Kabanata 27
Cold
TULUYAN akong nanlamig nang kinamayan na nga ni Russel si Anthony habang ang kaliwang kamay nito ay nasa beywang ko. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga ni Anthony nang sulyapan nito ang kamay ni Russel na nakalapat sa beywang ko.
I didn't see any trace of shock in his eyes. Ako lang ata talaga ang gulat na gulat kung bakit siya nandito ngayon.
Is this a coincidence... or what?
"Mr. Cohan, this is Emery Journalane, baby, this is Mr. Anthony Cohan, isa sa mga investors ng kompanya," malaki ang ngiting pakilala ni Russel sa akin kay Anthony.
Anthony clenched his jaw before he smirked and extended his hand for a handshake.
I gulped and looked at his hand before I slowly accepted it.
"Nice meeting you, Emelane." He smirked. Halata sa mukha ni Anthony ang pagiging sarkastiko nito sa pagpapakilala sa akin. He gazed at me at lalong umigting ang panga nang dumapo ang mga mata nito sa tiyan ko.
Agad akong bumitaw pagkatapos makipag-kamay dahil para akong napaso. Kung hindi lang siguro nakahawak si Russel sa beywang ko ay baka na out of balance na ako dahil sa sobrang kaba ko. And I don't even know why I'm feeling cold by just seeing him!
Oh! Talaga ba Emery, hindi mo ba talaga alam ang dahilan kung bakit ka kinakabahan ngayon? Or you're just lying to yourself?
I shook my head a bit nang igiya ako ni Russel paupo. Hindi tinatanggal ni Anthony ang mga titig niya dahil ramdam na ramdam ko pa rin iyon.
"So, shall we start the meeting?" ang isa sa mga matatandang investors.
They started the meeting at nasa tabi lang ako ni Russel, nakikinig. Ayaw kong tumingin sa banda ni Anthony dahil ayaw kong maaktohan niya akong tumingin sa kanya. At bakit ba kasi sa dinami-dami ng taong p'weding maging investor ni Russel isa pa si Anthony? Nananadya ba ang panahon sa akin.
"Russ, I'll just go to the bathroom," ilang sandaling paalam ko kay Russel.
Russel looked at me and nodded. "Do you want me to accompany you?"
Agad kong inilingan si Russel.
"No, Russ, I'm fine, sa bathroom lang ako."
"Okay."
"Excuse me, gentlemen," paalam ko sa mga ka-meeting ni Russel without taking a glance in Anthony's direction.
Tumayo agad ako at pumunta sa comfort room. I stared at my face for a moment. Hindi halata na kinakabahan ako at namumutla dahil nakapag-ayos ako ng mukha ko. Only my hands, knees, and heart knew how nervous I was right now.
Isa sa kinakatakutan ko talaga kapag nagkita kami ulit ay ang malaman niyang buntis ako at siya ang ama. Hindi ko nga alam kung alam ba niya na nakunan ako noong muntik nang mag-crash ang eroplano. Basta ang alam ko lang ay maayos ang lagay noong baby na nahawakan ko. Kasi ayaw ko nang makisalo ei. Ayaw ko nang makihati sa kanya. Ayaw kong magmukha akong tanga for loving him while he's busy loving and entertaining someone else.
Officer Nazli Miller is not just someone else for Anthony; she's his first love. At sa katotohanang 'yan pa lang ay talo na ako. Anong laban ko sa first love niya na binalikan pa siya after how many years? Wala, kasi isa lang ako sa mga babae niya, no proper label.
Pagkalabas ko ng comfort room ay dumiritso ako sa tabing-dagat para makalanghap ng sariwang hangin. Kanina pa ako parang nasu-suffocate sa loob pagdating ni Anthony. Ayaw ko namang sisihin si Russel na sinama niya ako rito dahil wala namang alam si Russel tungkol sa amin ni Anthony. At saka hindi naman ako pinilit ni Russel na sumama. Nagkusa akong sumama sa kanya, kasi hindi ko rin ini-expect na magkikita kami ni Anthony dito.
BINABASA MO ANG
Cruising Through The Clouds (COMPLETED)
RomanceAviatorʼs Series#03 STATUS: COMPLETED Since Emery Journalane was young, she already had imprinted in her mind that she would never commit to a relationship with a uniformed personnel partner. She knew that most of them are unfaithful to their partn...