Angelecca Pov.Kinabukasan ay maaga ako nagising. Upang ipag luto ng break fast si Ellieoth. Nasa kitchen ako abala sa pag luluto ng almusal ng biglang may yumakap sa aking baywang napa singhap ako dahil sa gulat.
Pumihit ako para tingnan kung sino si Ellieoth pala.
"Ellieoth!" Sambit ko sa pangalang niya.
Anong ginagawa niya dito? Paano siya nakakababa mag-isa at masyado pang maaga.
"Paano ka nakababa gayong naka wheel chair ka?" Tanong ko sa kanya.
"Si Edward tinulungan niya ako bumaba, tinawagan ko siya kanina. Saka masarap pa ang tulog ni Leo." Ani nito.
Nanatili siyang nakayakap sa aking baywan habang ako ay nag sasangag ng kanin.
"Sweetie! Nag luluto ako hindi ako maka kilos ng maayos." Ani ko .
"Ang sexy mo talaga! i love your waist." Wika nito at lalo pa niyang pinulupot ang braso nito sa aking baywang mula sa akin likod. Sinandal niya ang ulo niya sa aking likuran.
"Sweetie mag pakasal na tayo." Malumanay na sabi nito.
Sinandok ko ang sinangag at nilagay sa malaking plato.
Humarap ako sa kanya nanatili naman siyang nakayakap sa akin lalo niyang siniksik ang mukha niya sa aking tiyan.
"Sweetie ano ba yang ginagawa mo , nakikiliti ako!" Natatawang saway ko sa kanya.
"Sobra kasi kitang na miss biruin mo tatlong taon tayo nag kahiwalay. Tigang na tigang na ako sa'yo tatlong taon kaya ako walang nadidil-" Aray!" Daing niya.
Paano tinuktokan ko nga siya sa ulo niya. Buti nga at wala na ang benda na naka balot sa ulo niya magaling nadin kasi ang sugat sa ulo nito.
"Ang bibig mo! Ano kaba baka may makarinig sa'yo nakakahiya." Saway ko sa kanya.
"E, wala naman tao!" Ani nito habang kinakamot ang ulo nito.
"Alam mo ikaw ang pilyo-pilyo mo talaga kahit saan ang bibig mo hindi mo ma-control." Sambit ko at pinag dilatan siya ng mata .
"Sorry sweetie! Kasalanan mo, sa'yo lang naman ako nagiging pilyo." Dagdag niya pa.
"At bakit ko naman naging kasalanan aber?" Mataray na saad ko.
"Becuase you're driving me crazy!" Malamyos na boses nito.
"Tse! Mag tigil ka malibog ka lang talaga!" Wika ko at kinalas ang kamay niyanng na kayakap sa baywang ko.
Humalakhak naman siya ng malakas dahil sa sinabi ko.
"Daddy! saluhin niyo po." Saad ni Leo at sabay hagis ng bola kay Ellieoth.
Sinalo naman niya ito kahit naka wheel chair pa siya ay magiliw siyang nakikipag laro sa anak. Nandito kami ngayon sa veranda kung saan ang malawak ng garden ng mansion.
Nanonood lang ako sa mag ama habang nag lalaro, habang masaya ko silang pinag mamasdan ay napa lingon ako kay Alliah. Nasa gilid ito ng swimming pool naka upo habang ang paa nito ay naka tampisaw sa tubig.
Tumingin ako ng sandali sa mag ama ko at nag lakad papalapit sa kanya. Halatang malungkot ito at mukhang kakagaling din sa pag iyak.
Tumabi ako kay Alliah at hinawakan siya sa braso lumingon naman ito sa akin.
"Alliah kung may problema ka ay naririto lang ako. Pwede mo sa akin mai-kwento ang problema mo." Naka ngiting saad ko.
Tipid naman itong ngumiti at muling tinuon ang paningin sa tubig.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Secretary ( Completed )
RomanceAngelecca was a different woman, but Ellieoth fell in love with her. However, due to an incident caused by his friend Domnix, Samantha's father has proposed to Ellieoth. He has no choice but to accept the marriage proposal from Samantha's father in...