Epilogue

2.3K 45 21
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Kyst Hames Lozano's Point Of View

I was lighting my cigarette as I look down under this building. I'm here at the Music Department's building. I love staying here at the rooftop. I can freely do anything that I want.

May mga bagong mukha akong nakikita, that's normal, dahil bagong taon na naman, bagong mga estudyante na naman. Napailing na lang ako. Mas lalong dumadami ang mga tao, hindi ko alam pero sa tuwing may mga taong nakapaligid sa akin, hindi ako komportable. Salungat na salungat ang ugali kong ito sa pinapasok kong karera.

Habang naninigarilyo, kinuha ko muna ang aking gitara. Naupo ako sa lumang upuan na naririto sa rooftop. Nilalaro ko lang ang aking gitara, hindi ako kumakanta. Pinaglalaruan ko ang mga strings ng gitara ko. Sobrang nakakaburyo tuwing break namin. Apat oras ko kailangang tumunganga, tumugtog ng gitara o di kaya ay manigarilyo.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nanatili dito nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako roon ngunit hindi ko na pinahalata pa, lalo't ayaw ko naman talagang lumapit sa kung sino bukod sa mga kabanda ko.

Napahinto ako sa aking puwesto ng tuluyang makarinig ng mga hikbi. Napatingin ako sa unahang parte ng rooftop, may babae roon na nakaupo at umiiyak. Noong una ay hindi ko siya pinansin. Wala naman akong pakialam. Naupo na lang ako ng maayos sa aking puwesto. Ngunit bigla mas lalo nang lumala ang kaniyang pag-iyak. God. What the hell? First day pa lang ng first years may umiiyak na agad.

I threw the cigarette and started strumming. I played and sang the song The Climb by Miley Cyrus. I don't know why but I felt like I need to sing this one. Pagkatapos kong kumanta ay napansin kong nakatingin na siya sa akin. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, kumuha na lang ako muli ng sigarilyo mula sa bulsa ko at sinindihan iyon.

Napatingin lang ako sa kaniya noong nakita kong tumayo at papaalis na. 

"Isusumbong mo ba ako?" tanong ko sa kaniya. I know that she won't. I felt it. I just want to talk to her, I think? 

"Hindi, pasensya na sa pakikinig sayo, hindi kita napansin." sabi niya sa akin. I was surprised with her answer, I was amused to be exact. And hell, she's gorgeous. She's beautiful.

Even she cried so hard, I can't deny how beautiful she is. Damn, I need to drink some water. Nababaliw na yata ako.

But that day, I saw her in the middle of the crowds, as I sang and played my guitar. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao na nandoon sa lugar na iyon at nakikinig sa amin, ay nagawa ko pa ring makita ang kaniyang mukha. Napakaganda. Sobrang ganda. 

Simula noon, parang ako na ang gumagawa ng paraan para magkita kami. Para makita ko siya. Hinahanap-hanap na siya ng mata ko, at inaamin kong hindi maganda ang nangyayaring ito sa akin. Pinangako ko sa sarili ko, na uunahin ko ang sarili ko, ang pangarap ko kahit na ano mang mangyari. Pero sa tuwing pinipigilan ko ang sarili kong lapitan siya, mas lalong nananaig sa akin na mas lalong naisin na puntahan at lapitan siya. Sa tuwing sinusubukan kong ilayo ang sarili ko sa kaniya, para akong nababaliw. Parang may kulang sa akin. Hindi ako komportable kapag hindi ko siya nalalapitan, o nakikita man lang. She's unpleasantly captivating, unpleasantly because hindi ko dapat 'to ginagawa, wala ito sa plano ko sa buhay, but I can't deny the fact that she's captivating.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, after I saw her that day in the corridor along the Crestview Art Museum, I know that I have to do it. I have to approach her. I need to make a move, before someone else grab the opportunity to take the gorgeous goddess.

Doon ko na sinimulan na magpakita ng motibo. Doon ko na sinimulan na pagparamdam sa kaniya. Palagi ko siyang sinasama, o di kaya ako ang sumasama sa kaniya kung saan man niya gusto. Kahit anong gawin niya, gagawin ko rin. Susundan ko siya. Dahil kapag hindi ko yun ginagawa, I know someone will do it, and I don't want it. Selfish it is, but I want her to be mine, only mine.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon