Chapter 32

893 24 6
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Hinang-hina ang buong katawan ko. Daig ko pa ang nasagasaan ng isang malaking truck. Hindi ko na alam kung tuwid pa ba ang paglalakad ko. Ang tanging alam ko lang ay naglalakad ako habang walang tigil na lumuluha at walang patutunguhan. Higit sa lahat, ang sakit, sobra-sobra.

"Miss, ayos ka lang ba? Muntik ka na masagasaan kanina." saad ng babae at hinawakan ako.

"A-Ayos lang po, kaya ko pa po." tipid na sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad, kahit na hindi ko na alam kung nasaan na ba ako. 

Kaya ko pa naman hindi ba? Kaya ko pa ito. Kayang-kaya.

Nang makakita ako ng isang waiting shed sa gilid ay naisipan kong maupo. Ramdam ko na ang sakit ng aking mga paa, akalain mo nga naman, akala ko manhid na ako sa lahat ng sakit, kahit pala pisikal na sakit hindi magpapahuli.

Nanginginig na ako sa gutom pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay tumulala at hayaang lamunin ako ng mga bagay na nangyari ngayong araw. Gusto kong huminga, gusto kong mapag-isa dahil kapag may kasama ako, baka magkaroon na naman ng bagong pasakit sa dibdib ko. Kung may idadagdag pa ang mundo, hindi ko na yata kakayanin.

Unti-unti pang bumuhos ang ulan, napangiti ako ng mapait at inilahad ang kamay ko sa labas ng waiting shed na ito upang damhin ang lamig ng tubig ulan. 

Nakakagaan ng pakiramdam mapag-isa. Malayo sa mga bagay na maaaring magdulot ng kasawian at pasakit sa aking dibdib.

Natatakot akong umuwi, bumalik sa ospital o harapin si Kyst. Natatakot ako kasi hindi ko pa kayang humarap ng mga panibagong bagay na makapagpapahina na naman sa akin. Natatakot ako kasi alam ko, alam kong kapag nadagdagan pa ang dinaramdam ko ngayon, may kakahitnan akong hindi maganda.

Kinuha ko ang cellphone, nagbabakasakali kung may mensahe na galing sa kanya. Dahil sigurado, isang I love you o pagtawag niya sa akin ng mi rosa, mawawala na 'to lahat ng parang bula. 

Pero niloloko ko lang ang sarili ko. Sinasaktan at pinapaasa ko lang ang sarili ko sa mga bagay na dapat malinaw na para sa akin.

Pinagmasdan ko na lamang ang litrato naming dalawa na wallpaper ng cellphone ko. Napakagandang pagmasdan. Parang totoo, at parang tatagal. Yung mga ngiti niya dito, napapaisip ako kung totoo ba ang mga iyon, kasi lahat ng bagay na ginawa ko para sa kanya, lahat iyon totoo. Lahat iyon totoo dahil mahal ko siya.

Mas lumala pa ang aking panginginig dahil sa lakas ng ulan, pero hindi ko naman alintana iyon. Mas gusto kong manatili dito, dito mag-isa ako. Malayo sa kung ano man.

Naramdaman kong unti-unting napapapikit ang aking mga mata, dahil sa pagod at pagkahilo. Sana na lang ay may makakita sa akin sa oras na mawalan ako ng malay. O kahit huwag na sana.

Isang busina ang mas nagpadilat sa aking mata, hindi ko gaanong maaninag kung sino ang bumaba sa sasakyan dahil natatakpan iyon ng payong.

"F*ck! Aleister Cerys, what the hell are you doing here?!" boses ng isang lalaki.

"S-Sino ka?" tanong ko at napapikit.

"Sh*t, gabi na, bakit nandito ka, malakas pa ang ulan. This is Brandy. Let me take you home." sabi nito.

Brandy. Oh the Basketball Captain. I thought it's him, how stupid I am.

"I don't know, I just walked and walked." sagot ko at tumitig na lang sa bintana ng kanyang kotse.

"Ang layo na nito, buti na lang napadaan ako sa bakeshop ni Mommy. Malapit ka na mapunta sa Rosana." saad ni Brandy. Mapait na lamang akong natawa.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon