kabanata 3

258 15 3
                                    

Kabanata 3

"I don't need the saving, you know.." sabi ko pagkabitaw nya sa kamay ko. Dinala nya ko sa kabilang bahay. Ito siguro yung bahay nila.

"I know."

Nagkibit balikat naman ako at umupo sa sofa. Kanina ko pa gustong i-stretch yung mga paa ko. Napakatagal naman kasi ng project namin.

"Fix your skirt, Craya." seryoso nyang sabi.

Napalingon naman ako sa skirt ko, medyo lumihis pala nung nagstrech ako ng paa. Binaba ko naman.

"Conservative," bulong ko. 'Di nya naman 'yon pinansin. Ah, aminado.

"You haven't had your lunch yet." he wasn't asking. He was sure.

Tumango ako. "Nagmamadali kasi ako, diba?"

"Tsk. Come here," he said. Sungit nito.

Sumunod ako sakanya habang palingon lingon ako sa bahay nila. It's a modern style house. It felt like home. Hindi kamukha ng sa'min. Malaki nga pero alam mong hindi kumportable.

Pumasok kami sa kitchen nila. "What do you want to eat?" he asked.

"Ikaw."

"What?" mabilis nyang lingon sakin gamit ang matatalim na tingin. Gagalit agad, eh.

"I mean, ikaw na bahala. Oa naman makareact nito." tawa ko. Pero totoo naman talaga yung sinabi ko. "Bilisan mo. 'Di pa kami tapos 'don." pagmamadali ko sakanya.

He glared at me. "Inuutusan mo ba ako?"

"Sort of." ngisi ko.

"Anong time kayo matatapos?" he asked.

"Malay ko," mayabang kong sagot. 'Di na nya ko pinansin pa at gumalaw galaw nalang sya sa kusina nila.

After few minutes, he's done. Nilapag nya sa harap ko ang tatlong piraso ng hotdog.

Napahalagakhak ako. "Shuta, nagtanong ka pa. Pa'no kapag sinabi kong adobo yung gusto ko?"

Nahihiya syang umiwas ng tingin. Cute, ampotek.

"That's also a food, a'ight. Kaysa naman kay Vince na 'di ka man lang pinakain."

Napatawa ako. Pinagsandok nya ako ng kanin at pinagkuha ng tubig. "Mister, kain ka din." pilyo kong sabi.

Tinignan nya ako ng seryoso, "I'm full, Misis."

Napaubo ako sa sinabi nya. "Gago, panagutan mo'ko."

Pinitik nya yung labi ko. "Bad mouth." he said.

Tinigilan ko na muna sya dahil nagugutom na'ko. "What's your favorite food?" I asked.

Umiinom sya ng juice nya, "I eat anything." sabi nya.

"Ang boring mo! Maging specific ka naman," sabi ko at sumubo ng isa pa.

"Maybe tinola." simple nyang sabi. Maybe? 'Di pa sure.

"I can cook that!" ngiti ko. Masaya rin ang tono.

"Really? You love cooking?" interesado nyang tanong.

Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. "U-Uh, oo." nag iwas ako ng tingin.

Mahina naman syang natawa kaya napalingon ako sakanya. Isa sa tamang desisyon na nagawa ko. Napakagwapo nya kapag tumatawa sya.

Tinitigan ko lang sya hanggang sa mailang sya. Pero tumitig sya pabalik kaya sa huli, ako yung nailang. Tangina.

"You lose." ngisi nya.

"Kuya!" sigaw ng isang maliit na tinig mula sa likod ko.

"Gela," sinalubong sya ni Gael. She's probably 4 years old based on her height. Nasa may bandang puwitan ko lang yung tangkad nya. She's wearing a girly dress while her hair's in pigtail. She's cute, but I don't like kids.

Lost In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon