kabanata 21

175 8 5
                                    

Kabanata 21

Months passed but I'm still curious on what he said about liking me since we were in 4th grade. I mean, nakilala ko lang sya ngayong grade 10 kami.

Nagsinungaling ba sya sa mga kaibigan nya para iligtas ako sa kahihiyan?

"What are you thinking?" Theo asked. Nandito kami ngayon sa mini park at nakaupo. Nagpapalipas lang kami ng oras dahil napaaga ang lunch namin ngayon.

"Yung sinabi mo noong unang beses na kumain tayo kasama ang elem friends mo."

Napaisip sya, "Which one?"

"Na ikaw ang unang nagkagusto sa ating dalawa! At grade 4? Kailan yon?" sunod-sunod na tanong ko.

Natanong ko na din naman sakanya 'to noon pero ayaw nya talagang sagutin.

He laughed, "Why are you so curious about it?"

I rolled my eyes at him. "Malamang! Pakipot ka pa nung una tapos gusto mo na pala ako. Pero kailan muna 'yon tsaka paano?" pangungulit ko.

"I'll tell you someday. Kapag umabot tayo ng 5 years." sagot nya.

"What?! Tagal naman 'non!"

"So that we'll last." pagbanat naman nya. "Stay curious, babe." nang aasar nya pang bulong.

Umirap ulit ako at kinurot naman nya ang pisngi ko habang may mga nakasilip na ngiti sa labi nya. Biglang may nilabas syang isang piraso ng tulip mula sa likod nya.

Napakaconsistent nya dahil simula noong first date namin hanggang ngayon ay patuloy ang pagbibigay nya.

"Baka naubusan ka na ng pera dahil sa tulip ha?"

"It's okay. It's worth it seeing your genuine smile."

"Tsk. Lagi mo'kong binobola!" tinapik ko palayo ang mukha nya para mapagtakpan ang kilig ko.

"You wanna go later? Tambay daw sa condo ni Michael." sabi nya.

Unti unting nawala ang ngiti ko ngunit hindi ko 'yon ipinahalata. Masaya naman kasama ang mga kaibigan nya kaya ayos lang. Hindi pa kasi huli ang dinner na nangyari noon. Nasundan pa 'yon ng napakaraming beses.

Minsan, kumakain kami sa iba't ibang sosyal na restaurant. Halos maubos ang allowance ko. Ayaw ko namang magpalibre lagi kay Theo dahil katulad ko, estudyante lang din sya. Mas lalong ayaw ko na maghingi ng extra kay tanda.

These past few months pa naman ay gumagrabe ang awra nya. Hindi pa rin nya mahanap ang bagay na hinahanap nya kay Manang noon. Tila ba napakaimportante 'non at hindi yata sya makatulog.

Hindi ko alam kung nasanay na ba ako sa mga gala ko nitong nagdaang buwan. Minsan kasi ay tumatambay kami sa mga condo nila. Welcome naman siguro ako dahil hindi na nasundan pa ang mainit na usapan noong unang pagkikita namin. Mas naging magaan ang awra nila, maliban na lamang kay Grace at Lani na parang ayaw talaga sa akin.

Ayos naman din silang kasama. Mayayaman lang talaga tsaka sosyal ang pinupuntahan. Pero pinipilit ko namang makipagsabayan para wala silang masabi.

"Yes!" sagot ko na may malaking ngiti. Tinignan ako ni Theo nang maigi.

"Are you sure? We can go to Shokla later, instead."

The fear of him getting drunk again appeared. Ayoko na ulit mangyari 'yon at baka tuluyan na syang itakwil ng ina nya. Yung mga kaibigan kasi ni Theo, hindi umiinom. Walang bisyo. Nadadamay din ako. Ilang buwan na rin akong walang inom. Hindi ko na rin yata alam ang amoy ng yosi.

"Hindi, ayos lang." sabi ko.

"Napansin ko kasing hindi ka na pumupunta sa Shokla dahil lagi kang sumasama sa amin.."

Lost In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon