HSL PS: THIRTEEN
5 YEARS na simula nung iniwan mo kami ng mga anak mo.
5 years din na hindi kita malimutan.
Hanggang ngayon sariwa pa rin ang pagkawala mo May 22 ngayon birthday ng tatlong anak mo.
Alam mo bang hindi naing madali sa akin ang magalaga ng mga bata lalo na si Yves dahil sa nakakita ng dugo hindi na siya nagkaroon pa ng balak magdoctor.
Yung sugat niya sa kamay ay nanduon pa din hindi na nawala ang sugat na yun sa kanya. Peklat na ang naging resulta.
At takot din siya sa tubig ayaw niya magswimming.
Pero nanatiling matapang siya pra sa mga kapatid niya.
Napakabuting kapatid niya hon.
Ngayon 12 years old na siya at highschool na siya sa pasukan.
Alam mo bang ang panganay mo ay nagmana sayo ng katalinuhan. First honor siya kaya hindi ako nmomoroblema sa tuition niya kasi scholar siya sa school na yun at ngayon hindi ko alam kung saan ko siya itatransfer kasi wlang high school sa St. Joseph Academy school.
Yung mga prinsesa ng buhay ko ay sobrang kulit. Nagmana sayo nung nagbubuntis ka pa.
Ang bait naman nilang dalawa saka yung mga pangalan sa panaginip mo eh yun din ang ipinangalan ko sa kambal.
Mai-Mai ang makulit at energetic na bata sakit sa ulo ni Yves kasi lagi niya itong inaasar.pero siya ang buhay ng pamilya natin.caring na bata din ito.
Si Mei-Mei naman ang sweet na maebelle kaugali mo siya pag-sweet at palabang ugali.matapang ito nasa loob ang kulo nito eh.siya naman ang taga pagtanggol ni mai-mai.
Perfect na sana kung nandito ka.kasama namin.
Nandito kami nila yves sa bahay at may kaunting salo salo.
Si manang hindi na umalis sa puder namin dahil masaya siyang pagsilbihan kami.
May spaghetti, na niluto si manang para sa birthday ng tatlong bata.
Ako naman nagawa kong pagsabayin ng pagtatrabaho at pag-aalaga sa mga bata.
"Papa alam ko na po kung saan po ako papasok."
"Oh saan?,"
"sa West High School."
"Bakit doon mo gusto??"
"Wala lang po gusto ko lang maranasan kung anong turo mayroon sila."
"Ayaw mo sa south?,"
"Ayoko papa. Iba na ang turo dun."
"Sige ikaw ng bahala."
"Kuya papa kakain na po"sabi ni mei-mei
"Kuya takaw pangit mo!!"sabi ni mai-mai
"Ewan ko sayo, baboy!!" Sabi naman ni Yves
Nag-aasaran na ang dalawa.
"Tara na at kumain, manang saluhan mo na kami dito."
Pina salo ko na si Manang para naman makakain din siya dito ayoko na hindi siya lagi kasama sa hapagkainan kapamilya na din namin siya dito.
"Nga pla papa may nakita po kami ni Mei-mei na kamukha ni mama, alam ninyo ba na sobrang ganda niya ang sabi nga po namin eh pumunta siiya dito para makilala ninyo."sabi ni Yves
"Kuya takaw kasama ako."
"Oo na kasama na."
"Oh bakit wala pa." Sabi ko
"Baka po nalate lang po siya" sabi ni Yves
"Papa ang ganda nun!!"sabi ni mei-mei
"DING DONGG!"
"SI TITA YAN." Sigaw ni mai-mai.
Tuloy lang ako ng pagkain.
"Tita ipapakilala ko po kayo kay papa" sabi ni Yves
"Naku nakakahiya naman"
Teka ang boses na yun.
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Totoo ba itong nakikita ko sai Maebelle nga ba ito?
Ang mukha niya walang pinagkaiba,
Ang boses niya siya nga ba talaga ito,
hindi ba ako nananaginip.
"Kamusta ka?" Tanong niya sa akin?
"Ayos lang. Kay tagal mong nawala? Anong nangyari" tanong ko sa kanya
"Dinala nila ako sa Hospital sa u.s para duon magpatheraphy nagpositive ang tumor sa baga ko.ngayon wala na mabilis ako naoperahan agad .pero matagal din akong nawala noong kaya natakot na akong humarap sayo. Baka hindi mo na ako kayang alagaan, sinabi na lamang nila na wala na ako pero ang katotohanan ay dinala ako ni Mama sa ibang bansa pagkalipas ng ilang araw pagkatapos kong manganak."
"Papa teka kilala mo siya?" Tanong ni Yves
"Kain po tita tas punta tayo kay mama" sabi ni mai-mai
"Oo nga pakelala ka namin ke mama" sabi ni Mei-mei
"Eh kaninong abo yun?" Tanong ko pa rin
"Sa namatay kong aso sa bahay nina mama."
"Papa sino ba siya?" Tanong ni Yves
"Teka lang , Ms. Pwede ba kitang mayakap?" Request ko sa kanya
"Sige,"sagot niya.
Agad ko siyang niyakap ng pagkahigpit sobrang namis ko siya.. Hindi ko akalain na magbabalik siya sa akin. Salamat lord at hindi siya nawala sa akin. Hindi niya ako iniwan.
"Papa ano po ba kilala mo po ba siya." Tanong pa rin ni Yves
"Papa bakit yakap mo siya?"sabi ni Mai-mai
"Papa sumbong kita ke mama" sabi ni mei-mei
"Yves alam ko matalino ka at ikaw ang mas may kilala sa kanya" sabi ko
"Ako bakit ako?"tanong niya sa akin.
"Pwede ba kitang makausap Yves?" Sabi niya kay Yves
Ako naman ay kumain na muna hindi ko na mahintay na makilala siya nito.