kabanata 20

195 10 1
                                    

Kabanata 20

I found myself doing the things I don't usually do.

"May lagnat ka ba?" Uno asked.

"Luh, gago, anong meron?" segunda naman ni David.

Hindi ko sila pinansin at ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ko dahil may quiz kami mamaya sa Mathematics. Gandang bungad ng bagong taon.

"Musta pasko mo?" tanong ulit ni David sa akin habang ngumunguya.

"Fine. Much better than the past few years," I said.

"Syempre may jowa."

"Pinuntahan ka ba nya sa bahay nyo?"

"Nah, nandoon si tanda. Ako ang pumunta sakanila."

"Ha?! You met his mom again!" sabi nilang dalawa.

"Uhuh."

"Ano, 'di ka ba sinaktan?" David asked.

"Hindi. Tahimik nga lang kami, pero okay na 'yon kaysa naman sigaw ni tanda ang kainin ko sa araw ng pasko." tawa ko pa, pero hindi naman sila natawa. Nagbasa nalang ako ulit.

"May nakain ka ba 'nung pasko?" pangungulit ni Uno.

"Masasarap na pagkain?" tanong ko.

"Tsk, bat ka ba kasi nagrereview? Para kang may sakit!" sabi pa nya na tinawanan ni David.

Right. They're not used to this. So am I.

"Bawal ba? Nagbabagong buhay nako," sabi ko.

"Cry.." biglang pagseseryoso ni David.

"Okay, uunahan na kita. I'm doing this for myself."

"That's good pero bakit muna?" pagtataka ni Uno.

"New year, new me." I shrugged it off para tantanan na nila ako but they just won't stop!

"May tama kana talaga." umiiling pang sabi ni Uno.

"Shut up, may quiz kami mamaya sa Math at ayaw kong bumagsak kaya nag-aaral ako. End of the discussion."

"Hey, Gael! May mali sa girlfriend mo!" sigaw ni David sa kung saan kaya napalingon ako.

Nakita ko ang paglapit sa amin ni Theodoro kaya binigyan ko agad sya ng isang ngiti. "Hi!"

"Hey," sabi nya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Kakakita lang namin kahapon dahil nagmall kami at bumili ng mga bagong gamit. Syempre, new year!

"What are you doing?" he asked.

"Reviewing,"

"How come?"

"Same question." sabi naman ng dalawang unggoy.

Tinignan ko sya agad ng masama kaya't tumikhim sya at binawi ang sinabi nya kanina. "I mean.. what's up?"

"May quiz kami sa Math mamaya."

"Uhm.. okay?" pagtanong nyang sagot.

It must be really surprising to see me reading our notes.

"Have you eaten?" he asked again.

"Baka nandito pa kami, ano po." sabi ni Uno.

"Layas," sabi ko naman. Umirap na lamang silang dalawa sa hangin bago tumayo at umalis. Bibili siguro ng lunch nila.

"Do you have any problem?" Theo asked all of a sudden.

"Ha? Wala," tumawa ako. "Bakit?"

"You're smiling a lot.."

Lost In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon