kabanata 6

228 12 3
                                    

Kabanata 6

"Sigurado ka bang ayos lang sayo?" tanong ni Manang Nelly. Nakikisuyo kasi sya ng kailangang bilhin sa bahay. Sa malapit na mall lang naman kaya't pumayag na ako. Makikipagkita rin kasi ako kina David at Uno. Half day lang daw sila ngayong araw.

"Opo, Manang. Wala naman po akong ginagawa." sabi ko habang abala sa pagsuot ng aking boots.

I am wearing a black tank top together with my white leather skirt which is three inches above the knee. I also wear my favorite black boots. Hinayaan ko namang nakalugay ang maikli at tsokolate kong buhok. I just put a liptint and a powder. Then I'm done! You see, I love dressing up. It's one of my coping mechanism.

"O sya, sige. Mag iingat ka." sabi nalang ni Manang.

Hinalikan ko muna sya sa pisngi at umalis na ng bahay. Magcocommute lamang ako dahil mas masaya 'yon. Nakakapag isip pa ako habang nasa byahe.

Nang makarating sa SMC, nakita ko agad sa may entrance sina David at Uno.

"Mukhang hiyang mo ang suspension ha," salubong ni Uno.

Inakbayan naman ako ni David kaya agad ko iyong tinapik. "Hands off." masungit na sabi ko.

Inalis nya naman at ikinawit sa kanang braso ko. Ganon din ang ginawa ni Uno sa kaliwang braso ko at hinila na ako papasok ng mall.

"What the fuck." bulong ko dahil nakakadiri ang ginagawa nila.

"Wag ka nang maarte. Kapag boyfriend mo gumagawa sayo nito, ayos lang. Kapag kami, ang sungit mo." si Uno na nagpapaawa pa.

Hinayaan ko na lamang sila. Saglit kaming napahiwalay sa isa't isa nang nasa entrance na kami ngunit binalik din nila ulit 'yon pagkatapos. Mga gago talaga.

"Ano pala bibilhin mo dito?" tanong ni David.

"Sumama kayo pero mukhang wala naman kayong gagawin dito."

"Syempre! Miss kana namin." si Uno.

Napairap naman ako. "Bibili ako ng supplies para sa bahay." sagot ko sa kaninang tanong nila.

Nagtinginan ang dalawa na para bang gulat na gulat sa sinabi ko. "Nautusan lang." tudlong ko dahil parang ayaw talaga nila maniwala.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makapunta na sa Supermarket. Agad na nag unahan ang dalawa sa pagkuha ng cart, parang mga bata talaga.

Dumiretso na ako sa mga products at sinimulan ko nang kunin yung mga nakasulat sa papel na pinadala ni Manang Nelly.

"Ako na kasi," David.

"Gusto ko rin e." Uno.

Hindi ko nalang sila pinansin pa at ipinagpatuloy ko ang pagkuha ng mga kailangan namin sa bahay.

"Napapaisip ako tol, siguro may sariling buhay din yung mga pagkain na 'to 'no? Katulad din siguro natin sila na nag sasalita at kinakausap yung kapwa pagkain nila." sabi ni Uno habang seryoso namang nakikinig si David.

"Kawawa naman sila, baka yung anak na pala nila yung nakakain natin?" si David.

"Dahan dahan, baka makakita kayo ng dalawang pancit canton na nagsesex." singit ko naman at sabay na nanlaki yung mga mata nila.

Napansin ko rin ang paglingon ng isang matandang babae sa pwesto namin at tinakpan ang tenga ng batang apo nya yata.

"Crayaaaa!" sabay na sigaw nila kaya't tinawanan ko lang sila.

"Maiimagine ko nyan yan everytime kakain ako ng pancit canton." bulong ni David.

"Bro, baka nasa bunganga mo na yung noodles pero marinig mo silang nagm'moan." si Uno na sinakyan ang trip ko.

Lost In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon