Kabanata 07

585 15 8
                                    

Kabanata 07

Number

BUONG biyahe pabalik sa Washington ay lutang ako. Muntik ko pang matapon ang kape na ibibigay ko sa isang pasahero dahil sa kalutangan ko. Una, dahil hinalikan ako ni Anthony kanina sa Starbucks ng walang pasabi. Pangalawa, ay dahil nakita ko si Galan sa airport, na kakababa lang sa eroplanong galing Hong Kong noong nasa alley na ako at paalis na kami. And the worst part was that his hands were intertwined with a girl's hands.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa Hong Kong, dahil hindi naman nito sinasagot ang mga tawag ko. Hindi ako nito kinokontak at ina-update.

Hindi rin ako mapakali dahil hindi ko kilala ang babaeng kasama nito. I donʼt know who that girl is. It wasn't in his circle of friends, nor was it in mine.Hindi rin ito family-related nina Galan dahil kilala ko na ang relatives nito. And even if Iʼll admit it or not, I feel threatened.

I sighed heavily matapos kong lagyan ng wine ang baso ng isang businessman na naka-upo sa isang private seat.

"Thank you." Tumango ako.

"You're welcome, Sir," wala sa sariling usal ko at naglakad pabalik sa kitchen ng eroplano.

Papasok pa lang sa kusina ay gusto ko na naman umiyak. Ang dami na namang tanong ang pumapasok sa isipan ko. At nangingibabaw rin ang takot at pangamba ko.

Ayaw kong mag-isip ng mga negatibong bagay, pero nagkukusa iyong pumasok sa isipan ko tuwing naaalala ko ang sitwasyon namin ni Galan. He didnʼt contact me. At sobrang nakakasama iyon ng loob.

Bakit hindi man lang nito magawang kumustahin ako gayong nagpunta pala ito sa Hong Kong. Bakit hindi man lang ako nito nagawang tawagan o sagutin ang tawag ko? At... bakit may kasama siyang iba ng hindi sinasabi sa akin?

Narinig ko ang boses ni Anthony nang mag-announce ito. Mae-standby kami sa QIA dahil may ne-repair sa taxi runway ng DIA.

Napabuntonghininga ako matapos magsalita si Anthony dahil sa reaksiyon na naman ng mga kababaihan.

"Yes! I can have more time to hang out and talk to him!"

Mag-s-standby kami ng ilang oras sa Toronto, Canada, bago bumalik sa Washington, DC, pero ikinasaya pa iyon ng mga ito. Gusto ko nang magpahinga because I am mentally drained. And I want to call Galan too, pero hindi ko yata iyon magagawa agad.

Pagka-landing na pagka-landing ng eroplano sa QIA ay umingay agad ang mga pasahero. Karamihan sa mga nag-iingay ay ang mga kababaihang atat na atat na makausap si Anthony. Kaya nang lumabas ito galing sa flight deck ay pinaikot ko na lang ang mga mata ko dahil sa tiliang naganap. Kahit sina Luella ay nakitili rin.

He showed his signature smile when he slightly waved his hands to those giggling girls in their seats.

Napangiwi ako. Hindi niya ba alam na para siyang tanga? Mukha siyang kandidato na nangangampanya, mahilig mangako at puro lang din napapako.

"Officer, may I have your number?" Sabay tili ng isang babae dahilan nang pag-ikot ulit ng mga mata ko.

Nahuli ni Anthony ang ginawa ko, kaya nag-iwasna lang ako ng tingin at naglakad papunta sa lavatory. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Anthony, tanging ang pagkadismaya na boses ng mga babae na lang ang narinig ko bago ko sinara ang pintuan.

I need to calm my mind now. Marami akong iniisip. Marami akong hindi magandang iniisip tungkol kay Galan. I badly need to talk to him as soon as possible, dahil hindi ako mapapanatag na ganito na lang. Na hindi niya ako kinokontak ng ilang linggo tapos makikita ko siyang may kasamang ibang babae galing sa ibang bansa?

Gusto kong tawanan ang sarili ko. Here I am, fulfilling my dreams while the person I love has fun in someone elseʼs arms. Hindi naman masakit. Sobrang sakit lang. Parang kagat lang pala ng dinosaur kapag nasaktan ka.

Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil sa kung ano-anong iniisip. I can just simply break up with Galan dahil sa ginawa nito, pero hindi ko magawa-gawa dahil mahal na mahal ko siya. I can tolerate him 'wag lang kaming magkasiraan.

"Donʼt cry. I didnʼt give my number to those girls."

Napaigtad ako sa gulat dahil sa biglaang pagpasok ni Anthony sa comfort room. Titig na titig sa akin.

Gusto kong tumawa dahil wala naman akong pakialam kung ibigay niya ang numero niya roon sa mga babae niya. Kung numero pa siguro para sa lotto ibibigay niya sa akin, mas matutuwa pa ako 'no! At anong akala niya umiyak ako dahil sa kanya? Ang kapal naman talaga niya!

I gritted my teeth. Ready na sana akong insultuhin ito dahil sa pagiging assuming, but he walked towards me. Nanatiling seryoso ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. He's not fooling around, I see.

Pinanatili kong walang emosyon ang hitsura ko. Ayaw kong kung ano-ano na naman ang isipin niya. Baka isipin na naman nito na dinidibdib ko iyong mga pagpapapansin niya sa mga babae niya. The hell I care about it, anyway?

But what I didnʼt expect was his warm and tight hug after he wiped off the lone tear in the corner of my eyes.

Gusto kong magprotesta dahil sa ginawa ni Anthony. Pero dahil siguro sa bigat na nararamdaman, hindi ko na magawang magprotesta pa. Kasi sa totoo lang, ito 'yong kailangan ko ngayon. Wala akong masabihan sa problema ko. Walang magco-comfort sa akin dahil malayo ako sa pamilya ko. And the person who made me feel at peace before was already the reason why Iʼm in pain now.

Cruising Through The Clouds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon