Kabanata 12
Over
HINDI ko alam kung bakit sobrang affected ako sa nakita ko. My heart even ached. Sobrang nakakahiya sa sarili ko na umiyak pa ako pagdating sa kwarto ko! Nakakahiya dahil may problema pa nga akong hinaharap; I've already made a mistake with someone. I'm facing a storm in my own clouds, but I also want to be a rainbow in someone else's.
Parang nakulangan pa yata ang puso ko sa sakit.
I was wiping off the sweat from my face while walking out of the gym when someone bumped me. Kagagaling ko lang mag-practice sa ring at nakipag-sparring sa isang kickboxer, kaya pawis na pawis pa ako.
"Sorry..." I muttered instantly.
"Tss!"
Tumigil ako at sinundan ng tingin si Nazli dahil hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin at humingi ng pasensiya. Dumiritso ito sa isang treadmill at nagsimulang tumakbo.
Bumuga ako ng hangin at umismid.
There's always someone you'll meet in your life na hindi mo gugustuhing makilala. I am not bitter dahil sa nakita ko kagabi... I guess.
I shook my head before I got out in the gym at dumiritso sa suit ko.
Alas sais y medya pa lang kaya may oras pa akong makapag-ayos sa sarili. Medyo gumaan rin ang pakiramdam ko dahil nakapag-exercise ako. All I need to do today is stop thinking about those people who only bring bad vibes to me.
I spend my time preparing my belongings for my luggage, para dadalhin sa biyahe. Iwinaksi ko na rin ang mga nangyari kagabi at napagpasyahang huwag na iyong isipin.
"Good morning!" I smile at Luella at sumabay sa paglalakad nito patungo sa alley.
"Good morning..." I greeted her back.
"Hmm..." I looked at Luella and raised my brows when she stared at me with a menacing smile plastered on her lips.
"What?" I tilted my head.
"I smell something." Luella smiled sheepishly. I rolled my eyes at her.
"Tss! Bunganga mo lang 'yan, malapit sa ilong ei," mataray kong saad na ikinasimangot ni Luella.
"Meron nga. May napapansin ako sa—" Natigil sa pagsasalita si Luella dahil sa biglaang pagtunong ng cellphone ko kaya sinenyasan ko ito.
I checked who's calling at hindi na ako nagulat nang makitang si Galan ang tumatawag.
I let out a loud breath.
"Gonna take this call... mauna ka na sa eroplano."
Luella nodded at me at nauna nang maglakad.
I let out a loud breath again bago ko sinagot ang tawag ni Galan.
"Elane..." agad na bungad ni Galan sa akin.
I wonder to myself why his call never excites me anymore. Dati-rati kapag nakikita ko lang na tumatawag si Galan ay masaya na agad ako. Pero ngayon, wala na akong nararamdaman. Siguro dahil ito sa ginawa niyang panloloko sa akin.
"Hmm..."
"Look, Elane, I can explain..." Umiling ako kahit na hindi naman ako nakikita nito. I calm myself. Sinabi ko na sa sarili ko kanina na hindi ko sisimulan ang araw ko ng pangit.
"There's no need to explain, Gale. Everything is crystal clear to me now. There's nothing left to perplex me anymore."
I heard Galan frustratedly blow a loud breath on the other line. Pinaikot ko ang mga mata ko.
Problemado na siya niyan? E ugali naman pala niya ang problematic dito.
"Elane... listen, I love you, okay? Just pay attention, and I'll explain—"
I cut him off. Ayaw ko ng marinig ang mga kasinunggalingan nito.
"I said there's no need to explain, Galan! Malinaw na sa akin lahat! You cheated on me, and there is no explanation for it!" galit na singhal ko at pilit na kino-kontrol ang boses. Nakatayo pa ako sa gitna ng alley at malamig ang panahon dahil winter season na.
"Let's fix our problem, Emelane... let's save this relationship—"
Hindi ko pinapatapos ang mga sasabihin sana ni Galan dahil mas lalo lang akong naiirita.
"There is no need to save, Galan! It's over!" madiin na saad ko. Nagtitimpi ako dahil marami ang dumadaan papunta sa eroplano. Ayaw kung sumigaw dito dahil sa galit kaya pinipigilan ko ang sarili ko. But Galan has no shame at all!
"I love you, Elane, you know that!"
I laughed insultingly because of what I heard.
"Did you really love me? Huh?" nanghahamong tanong ko. "Yes, let's say you did, but that was before, Galan. Baka nakakalimutan mong ako ang laging naghahabol sa ating dalawa just to save this fucking toxic relationship! Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na mahal mo ako? Nagpapatawa ka ba!?"
I am furious now. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ako kamanhid dati, na I will do everything just to make up with him, kahit na hindi naman talaga ako ang may kasalanan. Ako ang nag-so-sorry kahit alam kong wala naman akong mali.
I am even sorry because I can't give myself to him.
"Emelane... pleas—"
"Stop, Galan! It's over! I know you don't love me... because when you love someone, you protect them from the pain. You don't become the cause of it!"
Galit na lang ang nararamdaman ko ngayon para kay Galan. Galit dahil nagbubulag-bulagan ako. Galit, because I let him manipulate me. Galit dahil niloko niya ako. Galit dahil hinayaan ko ang sarili kong lokohin ako ng taong akala ko... mahal ako.
"Everything between us was over."
BINABASA MO ANG
Cruising Through The Clouds (COMPLETED)
RomanceAviatorʼs Series#03 STATUS: COMPLETED Since Emery Journalane was young, she already had imprinted in her mind that she would never commit to a relationship with a uniformed personnel partner. She knew that most of them are unfaithful to their partn...