Chapter 34

978 28 10
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Hindi ko alam kung ilang araw na ba akong nakakulong sa kuwarto ko, hindi ko rin alam kung bakit kahit na ang sakit-sakit, nagagawa ko pa ring paulit-ulitin mga mga sinabi niya sa utak ko na parang isang siraulo.

Kinuha ko ang cellphone ko at hinahap roon ang numero ni Kyst, umaasang sasagutin niya iyon.

"Answer this love, please. I miss you so much." mahinang saad ko. 

Hindi pa rin siya sumasagot kaya sinubukan ko ulit, paulit-ulit hanggang sa bumigay na ang ga daliri ko sa kakapindot.

Naisipan kong mag-voice mail na lang, gusto ko siyang kausapin, gusto kong sabihin na balikan na niya ako, kasi hindi ko na yata kakayanin, para na akong mababaliw.

"L-Love, I know you l-love me, you're just mad right? P-Please tell me what our problem, let's fix this please. Kyst, please, talk to me. I don't know what to do a-anymore. I can't take it, I can't take all of what you've said. I can't accept it! You said you love me, I know it was all true. C-Comeback to m-me please." isinend ko iyon kaagad sa kanya, sana pakinggan niya ako. Gustong-gusto ko siyang makita, pero wala akong lakas para umalis sa kuwarto ko.

"Anak, come on. Lumabas ka na diyan, kagabi ka pa kumain, kaunti pa iyon. Ali, baby, go out please." narinig kong pagtawag sa akin ni Mommy pero hindi ko siya pinansin. Ginamit ko ang aking mga braso para umangat ng bahagya sa kama, napadaing ako ng maramdaman ang sugat ko sa pulsuhan. Natawa ako ng mapait. Nababaliw na ata ako. Sobrang tanga ko.

Pilit pa ring kumakatok si Mommy na akala mo'y hindi napapagod. Nanatili lang akong nakaupo sa ibabaw ng kama ko. Nilalaro ang mga sugat kong sariwa pa na hindi ko naman ginagamot.

"Ali, please. I miss you my baby. Let Mommy see you hmmm?" malambing na saad ni Mommy ngunit hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin niya ay hindi niya ako nakukumbinsi, hindi ko alam kung bakit ganito na ako katigas.

Nanahimik lang ako at kinuha si Rosa yung tuta na kinuha ko sa park nitong nakaraan, siya ang kasama ko sa ilang araw kong pagkukulong sa kuwarto ko. But I never let her be hungry, I can endure my stomach, and she's still a baby, she needs to eat always.

Hinayaan ko lang siyang humiga sa aking hita at hinaplos-haplos ang kanyang balahibo. Patuloy pa rin sa pagkatok si Mommy, pero kahit anong gawin niya, hindi pa ako handa, dahil pakiramdam ko kapag lumalabas ako ng kuwartong ito kalaban ko ang mundo, at wala akong kalaban-laban.

"Ali, please." sabi pa nitong muli bago ako makarinig ng mga yabag, siguro ay may paparating.

Nagulat ako ng biglang narinig ko ang mga tunog ng susi kaya naalarma ako, akmang tatayo na ako ngunit huli na dahil nabuksan na iyon, bumungad si Kuya Allen na nag-aalala sa akin at sinalubong ako ng yakap.

"K-Kuya." saad ko. I saw how he teared up and hold my wrists.

"What are you doing huh? Why my little princess is being like this?" tanong ni Kuya.

Akala ko ay sisigaw siya at magagalit dahil sa sitwasyon ko ngayon, pero nangkakamali ako. 

"I can't take it all anymore. I'm so tired." sabi ko na lamang at sumiksik sa aking kama.

"Come on, princess. Let Kuya and Mommy hug you, please." sabi ni Kuya Allen.

I slowly let my tears come out from my aching eyes and hugged the both of them.

"You can tell it to Mommy and Kuya, don't hesistate to tell us, baby." sabi ni Mommy, nararamdaman ko ang mahihinang hikbi niya.

"Dad left us, Kyst left me Mommy, Kuya." sabi ko sa kanila. Hinaplos nila ang aking buhok upang pakalmahin ako.

Unpleasantly Captivating [The Captivating Chaos Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon