(Enjoy Reading!)
~0~
All in one.
Dumating na nga araw na para sa aming Art students. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko habang nag-aayos ako ng susuotin ko ngayong araw.
Nagsuot ako ng simpleng pastel pink na puff sleeved dress, isang white na high cut converse shoes ang isinuot ko sa aking mga paa.
Hindi na ako nag-abala pang makisalo kay Kuya Allen sa pagkain ng almusal dahil paniguradong marami namang pagkain doon sa school dahil sa event.
Sumakay na ako sa kotse namin at kaagad naman akong ipinagmaneho ni Manong Baron. Alam niya kasi na importante ang araw na ito kaya kailangan na maging maaga sa school.
Hindi ko na rin nagawa pang tawagan si Roux o si Victoria dahil abala ako sa pag-aayos kanina, habang si Kyst naman ay hindi sumasagot sa mga texts ko, panigurado ay natutulog pa ang isang iyon.
Ilang sandali pa nga ay nakarating na kami sa school ni Manong. Nagmamadali akong bumaba dahil sabik na sabik na talaga ako para sa event ng aming Department, lalo na't dito namin ibinuhos ang lahat ng pagod at effort ng ilang linggo.
Pagkarating ko sa venue ay nakita ko na ang section namin na abala sa pagdidisenyo ng stage. Ibinaba ko na ang bag ko sa lagayan na nasa isang silid malapit sa locker room dahil wala namang gaanong laman ang maliit na silid na iyon atsaka nagsimula na ring tumulong sa kanila.
"AC! Ang aga mo, buti naman! Yung iba wala pa." sabi sa akin ni Jen.
"Baka parating na sila guys.Medyo traffic din kasi kanina. Ako na dito sa mga lobo." sabi ko at sinimulan nang palobohin ang mga kulay ginto na lobo kasabay din ng mga kulay itim. Nilalagyan naman ng iba kong kaklase ng mga foil curtain ang dingding ng stage, habang ang team nila Roux naman ang nagdidikit ng mga letter styro sa dingding. Ang tema kasi ng Art Department ay gold at black dahil elegante raw ito tingnan.
Ang kabilang section naman ay abala sa pag-aayos ng mga paglalagyan ng mga paintings mamaya. Kailangan iyon dahil ang mga paintings ang pinaka mahalaga sa event na ito. Maayos na rin ang mga kurtina at upuan ng mga judge maging ang mga upuan na para sa mga estudyante.
Nang matapos ko ang unang set ng mga lobo, nilagay na iyon ni Harry sa stage bilang dagdag palamuti. Habang ang susunod na set naman ay para sa arko sa entrance ng venue.
"Thanks Harry!" pasasalamat ko.
Nagpatuloy na ako sa pagbomba ng mga lobo lalo na't kailangan na namin ito matapos. Medyo nangangalay na ang aking kamay pero napapangiti lang ako dahil lamang pa rin ang pagiging masaya ko sa araw na ito.
"Hoy ba't nandito kayo basketball team?" napatingin tuloy ako sa entrance, nandoon nga ang basketball team.
"Inutusan kami nito ni Cap na tumulong sa inyo." sabi ng isang player.
"Grabe ka naman Cap Romero! Ang sweet mo naman sa amin!" biro ni Roux.
"Di ka sure kung sa inyo ba or isa sa inyo." biro pa ng kasama ni Brandy. Natawa na lang ako sa kanila at nagpatuloy.
Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin kaya bahagya akong napalingon. Tumabi pala sa akin si Brandy at kinuha ang isang pangbomba ng mga lobo atsaka nagsimula na ring lagyan iyon ng hangin.
"Salamat!" nakangiting pasasalamat ko.
"Hoy Cap iyan ka na naman ha, para-paraan!" sigaw ng isa pa.
"Hoy tumigil ka nga Rodolfo! May boyfie na iyan si AC!" sigaw ng isa kong kaklase.
"Ano naman? Okay lang yan, Kay Cap kami boto! Go lang Cap! Kaya mo yan! Push lang!" sigaw pa nito. Napailing na lang ako sa ingay nila.
BINABASA MO ANG
Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]
General FictionThe Captivating Chaos Series #1 | Unpleasantly Captivating | COMPLETED Kyst Hames Lozano is the main vocalist and guitarist of The Captivating Chaos. He is also the owner of Lozano's largest hotel and restaurant, which he deserves to inherit from th...