HSL PS: FIFTTEEN
(YVES POV)
"pakiusap paniwalaan ninyo ako dahil gustong gusto ko na mayakap ang mga anak ko!"
Sabi niya saka umiyak ng umiyak.
"kahit kalian hindi ko ipagpapalit si Mama jan sa babaeng yan na manloloko" sabi ko.
Saka umalis ako para makapag-isip kung sino ba talaga siya.
Pumunta ako sa dati naming bahay para makapag-isip pero hindi ko inaasahan na nalinis na yung mga gamit ditto mukhang may nakatira na pero walang tao.
Nilibot ko ang buong bahay at ang mga gamit pero yung mga gamit lang ni mama yung naiwan dito.
Pero may nakita akong isang bag at tiningnan ko kung kanino ang bag pero walang ibang laman kundi yung notes na napakadami at yung drawing yung mga dati kong notes, ito ay bago at hindi pa nagagamit.
Padilim na saktong lalabas ako pero nakita ko si papa at yung babae kanina hindi ko malaman kung sino ba talaga siya, ang sabi niya siya si belle kapalayaw niya si mama at yung mg sinasabi niya ay tugma sa mga nagyayari sa amin ng mga kapatid ko.
Papalapit na sila dito.
Patay tago!!!
Nagtago ako sa itaas yung kwarto ko.
Hanggang ditto naririning ko sila papa at yung belle nay un.
"ethan hindi ko makilala ang sarili kong mga anak, saka ang laki nagpinagbago nila." Sabi ni belle
Alam ko masama making sa usapan ng matatanda pero anong magagawa ko eh nasa labas sila nitong kwarto ko.
"hayaan mo muna siya na makilala ka talaga. Alam mo na hindi ko akalain na pupuntahan mo ako dito akala ko nawala ka na ng tuluyan sa akin." Sabi ni papa
Teka wag mong sabihing siya ay kabit ni papa.wag naman ayokong palitan si mama ko.
"halika duon tayo sa 3rd floor nagamit mo siguro yung cave na nakalagay duon." Sabi ni belle
"oo nagamit ko kasi hindi ko akalain na kambal sila eh kaya bumili ulit ako ng bago." Sabi ni papa.
Umakyat na sila pero patay ang ilaw.
Kaya nakakyat din ako sinundan sila.
Sinilip ko sa may pinto kai naman bukas eh.
Niyakap siya ni papa at kitang kita kong hinalikan siya ni papa.
Papa taksil ka kay mama.
"hon hindi mo na ako iiwan ha?" sabi ni papa
Teka hon diba yun yung tawag ni papa at mama sa isa't isa.
Kailangan kong malaman ang tunay na pangalan nung belle na yun.
"oo hindi na kita iiwan ditto na ako titira sa bahay natin, siya nga pala yung mga gamit ko hindi mo papala tinanggal." Sabi ni belle
"Papapuntahin ko dito si manang para matulungan ka sa mga gawaing bahay. At dito ko na din ilalagay ang mga gamit ko at dito na tayo titira ulit." Sabi ni papa.
"salamat at nakasama na ulit kita muli," sabi ni belle
Ano bang meron sila.
Bumaba na ulit ako at hinanap yung mga gamit niya sa kwarto pero wala akong Makita.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng hindi dapat. Kaya umalis na ako.
Pagdating ko sa bahay ay Masaya sila mei-mei at mai-mai na naglalaro pero mas minabuti ko na lang na matulog na.