang sarili ko? Si nanay mawawala naba siya sa amin.

Biglang sumikip ang pag hinga ko dahil sa bigat nararamdaman ko.

My Beautiful Secretary ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon