Chapter 6

1.5K 45 15
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"So, dahil nga hindi na tayo nakapagkwentuhan kaninang madaling araw, spill the tea, Victoria Aaminah." sabi ni Roux pagkaupo palang namin sa cafe.

"Chismis na chismis lang, Roux?" pang-aasar ni Victoria, natawa na lang ako sa dalawa, ang hilig mag-asaran.

"Oo siyempre, ang tagal mong di sinabi sa amin 'to. Atsaka kilala ko pa naman si Axis." sabi ni Roux.

"Mahabang kuwento." sabi ni Victoria.

"Aba, ano pang hinihintay mo kung ganoon? Magsimula ka na." sabi ni Roux.

"Half day lang naman tayo ngayon, kakatapos lang ng huling klase natin, we can all talk, share your chismis." sabi ko at pabiro siyang siniko.

"Mga atat, hintayin na muna natin yung drinks, itong si AC, baka nakakalimutan mo, pag-ilang cupcake na iyan na bigay ni Brandy, bakit kaya hindi ikaw muna ang pag-usapan hmmm?" sabi ni Victoria kaya ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.

"Parang cupcake lang, grabe kayo." sabi ko sa kanila at napatingin sa box ng cupcake na may maliit na note.

"Pero ngumingiti, delikado yan AC." sabi ni Roux at nagtawanan na lang kami.

"Si Kyst ang crush ko." sabi ko sa kanila tapos ay isinilid ang cupcake box sa aking bag.

"Alam namin, pero di ka naman pinapansin eh, doon ka na lang kay Brandy." sabi ni Victoria.

"Magkaibigan lang kami ni Brandy." sabi ko sa kanila. Totoo naman iyon, magkaibigan kami ni Brandy, palagi ko siyang tinutulungan maglagay ng tubig sa tumbler niya, tapos palagi rin kaming nakakapag-usap tuwing nagkikita kami sa school, tapos itong sweets, palagi niya akong binibigyan at sabi niya ay siya ang gumagawa pati ang Mommy niya.

"Sige, sabi mo iyan." sabi na lang nila sa akin. Maya-maya pa ay dumating na ang inorder namin na drinks, puro iyon frappe. Sa akin ang caramel, black forest ang kay Roux at chocolate mousse ang kay Victoria.

"It's my second time here, ang sarap ng frappe nila." sabi ko sa kanila at sumipsip na sa straw.

"Hala, oo nga, hindi siya sobrang matamis." sabi nilang dalawa matapos tikman ang kanila.

"Magkwento ka na, Vicah." sabi ko at ngumiti, I'm also interested about her past with Axis. Ang tagal niyang natago iyon sa amin. 

"Ex-boyfriend ko si Axis, dalawang taon ko siyang naging nobyo noong junior highschool, hindi pa tayo sobrang close noon, kaya nung naghiwalay kami, hindi ko na sinabi sa inyo kasi nahihiya pa ako, pero ngayon, go, bulgar ko na." sabi pa siya at tumawa. Baliw talaga.

"Really? What happened to the both of you?" tanong ni Roux.

"Wala eh, mayaman sila, napagbintangan si Papa na magnanakaw sa bahay nila, kaya ayon, no choice ang gaga, nakipaghiwalay." sabi niya at mapait na natawa. I suddenly felt sad about her. That hurts for sure.

"Napagbintangan? What the hell? Anong nangyari? Did they apologized?" tanong ko.

"Siyempre hindi, mayaman eh." sabi na lang niya at tumawa na parang wala lang. 

"Hindi rason ang pagiging mayaman sa panghuhusga at pagbibintang." sabi ko pa.

"Tapos dahil doon, naghiwalay kayo ni Axis, o pinaghiwalay?" sabi ni Roux.

"Naghiwalay, mahal na mahal ko si Axis, bakit ko naman siya hihiwalayan, yun nga lang, diring-diri siya sa akin, kaya iniwan na ako." sabi niya at sumipsip sa kanyang frappe na parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi niya. She's making herself look strong infront of us.

"We can see that you're not okay, yet." sabi ni Roux.

"Kahit naman kailan ay hindi ako magiging maayos. Kinawawa nila tatay ko, pinahiya nila pamilya ko." sabi ni Victoria, parang dinudurog yung puso ko sa mga naririnig ko mula sa kanya.

"Hindi man lang sila humingi ng tawad. Ang kakapal ng mukha. I didn't know that Axis came from that kind of family." sabi ni Roux. Napayuko na lang ako at hinawakan ang kamay ni Victoria. Now, I understand why she's hesitating to tell this to us.

"Hindi ko rin naman alam na ganoon pala ang pamilya niya, kung alam ko lang din, siguro sana umiwas na lang ako. Dahil din sa relasyon namin kaya sobrang napahiya ang pamilya ko. Pero nakaraan na iyon, hindi na mahalaga. Mag magandang mag-focus na lang kami nila Papa sa talyer." sabi ni Victoria.

"Maybe. Mas maayos na rin dahil nagkahiwalay kayo, kung hindi, hindi kayo titigilan ng pamilya ni Axis. And it's better if you focus to your family. Tama naman yung desisyon mo." sabi ni Roux. 

"Oo, alam ko iyon. Atsaka hindi ko naman gugustuhin na makasama si Axis kung ganoon tratuhin ng pamilya niya ang pamilya ko. Hindi nila pwedeng apak-apakan ang pamilya ko na parang sila ang nagpapalamon sa amin." sabi ni Victoria. She's so strong, and she loves her family so much. Iyon ang pinaka hinahangaan ko sa kanya bilang kaibigan.

"Kung ang tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para sa inyong dalawa ni Axis, kayo talaga. Ang magagawa lang ngayon ay ang maghintay. Wait for the best. In your situation, waiting is the best key." sabi ko sa kanya at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay. She smiled at me.

"Atsaka kung mahal ka pa rin niya, hindi naman iyon basta-basta susuko, baka humahanap lang din siya ng pagkakataon." sabi ni Roux sa kanya and she smiled again.

"Stop with the drama, si AC naman ang pag-usapan natin." sabi ni Victoria kaya pabiro akong napasimangot.

"Ako na naman." pag-angal ko.

"Oo, ikaw ang may bebe dito." sabi ni Roux.

"Anong bebe kayo diyan, baka meron." sabi ko pa.

"Ilang araw na tayo sa school na ito pero araw-araw ka may cupcake, wala ba talaga? Torpe ba si Romero?" sabi ni Victoria.

"Ang kulit niyo talaga, sabing magkaibigan lang kami." sabi ko at uminom muli ng frappe.

"Manhid mo AC. Tsk. Patay na patay kasi kay Kyst, hindi na napapansin si Romero." sabi ni Roux.

"Kayo lang naman nagbibigay ng ibig sabihin, atsaka may iba naman akong gusto." sabi ko at napangiti.

"Simp." sabay nilang sabi.

Napangiti ako lalo noong naalala ko yung unang beses ko siyang nakita sa rooftop, yung pagkanta niya yung nakapagpakalma at nakapagpatigil sa aking pag-iyak. He cheered me up without him knowing.

Siguro kung wala siya roon nung araw na iyon, nabaliw na ako kakaiyak at inabot na ako ng gabi ng hindi kumakalma. 

Minsan napapaisip ako kung paano ko ba siya papasalamatan sa ginawa niyang iyon para sa akin, I appreciated it so much with all my heart, but I know he'll find me weird if I thank him personally because literally, he didn't sing to comfort me that time, kumanta lang siya, at kumalma ako.

"Ikaw rin, Aleister, kalmahan mo lang iyang pagkakagusto mo kay Kyst, he's not a guy that you're wishing to have, he's not ideal. He's a big red flag. You're too good for him, kaya hinay-hinay lang kung ayaw mong masaktan." sabi sa akin ni Roux, I stared at Victoria who's nodding at me. I'll try.

~0~

The Captivating Chaos Series Book I: Unpleasantly Captivating

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 


Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon