Kabanata 08

565 13 6
                                    

Kabanata 08

Unexpected

ANG nakaka-eskandalong ngiti ni Luella ang sumalubong sa akin paglabas ko galing sa lavatory. Kahit na nauna akong lumabas bago si Anthony ay alam ko na kung ano ang tumatakbo sa utak ni Luella.

Luella grinned even more nang maglakad ako palapit sa isang bakanteng upuan nang hindi siya pinapansin. Agad itong tumabi ng upo sa akin nang may malaking ngisi sa labi.

"What?!" masungit na bungad ko. Kahit pa alam ko na naman kung ano ang iniisip ni Luella ay hindi ko pa rin matanggap na ganoon nga ang iniisip niya!

"Mesherep?" pabebeng tanong nito sabay lagay ng hibla ng buhok sa likod ng tenga.

I glared at her at nginiwian.

"Anong pinagsasabi mo riyan?" naiinis ko pa ring anas.

"Iyong mga yakap at halik... mesherep ba?" ulit niya. Inis na nginusoan ko ito kaya tumawa ito ng malakas.

"Ano ba? Tigilan mo 'yan mukha kang tanga!" I smacked her shoulder sa inis. "Walang ganoʼng nangyari! Tinanong lang ako noʼng tao kung okay lang ako!" inis na saad ko.

"Why you sounded like nanghihinayang because walang nangyari?" Luella teased me.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong nanghihinayang 'yang pinagsasabi mo? Wala akong ganyang nararamdaman ano!"

"Baʼt tunog defensive ka?" pang-iinis pa rin ni Luella kaya pinanlakihan ko ito ng mata.

She always finds a way to irritate me.

"Anong defensive doʼn? Desisyon ka, Luella!"

Luella laughed out loud at me, kaya nilingon kami ng mga kasamahan namin. Inirapan ko na lang ito at tinanaw ang bintana. Agad bumalik sa isipan ko ang bumagabag sa akin kanina pa man. Umayos ng upo si Luella sa tabi ko. Ginaya rin nito ang ginawa ko pero hindi ko na lang ito sinita. I know she just wants to soothe my feelings. Alam kong alam niya na mabigat ang problema ko.

I sighed frequently.

Kahit anong subok kong paliwanagan ang sarili ko sa nakita ko, nangingibabaw pa rin sa akin ang instinct ko. And I hate to admit that... it terrifies me, big time, because my intuition never lies.

Bumuntonghininga ulit ako. Huwag naman sana.

"This is the reason why itʼs not enough that the girl loves the guy more, because in a relationship, it should be equal. If he makes you feel worth it, make him feel he is too. And if he only makes you cry, make him cry too. Make everything equal. No one is worth crying about in any circumstance, especially when you love that person."

Gusto kong matawa sa sinabi ni Anthony sa akin kanina. Siya nga siguro itong ang daming pina-iyak na babae dahil sa pagiging babaero niya ei. Pero hindi ko rin naman maipagkakailang tama siya. If you love someone, it should be equal. Dahil kung hindi, it will end up being labeled as a toxic relationship.

Alas dos ng madaling araw nang tumawag ang taga-air traffic control at sinabing okay na ang DIAʼs runway. Puwede na kaming bumiyahe diritso roon na ipinagpasalamat ko.

Ang dami kong gustong gawin pagdating sa DIA, kaya gusto ko na lang na madaliin ang biyahe.

I will talk to Galan. Sisiguraduhin kong makakausap ko siya sa araw na ito dahil hindi na yata kakayanin ng isip ko kung ipagpaliban ko pa ito. Marami akong gustong itanong at hindi na ako makapaghintay.

"We've already started our descent procedure into Duke International Airport. We expect to land at 3:20 in the morning."

Para akong nabunutan ng tinik matapos magsalita si Ms. Villanueva. Sunod-sunod kaming nagsibabaan sa eroplano nang bumukas ang pintoan.

Nasa alley pa lang ako bitbit ang luggage ko ay tinatawagan ko na si Galan. Hindi ko na hinintay na makapasok pa sa building at makapagpalit.

Naka-ilang ring pa muna ang lumipas bago ako nakahinga ng malalim nang sagutin ang tawag ko.

"Gale..." I muttered, gritting my teeth. Nagpipigil akong sumabog.

Walang nagsasalita sa kabilang linya kaya nagsalita ulit ako.

"Hello... Gale—"

A slow noise I heard at first was followed by some grunts and moans. Hanggang sa tuluyan na ngang luminaw ang mga boses na 'yon sa pandinig ko. Nanindig ang balahibo ko sa batok at biglang uminit ang pakiramdam ko na umabot sa tuktok ng tenga ko at gusto ko ng tuluyang sumabog sa halo-halong naramdaman ko.

"Ahh... yeah... Galan, harder baby... ahh..."

"Ah! Fuck, Atena, that's it..."

Nanlamig ako. Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung mali ang number na natawagan ko o mali ang taong nagmamay-ari ng cellphone na tinawagan ko.

Pero kahit sa halo-halong nararamdaman, isa lang ang alam ko ngayon. Niloloko ko lang ang sarili ko kahit na alam kong walang mali alin man sa dalawang naisip ko.

Galan, my fiance, is cheating on me. At hindi ko lubusang matanggap iyon!

"You accidentally answered your phone!" dumagundong ang boses ng babae sa kabilang linya habang nasa tenga ko pa ang cellphone ko.

"What!? Fuck!" rinig kong malutong na mura ni Galan bago namatay ang tawag.

He dropped off my call because he had just accidentally answered it! At iyon pa mismo ang narinig ko!

Para akong nawalan ng lakas habang nakatayo sa gitna ng madilim at malamig na alley.

There's a small snowflake starting to fall on my face. It's already dawn, and it hurts to think that I was all alone in the middle of the cold alley, snowing and heartbroken.

It's just too painful to handle the unexpected pain with that unexpected person in an unexpected call.

Cruising Through The Clouds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon