Chapter 15

6 0 0
                                    

~ chapter 15 ~

~ Revelation ~

Hindi makakapaniwala si sieth sa mga naririnig nya galing sakin. Kinuwento ko kasi sa kanya lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Tinulungan nya naman ako at itinago. Hinahanap ako ng pamilya ko sa kung saan saan at naka headlines nanga sa lahat ng media outlet ang pagka missing ko. Halos isang linggo narin akong nanatili rito sa bahay ni seith. At tanging ang yaya lang ni Thalia na anak si seith, mga katulong at si seith ang tanging nakakaalam lang sakin. Pinatay korin kasi ang phone ko para hindi nila ako ma trace up gamit yong gps.

“Manang Beth ako nalang muna ang magbabantay kay Seithalliana ngayon para makapagrelax karin naman paminsan minsan.” Sabi ko sa Yaya ni Thalia.

Miss kona si Aloijay don sa Davao. Gusto kona talaga syang puntahan buti nalang at napagpasyahan ko munang ibilin sya kina tita Charing kasi alam kung may ganitong problima pa talagang darating.

“A-ahy.. w-wag napo ma'am, nakakahiya naman ho sa inyo saka.. trabaho korin naman to.” Sagot ng yaya. Nginitian ko sya saka bahagyang tinapik yong balikat nya.

“Okay lang talaga sakin yon manang saka wag kang mahiya sakin katulad rin lang naman tayo eh.” nginingitian ko sya. “Saka.. miss kona rin yong anak ko.” Dagdag ko. Bahagyang lumungkot ang pakiramdam ko sa kaisipang hindi ko nakakapiling ang anak ko.

Kumusta na kaya talaga si Aloijay don kina tita? Sana okay lang sya.

“A-ahy.. s-segi ho. Ang bait nyoho talaga ma'am. Kasing tulad ho kayo ni ma'am adelle.” Ngumiti sakin ang ginang.

Adelle? Sinong Adelle? Anak nya or dati nyang pinanilbihan?

“S-sino hong Adelle manang?” tanong ko sa kanya ng nakakunot yong noo.

“Ahh.. si ma'am Adelle ho ay ang dating asawa ni sir Seith.” Aniya. Lumungkot bigla ang mukha ng ginang. “K-kaso namatay sya sa panganganak kay ma'am Thalia. ” yumuko ang ginang at pilit na nilalabanan ang pagbuo ng kanyang mga luha.

Nilapitan ko sya at niyakap saka marahang hinaplos yong likod nya. Ang loyal nya naman sa mga amo nya.

Bumukas ang pintuan sa sala at inuluwal doon si seith at si-... J-james. Tanginaaaaa. Bat nandito sya?

“A-aloida I'm really sorry. Kinulit nya ako at nagpumilit sumama sakin rito.” yumuko si seith at mukang naghihintay ng pagsigaw ko sa kanya. Pero of course sino ba naman akong magalit sa kanya diba? Ako nanga yong tumuntong sa poder at nakibinipisyo pa sa lahat ng pagkain at gamit nya rito tapos pagagalitan kolang sya dahil lang sa pagsama ni James sa kanya? Di pa naman makapal yong mukha ko. Saka wala akong karapatan.

Agad na lumapit si James sakin nong makita nya ako at niyakap ng mahigpit.

“Shit baby ko, I miss you so damn much. Alam ko ang lahat na nangyayari sayo sa simula palang at alam kong dito lang rin kita makikita. Binigyan kita ng panahon pero hanggang dito lang talaga ang kaya kong maibigay sayo kasi di kona kaya. I'm sorry diko ugaling maghintay ng matagal basta para sayo.” Halos pabulong nyang sabi sakin habang nakayakap parin sya. Uminit ang pisnge ko at ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Damn I love this man. Hindi na ako galit sa kanya ngayon at wala syang kasalanan.

Gumaling na pala sya galing sa pagka bunggo ko sa kanya.

“I-i miss you too james.” Tanging nasabi kolang sa kanya kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko. Niyakap ko sya pabalik. Hinding Hindi na kita iiwan pa James pangako, I will end this battle for us. Mahal kita, mahal na mahal kita.

Hinalikan nya ako sa mga labi at unti unti korin iyong tinatugon, lumalim at medyo naging passionate na iyon. Tila mukang nalimutan naming bigla namay tao palang naka tingin samin.

Unreasonable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon