Kabanata 15
Satisfy
NANLALAKI ang mga mata kong nakatitig kay Anthony dahil sa sinabi nito. Samantalang tawang-tawa naman si Luella at Captain Montecalvo sa akin.
Gago!
"Huwag ka ngang magsabi ng ganyan, Officer Cohan, may virgin tayong kasama!" natatawang ani ni Luella.
Bigla akong nakaramdam ng guilty dahil sa sinabi ni Luella. I can feel my cheeks burning.
I looked at Anthony and saw him smirking.
Hindi ko alam kong halata ba sa mukha ko na kinabahan ako o hindi, but I saw how Anthonyʼs smile slowly faded.
I looked away and cleared the lump on my throat, tsaka ako uminum ulit ng kape.
Mabuti na lang at naiba na ang pinag-uusapan nila.
Nanatili akong tahimik at nakikisabay lang kapag tinatanong ako ni Luella.
"I think wala tayong biyahe sa susunod na araw."
Napatingin ako kay Captain Montecalvo dahil sa sinabi nito.
Kasalukuyan na kaming naglalakad pabalik sa eroplano kasabay si Anthony at Luella.
"Bakit daw?"
"May paparating daw na bagyo rito sa Pilipinas kaya cancelled ang biyahe the next day."
Bahagya akong tumango at nanatiling tahimik lang.
Nagpatuloy sa pag-uusap ang tatlo habang tahimik lang akong nakasunod hanggang sa nakarating kami sa eroplano.
Madaling araw na at ilang oras na lang babyahe na ulit kami pabalik sa Washington.
My phone rings, but this time, itʼs my mother thatʼs calling, kaya agad ko iyong sinagot.
"Mama?" bungad ko. Nakita ko rin ang pagtigil ni Anthony nang marinig ang sinabi ko.
"You never called us, Elane, how are you?"
I miss my motherʼs voice. At nakaramdam na naman ako ng konsensiya dahil nakalimutan kong tumawag sa kanila dahil ino-occupie ni Galan ang isipan ko nitong mga nakaraang linggo.
"Iʼm sorry, Mama, I got busy," tanging palusot ko na lang.
I heard Mama sigh on the other line, kaya alam kong may iniisip ito.
"How are you, anak?"
"Iʼm doing well, Mama. Kayo po?"
I put some cheerful tone on my voice para hindi mahalata ni Mama na may problema ako. She knew me a lot, kaya dapat pag-igihan ko ang pagpapanggap.
I heard her sigh again.
"I heard you and Galan broke up already, Elane."
Ngumiwi ako. Sa sinabi pa lang ni Mama alam ko na ang iniisip nito.
I know sheʼs just worried about me. Pero hindi naman ako na ganoong nasaktan, because I realized a lot of things when Galan was out of my life anymore.
"Iʼm okay, Mama, donʼt worry about me."
Alam kong pampalubag loob ko lang iyon kay Mama. Kasi alam kong kahit sabihin kong okay lang ako, ang mga magulang ay mag-aalala talaga kapag alam nilang may nangyari sa anak nila. Hindi mo iyan mawawala sa kanila dahil nature na ng mga magulang 'yan.
"I know youʼre strong, Anak, but always remember that Iʼm here for you no matter what. I can fly wherever you are if you need me."
BINABASA MO ANG
Cruising Through The Clouds (COMPLETED)
Storie d'amoreAviatorʼs Series#03 STATUS: COMPLETED Since Emery Journalane was young, she already had imprinted in her mind that she would never commit to a relationship with a uniformed personnel partner. She knew that most of them are unfaithful to their partn...