TRANSLATION, TENSES, & CODE-SWITCHING

144 16 0
                                    

1. TRANSLATION
Ang tip na mabibigay ko kung nahihirapan kang bumuo ng pangungusap is through translation.

RULES:

a. If English sentence ang gusto mong isulat, translate mo muna sa Tagalog.

b. If Tagalog sentence ang gusto mong isulat, translate mo muna sa English.

Dahil may certain words na hindi ka sure kung ano ba dapat ang tamang form/tense (past, present, future).

Remember! Nakadepende iyan sa kung ano ang gusto mong ipahayag. At sa kung ano ang specific meaning ng sentence mo. Kaya doon mo lang din matutukoy kung anong tense ang dapat gamitin.

Halimbawa:

English:

"I think, I loved you." (past)

"I think, I love you." (present)

"I think, I will love you." (future)

Tagalog translation:

"Sa tingin ko, minahal kita." (past)

"Sa tingin ko, minamahal/mahal kita." (present)

"Sa tingin ko, mamahalin kita." (future)

With this technique, magiging madali rin para sa'yo malaman kung anong term ang dapat gamitin sa mga salitang nahihirapan kang i-distinguish.

Halimbawa:

your (iyo) & you're (ikaw ay)
• their (kanila) & there (doon)
• its (nito) & it's (ito ay)

2. TENSES
Napansin niyo ba? Kung magbabasa kayo ng stories, may authors na present tense magsulat, samantalang may authors din na past tense magsulat.

Halimbawa:

She laughed after I cracked a joke.

She laughs after I crack a joke.

Alin diyan ang tama?

Answer: Both are correct. It depends on your tense.

Kung magsusulat ka ng narrative, mamili ka muna sa kung anong tense ang gagamitin mo. PRESENT or PAST tense. Be consistent sa napiling tense throughout the story.

Halimbawa:

Past:

She laughed after I cracked a joke.

"You're crazy!" she said.

Present:

She laugh after I crack a joke.

"You're crazy!" she says.

3. CODE-SWITCHING
Ang pangungusap na binubuo ng salitang Tagalog at English ay tinatawag na code switching.

a. TAGLISH

– Tagalog sentence with English variation.

Halimbawa:

Kinuha ko ang pen sa sahig.

Kumain ako ng apple sa kusina.

– English sentence with Tagalog variation.

Halimbawa:

I grabbed the pen sa sahig.

I ate the mansanas in the kitchen.

– One-half Tagalog, One-half English.

Halimbawa:

Nagutom ako, so I ate the apple.

I was hungry, kaya kinain ko ang mansanas.

The Writer's PaletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon