Chapter 37

1.1K 38 19
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Mommy! Look at these po, I can't choose what to wear for our school program later." sabi sa akin ni Nomi, sinara ko ang laptop ko at tiningnan siyang nakanguso habang pabalik-balik na tinitingnan ang dalawang dress na hawak niya.

May hawak siyang dalawang dress, kulay pastel pink ang isa at pastel yellow naman isa pa.

"The yellow one looks cute baby." sabi ko sa kanya.

"Okay po, I'll go with this one po." sabi niya sa akin. Akmang aalis na siya ng hilahin ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Mommy, why po?" tanong niya sa akin.

"Are feeling okay po? Need ko po ba i-call si Wowa for help?" tanong niya sa akin.

"No need for that my baby girl. Mommy is fine, super. I just want to hug you." sabi ko sa kanya.

Nalulungkot ako sa mga salitang binanggit niya sa akin, sa loob ng apat na taon na iyon, siya ang nakakasama ko bago ako tutulungan ni Mommy na kumalma. She knows when I'm not feeling well, she's knows when I need help. She's so young and I hate myself for making her feel that.

"I'm glad po that you are okay na Mommy." sabi niya sa akin.

"Thank you my baby, let's go to the bathroom and get ready for your school program." sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mata niyang mapatingin sa akin.

"Really? It's the first time you'll come with me Mommy! I'm so happy! Nomi's heart happy!" sabi niya at hinawakan ang aking kamay, siya na ang naghila sa akin papalabas ng aking kuwarto. Natatawa na lang ako dahil excited na excited siya. 

Itong bagay na ito ang dapat kong ginagawa apat na taong nakalipas, pero hindi ko nagawa ng maayos ang tungkulin ko bilang kanyang ina. Dahil sa kalagayan na hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang aking sarili, dahil ako ang nagdala noon sa aking sarili, at kasalanan ko pa rin ang bagay na iyon. Pakiramdam ko, mali ang ginawa ko. Maling hinayaan kong masira nila ang kalusugan ng isipan ko. 

Ngunit alam ko rin namang wala ng magagawa ang pagsisi ko, ang tanging magagawa ko lamang ay bumawi at gampanan ang tungkulin ko bilang isang ina. Mahalin ang anak kong nagbibigay kalakasan sa akin. I'm going to love my Amarilla Enomis even more.

Matapos kong paliguan si Enomis ay pinatuyo ko ang kanyang buhok gamit ang hair blower. Isinuot ko na rin sa kanya ang pastel yellow dress niya. Nang matuyo ang buhok niya at tinali ko ito ng tirintas at nilagyan ng ribbon. Nilagyan ko rin ng pulbo ang kanyang mukha at kaunting blush on, maging lip tint dahil may performance siya mamaya para sa kanila Christmas Party.

"Mommy, am I maganda na?" tanong niya pa sa akin.

"Of course you are, always. You're Mommy's daughter, of course you're beautiful." sabi ko sa kanya. She smiled wide and hugged me.

"I love you Mommy, I'm so happy kahit hindi pa umuuwi si Daddy." sabi niya sa akin. Natahimik naman ako roon.

"Baby, Mommy loves you too, so much." sabi ko naman sa kanya.

"Love rin po ba ako ni Daddy?" tanong niya sa akin.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko tuluyang sinagot iyon. "Oo naman anak, kahit sino ay mamahalin ka." sabi ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.

"Wait for me here okay? Eat your food. Mommy will get ready too." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at ngumiti. Nakita ko ring kinakain na rin niya ang chocolate pancake na ginawa ko para sa kanya bago ako pumasok sa banyo.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon