kabanata 24

185 8 0
                                    

Kabanata 24

The guilt's been eating me up.

I ignored them. Hindi ko matanggap ang ginawa ko pero hindi ko rin mahanap ang lakas ng loob para bawiin ito.

Ang sama kong tao. People were right when they said that I'm such a bitch.

"Hindi ako bingi para hindi marinig na tinawag nila ang pangalan mo," humarap sa akin si Lani. Hindi binibitawan ang nangyari kanina sa Shokla.

"You hang out with those people."

Hindi iyon tanong. Sigurado si Grace sa sinabi.

"What's wrong with that?" si Tracy.

"Shut up, Treys. Masyado ka na namang naive!" biglang sabi ni Lani sakaniya.

Umirap si Tracy. "Lahat nalang issue."

Hindi sya pinansin nina Lani at Grace.

"Talagang hindi nag-iisip si Gael at pinili ka nya pa! Really? A smoker? Tapos mahilig pa uminom!" giit pa ni Lani.

Nagulat ako doon. Hindi ako umiinom sa tuwing kasama ko sila. Tanging wine lang kapag napipilut na nila ako. Mas lalong hindi ako nagyosi nitong mga nakaraang buwan na kasama ko sila.

"Oh, you're curious? I got you investigated," parang proud pa si Lani sa nagawa. "Nag-aaalala lang ako.. sa pinalit ni Gael kay Grace." dagdag nya.

Pinalit? Meron bang sila para masabi nya 'yon?

"Oh, hindi mo alam? She was Gael's ex!"

"Walang namagita--" hindi naituloy ni Tracy ang sasabihin nya nang hilain sya ni Lani.

"Meron! Umalis lang ng bansa si Grace. At ngayong nagbalik na sya, may umepal naman. Hindi ba, Grace?"

"Oo." tanging sagot ni Grace habang diretso ang tingin sa akin.

"That's absurd!" si Tracy.

"At bakit?" singhal ni Grace. "Boto sa akin ang pamilya nya. Magkaibigan ang mga ina namin. Mabuti akong tao.." sabi nya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

For the first time in my life, nanliit ako.

Laging mataas ang tingin ko sa sarili ko dahil nasanay ako na ipakita sa lahat ang ganitong katangian upang hindi kaawaan at apihin. Alam ko na mas nakakaangat ako kaysa sa iba ngunit ngayon.. nanliliit ako sa sarili ko. Nawawala ang tapang ko kapag sila ang kaharap ko.

Natatandaan ko pa kung gaano ako katapang noong una kong harapin si Grace. Pero ngayon na nais kong makuha ang loob nilang lahat para sa relasyon namin ni Theo, tila hindi ko mahanap ang tapang na pinakita noon.

Ayokong mahirapan si Theo. Gusto ko kumportable sya sa paligid namin ng mga kaibigan nya. Ayoko na dumating sa punto na kakailanganin nyang mamili sa amin.

"Ano, napapaisip ka na ba?" singhal ni Lani nang mapatagal ang pananahimik ko.

"Stop it! You're harassing her!" pumagitna sa amin si Tracy.

"What are you talking about? We're confronting her. Naninigurado na hindi nya ginagamit si Gael para lang sa ikabubuti ng imahe nya! Mas lalong para sa kurakot nyang ama!" may pagkakadiing sabi ni Grace.

Doon ako natauhan. Hindi ako 'to. Hindi ko matanggap na hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi ko na makita ang katangiang meron ako noon.

Siguro para sa iba, masasabi nilang-- I changed for the better. Ngunit higit sa lahat, mas kilala ko ang sarili ko. This is not for the better because I don't feel good at all.

Lost In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon