kabanata 25

177 9 0
                                    

Kabanata 25

tw: sexual abuse.

I found myself walking down the dark and lonely street on the way home. Hindi ko man lang naisipang mag-abang at sumakay ng sasakyan para makauwi.

I'll just enjoy the cold breeze of the wind.

Thinking about what happened earlier, I realized I was wrong. Walang mali sa pagpapahayag ng damdamin ngunit nagkamali ako sa paraan kung paano ko ito piniling ipahayag.

Nasaktan ko sya, I admit it.

Naiintindihan ko ngayon na sobrang babaw ko talagang tao. Inaalala ko palang ang nagsusumamo nyang mukha kanina, nanghihina na ako.

Ngunit hindi ko mahanap ang pagsisisi sa mga nasabi. Kasi alam ko sa sarili ko na 'yon naman talaga ang mga nais kong sabihin sakanya kahit noon pa man.

Ang layo-layo naming dalawa. Nakakaramdam ako ng paghihinayang sa relasyon namin pero mas labis ang pangamba. Pangamba na baka dumating ang araw na sisihin ko sya sa mga nangyayari sa buhay ko.

Ayaw kong dumating ako sa punto na hindi ko na matitigan ang sariling repleksyon sa salamin.

Napakunot ang noo ko nang mapansin at marinig ang ingay na nagmumula sa loob ng bahay namin. Mabilis akong napatakbo patungo sa gate at agad na binuksan yon. Tinungo ko ang main door namin at pinihit iyon ngunit nakakandado ito.

Wala akong susi!

"Manang!" sigaw ko.

Kinalabog ko ang pinto namin lalo na nang marinig ko na nawala na ang ingay. Tanging katahimikan na lamang ang syang namutawi sa loob ng kabahayan.

Anong nangyayari?!

"Buksan nyo 'to! Dad! Manang!" sigaw ko ngunit wala pa ring sumasagot. Lumingon ako sa paligid para sana humanap nang pwede kong pasukan.

Laking gulat ko nang makita ko si Theo sa may babasagin naming salamin. May hawak syang malaking bato at 'yun ang ginamit nya para basagin ang bintana.

Sinundan nya ako.

Inabot sya ng ilang minuto bago nya tuluyang mabasag ang salamin. Lumapit ako kaagad sakanya ngunit hindi ko sya nilingon pa kahit ramdam ko ang titig nya sa akin.

Naramdaman ko na inalalayan nya ako papasok. Ang kamay nya ay nilagay nya sa may ulo ko para hindi ako masugat sa mga natirang parte ng salamin. Habang papasok, nakita ko pa ang mga sugat sa kamay nya.

Mabilis akong pumasok at nagulat sa nakita. Magulo nang iwan ko ang bahay namin ngunit mas lalo lamang itong gumulo ngayon.

Ang mga sofa ay nawala sa tamang pwesto. Puno ng mga nabasag na salamin galing sa bintana at ibang babasaging mga pigurin. Makikita rin ang mga nagkalat na bote ng alak.

"Manang!" sigaw ko at dumiretso sa kwarto ni Manang.

Mabilis kong binuksan ang kwarto nya. Lalo ako nakaramdam ng kaba nang makitang walang tao sa kwarto nya. Tanging ang magulong kama lamang ang nakita ko.

Mabilis ang paglalakad ko papunta sa kusina dahil doon lang ang maaari nya pang puntahan.

Nararamdaman ko ang titig at pagsunod sa akin ni Theo ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin.

Habang papalapit sa kusina, hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Dahil ba sa pagtakbo ko?

When I reached the kitchen, I saw Manang. Lying down on the floor. May kutsilyo na nakasaksak sa may bandang tagiliran nya. Naliligo sya sa sariling dugo.

Lost In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon