kabanata 1

439 21 2
                                    

Kabanata 1

"Ano 'yon ha?" bungad ni David matapos nya kaming sundan sa canteen.

"Alin?" kunwaring inip kong tanong.

I know David. He will not let this pass and for sure, he'll do everything he can para lang malaman yung isang bagay na gusto nyang malaman. He's that nosy.

"May something, eh." syempre hindi papahuli si Uno. He's nosy too. Well, it's his name afterall.

"Pinagsasabi nyo dyan," I said at parang wala lang na naglakad papunta sa pila. All eyes on me, huh. Artista ba 'ko? Tsk.

Pumila ako at sumunod naman sina David at Uno.

"Pa'no mo 'yon nakilala?" Uno asked me while we're waiting for our turn to order.

"It just happened," pilit na pinuputol ko ang usapan. I don't want them to think that I am interested. Pinahiya nya ako, kaya hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa harap ng mga kaibigan ko.

Magsasalita pa sana si Uno nang unahan ko sya, "Putangina, 'di ka pa titigil?" I glared at him. He acted like he's zipping his noisy mouth.

Tawa naman ni David ang narinig ko. Mga gago, eh.

"Craya, ikaw na muna." dinig kong sabi ng nasa harap ko. Hindi ko sya pinansin at naglakad na'ko para mag order. Ramdam ko namang nanatili sya sa tabi ko habang tumititig.

Tinignan ko sya. He's familiar.

"Eto na," sabi ni Ate na nagtitinda kaya't I shrugged it off. He's my schoolmate so obviously, he's familiar.

Nauna na akong maglakad patungo sa table namin. Bahala na si Uno at David na maghanap sakin. Hindi na muna ako kumain at napagdesisyonang hintayin sila.

Tagal.

Nilingon ko ang paligid at nakitang abala ang lahat sa pagtatawanan habang kumakain. Lagi bang masaya ang mga tao?

Nakita ko ang iilang irap ng mga kababaihan at mga malisosyong tingin ng mga lalaki. Tsk, wala ba akong tahimik na araw sa skwelahan?

"O, badtrip na naman si Miss." panunuya ni David sabay upo sa harap ko.

Miss, huh. "Isa pa, tatanggalan na kita ng bungo." irap ko.

"Scary," tawa ni Uno at umupo sa tabi ni David.

I glared at them nang sabay nila akong pagtawanan. Nagsimula na kaming kumain ngunit hindi ako mapalagay. What was his name? Pinahiya nya 'ko so I have to know kung anong pangalan ang dapat na kamuhian ko.

Right, that's the reason.

I gulped before talking, "What was his name again?"

Naramdaman ko ang pagtigil nila sa pagkain ngunit nagpatuloy ako sa pagsubo na tila wala lang ang tinatanong ko.

"Craya, ha. Matino 'yon." depensa ni Uno.

"Who? Tsaka what do you mean by that? Naninira ba 'ko ng buhay?" inirapan ko sila. "Dinadala ko pa nga sila sa langit, eh." dagdag ko.

Napailing sila, "Naninira naman talaga." sabay nilang saad at tumawa.

"Gael. He's my classmate." habol ni David.

"Crush mo 'no?" pang aasar pa ni Uno.

"I'm not talking about him. Hindi ako interesado sa feeling anghel na 'yon. If I know nasa loob ang kulo non. Huh! Akala nya ba perpekto sya?" tuloy tuloy kong saad at kita ko ang nanunukso nilang tingin kaya't tumikhim ako bago magpatuloy. "Tinutukoy ko yung nagpaubaya sa linya kanina." pagpapalusot ko nalang.

Lost In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon