Chapter 43

1.3K 29 11
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Tell me, bakit mo siya tinago sa akin?" tanong niya sa akin.

"Masisisi mo ba ako kung tinago ko siya sayo?" bawi ko sa kanya. Mukhang natigilan siya roon.

"Noong araw na nalaman kong buntis ako, yun din ang araw na nadiagnosed ako with Major Depressive Disorder. Paano ko pa ipapaalam sayo? Paano kita kakausapin kung hindi na kinakaya ng utak ko? Paano kita kakausapin kung tinutulak mo ako papalayo?" sabi ko sa kanya.

"What? Why are you diagnosed with that case?" tanong niya sa akin.

"Masyado akong nasaktan. Sa lahat. Mula sa school, mula sa pangarap ko, sa tatay ko, lalo na sayo. Masyado akong nasaktan na halos mawala na ako sa sarili ko." sabi ko sa kanya. 

"I-I didn't know." saad niya at napayuko.

"Of course, You won't know about what happened to me. You got other girl pregnant right? Kumusta na ang pamilya mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala akong pamilya. Kayo lang ang pamilya ko." sagot niya sa akin.

"Huwag ka na magsinungaling sa akin. Please lang, Kyst." sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Hindi ako nagsisinungaling, mi rosa. Wala na akong balak pang magsinungaling. Huling beses na iyong huling pagkikita natin. Huli na iyon." sabi niya sa akin.

"Ipaliwanag mo sa akin, please. Huwag mo namang guluhin pa lalo ang isipan ko." sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay, hinalikan niya iyon ng ilang segundo, na akala mo'y wala ng oras na natitira pa para sa amin.

"Patawarin mo ako. Hindi ko inakala na aabot sa ganoon ang mangyayari sayo dahil sa katangahan ko. I thought I'm doing the right thing. But hearing about what happened to you, I guess I was wrong. Ang totoo niyan, I was scared before. I was scared because you're being too dependent on me. I just realized it when your Dad talked to me before. Narealize ko na parang binabago kita. Nagbabago ka sa hindi magandang paraan ng dahil sa akin." sabi niya sa akin.

"What? Anong sinabi sayo ni Daddy?" tanong ko sa kanya.

"He said that I'm not healthy for you. That's why I realized that, that's true. I'm not healthy for you. Hindi na nagiging tama. Nag-iiba ang mga priority mo. Palagi na lang ako ang inuuna mo. Doon ko naisip na baka nga, hindi ako nararapat para sayo. Hindi ako nararapat sayo kasi ako ang bumabago sayo, at nagbabago ka sa hindi magandang paraan. Nawawala na ang totoong Ali. Dahil palagi na ako ang iniisip mo, nakakalimutan mo na ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, maging ang pangarap mo. Ang pangarap mo na mas una mong minahal kaysa sa akin." sabi niya, unti-unting nagsibaksakan ang aking mga luha dahil sa kanyang mga sinabi. Hindi ko nagawang magsalita. Pinakinggan ko lamang siyang pinipigilan ang sariling lumuha.

"Ginawa ko ang sa tingin kong tama. I know you can live without me. You're so fine without me. Mahal na mahal mo ang Sining noong wala pa ako sa buhay mo. You can live without me, you can manage that, iyon ang alam ko. Masakit sa akin na hindi mo na mahal at prayoridad ang pangarap mo dahil naiisip mong nandoon naman ako. Ayoko noon. Ayokong sa akin lang umiikot ang buhay mo. Hindi ko iyon deserve. Hindi ko deserve maging mundo mo. Ang Sining ang mahal mo, ang Sining ang dapat na minamahal mo ng wagas. Ang Sining ang hindi mo dapat pinapabayaan, ang Sining ang dapat na prayoridad mo. Ang Sining ang pangarap mo, una pa lang. At hindi naman ako." sabi niya sa akin na halos ikabasag ng aking puso. 

"Hindi ko kinaya noong sinabi mong hindi ka na magpapatuloy. Sobrang sakit sa akin kasi sinampal sa akin ng mundo na totoo ang sinabi ng Papa mo. Noong una kasi, isinasawalang bahala ko lang, dahil matibay ang paniniwala kong matibay din ang pagmamahal mo para sa pangarap mo, dahil iyon ang pinapakita mo sa akin sa tuwing pinapagaan mo ang aking loob at sinasabihan akong magpatuloy din sa aking pangarap. Pero noong sinabi mo iyon sa akin, naisip ko nga, totoo pala, totoong hindi ako healthy para sayo. Sobrang sakit kasi sa akin na kaya mong isuko ang Sining at manatili na lamang sa aking tabi, samantalang noong hindi pa nagtatagpo ang mga landas natin, ang Sining lang ang mahal mo, iyon ang pangarap mo. Ayokong agawin sayo ang pangarap mo, gusto kong tuparin at abutin mo ang pangarap mo, dahil ako, hirap na hirap akong gawin iyon. At ayaw kong matulad ka sa akin. Ayaw kong mahirapan ka, isuko ang kinabukasan at pinakamamahal mong Sining." sabi niya sa akin at niyakap ako. Hindi ako pumalag pa. Hinayaan ko lamang siyang yakapin ako, dahil sa totoo lang, nararamdaman kong nangungulila pa rin ako sa kanya.

"But what you did almost ruined me. What you did messed me up. Sirang-sira ako. Alam mo yung pakiramdam ko noon? Para akong tanga, hating-hati ang puso at isip ko, gustong-gusto kong ilaban pa dahil alam ko totoo na mahal mo ko. Pero yung puso ko, sumusuko na, napapagod na. Pagod na sa lahat ng saksak, sa lahat ng pagdurog. Mahal na mahal kita noon, hindi ko alam kung anong gagawin ko nung sinabi mo sa akin na maghiwalay na tayo. Para akong nalaglag sa mataas na gusali, at manhid na manhid na ang buong pagkatao ko. Kyst, sobrang sakit ng ginawa mo." sabi ko sa kanya. He caressed my back as he hugged me tighter.

"The day you saw us on the grocery store? I planned all of that. Because I know that you won't give up that easily. Kinausap ko ang ate ko para sa pagpapanggap na iyon. Iyon na lang ang natitirang pag-asa ko para lumayo ka na sa akin noon, para mas piliin mo na ang Sining kaysa sa akin. I know that it is a selfish move, hindi ko inisip ang mararamdaman mo. Dahil ang tanging nasa isip ko noon, ang pangarap mong hindi mo dapat talikuran at iwanan." sabi niya sa akin. 

"B-Bakit mo ginawa iyon? You could've just told me. I-I will understand." sabi ko sa kanya. Humigpit na rin ang yakap ko sa kanya at mas lalong naging mabigat ang aking paghinga. 

"I know you won't understand, mi rosa. Kasi dahil sa akin, nabubulag ka na sa pagmamahal, nabubulag ka at hindi mo na nakikita ang totoong liwanag na para sa iyo." sabi niya sa akin. And then, there, I realized. He's right. 

"Pero noong iniwan mo ako, mas lalo akong nabulag. Wala ng liwanag sa buhay ko. Sobrang dilim, kumakapa na lang ako sa paligid para magpatuloy. Ang hirap-hirap. Ang hirap magbuntis habang inaatake ako ng anxiety ko, and sometimes I harmed myself. Sinasaktan ko ang sarili ko, muntik na mawala sa akin si Enomis dahil sa kapabayaan ko, dahil sa pagiging bulag ko at tanging ang nararamdaman ko lang ang pinahahalagahan ko. Nung iniwan mo ko, gumuho yung mundo ko, Kyst. Kaya kong masuspend sa school, kaya kong mawalan ng special scholarship abroad, kaya kong iwan kami ni Daddy, pero ikaw, ikaw yung huling lakas ko noon. Pero bumitaw ka." sabi ko sa kanya.

"Ang sakit-sakit kasi kahit noong nailabas ko na si Enomis, she need to see how I suffer, ang bata-bata niya pa, pero nakikita niya at naranasan niyang mailayo sa akin dahil lang hindi kalmado ang isip at nararamdaman ko. Sa tuwing yayakapin ko siya, tatanungin niya kung ayos lang ba ako, kung kailangan na ba niyang tawagin si Mommy. Ang bata-bata niya pa pero naiparanas ko sa kanya ang ganoong bagay. Hindi kita sinisi sa lahat, dahil may kasalanan din ako. Naniniwala akong ang kapakanan ko lang ang iniisip mo noon, pero masakit pa rin Kyst. Akala ko maayos na ako. Akala ko tanggap ko na ang lahat. Masakit pa rin pala. Pero kahit na masakit, hindi ko maitatago na mahal pa rin kita. Mahal na mahal pa rin kita, Kyst." sabi ko sa kanya.

"Wala akong kailangang itago pa, wala na akong ibang sasabihin sayo, mi rosa. Kung hindi, mahal na mahal kita. Higit pa sa inaakala mo. Mahal na mahal kita, sobra pa sa sobra." sabi niya sa akin at kumalas sa aming mga yakap.

Tiningnan niya ang aking mukha, malambing niyang pinunasan ang aking mga luha. Hinalikan niya ang aking mga mata. 

"Mahal kita, Aleister Cerys. Magmula pa noon. Mas humigit pa ngayon." sabi niya at hinalikan ang aking noo nang puno ng pagmamahal. Napangiti ako, tunay na ngiti na siya lamang ang nakakagawa. Unang beses ito na napangiti akong muli ng dahil sa isang lalaki, at ang lalaking iyon ay siya lang. Nag-iisa lang siya.

Hindi ko maitatanggi ang epekto niya sa akin, sa kabila ng lahat. Alam ko sa sarili kong mahal ko pa rin siya, kahit anong pilit kong tago ng nararamdaman kong ito, lalabas at lalabas ito.

Kahit anong dilim ng kalangitan, patuloy na magpapakita ang araw.

"Mahal kita Kyst. Mahal din kita. Pero ngayon, kailangan kong mas mahalin pa ang sarili ko."

~0~

The Captivating Chaos Series Book I: Unpleasantly Captivating

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon