(5) DIALOGUE: More

186 16 0
                                    

HOW TO WRITE:

1. Another speaker, another paragraph.

Example:

"What?" he asked, dahan-dahan siyang tumayo dahil sa gulat.

"Okay ka lang ba?" tanong ko. Napatayo na rin ako at nag-aalalang nakatitig sa kaniya dahil alam kong hindi siya makapaniwala sa natuklasan.

2. If may isusulat kang another quote sa loob ng dialogue, use single quotes ('') or italics.

Example:

He asked, "Anong ibig mong sabihing 'nahuli mo siyang may iba'?"

He asked, "Anong ibig mong sabihing nahuli mo siyang may iba?"

3. Long speech rules: Gamitin ang opening quote BEFORE every part ng paragraph/s. And the end quote will ONLY be placed sa PINAKAHULING paragraph.

Example:

"Nakita ko siyang may kasamang iba noong nakaraang linggo. Pumasok sila sa hotel and God's know kung anong ginawa nila sa loob. Gusto ko sana silang sundan papasok kaso hindi naman ako gano'n kabaliw para gawin 'yon.

"Gusto ko sanang sabihin sa 'yo agad, kaso alam kong marami kang problema kaya naghanap ako ng tamang tiyempo. At habang hindi ko pa sinasabi sa 'yo, gumawa ako ng paraan para makakuha ng evidence sa kalokohan nilang dalawa dahil alam ko naman na hindi mo ako papaniwalaan without proof.

"At nahuli ko sila mismo sa loob ng CR sa school. Do'n pa talaga nila ginawa pero pumabor naman sa akin kasi nakuhaan ko sila ng video. Maniwala ka sa akin, kahit mahal kita, kahit siya ang pinili mo, wala akong balak sirain ang relasyon ninyong dalawa lalo na kung alam kong iyon ang ikasasaya mo. Pero ibang usapan na kapag niloloko ka na pala niya."

4. Use em dashes (—) kung naputol ang pagsasalita ng speaker.

Example:

"Hindi 'yan totoo—"

"Ito ang katotohanan! 'Wag kang maging tanga!" singhal ko.

Warning: May bug ata ang Wattpad kasi every time na gagamit ako ng em dash, nagiging dash (-) na lang ito bigla. Kaya ang ginagawa ko ay gumagamit na lang ako ng three dashes (---).

Example:

"Hindi 'yan totoo---"

5. Kung gagamit ng ellipses (...), 'wag mo nang dagdagan pa ng ibang punctuations.

Example:

Correct:
Nakatulala siyang napaupo sa sahig. "Hindi ako makapaniwalang ginago niya ako..." sabi niya.

Wrong:
Nakatulala siyang napaupo sa sahig. "Hindi ako makapaniwalang ginago niya ako...??!!!" sabi niya.

6. Stop using too much exclamation points and question marks. Once is enough. If expressing a strong tone of question, use (?!) only.

Example:

Correct:
"I hate you!" I exclaimed.
"Do you hate me?" I asked.
"What did I ever do to you?!" I asked angrily.

Wrong:
"I hate you!!!!" I exclaimed.
"Do you hate me????" I asked angrily.
"What did I ever do to you???!!!!" I asked angrily.

7. Swearwords/Euphemism: I suggest not using asterisk, dash, or @.

The Writer's PaletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon