Chapter 14

8 3 0
                                    


Third person's POV

The next day hindi na muna nagtrabaho si Devon, gusto nyang samahan na muna si Ella at tingnan kong ano ang mga ginagawa nito kapag naiiwang mag-isa sa bahay

Nasa sala sya ng madatnan sya ni Ella, kaya't nagtaka ito kong bakit sa ganoong oras ay gising na ang asawa..

maaga pa at papasikat pa lang ang araw

Naramdaman naman ni Devon ang presensya ni Ella kaya humarap ito sa gawi nya, saka ngumit at bumati ng

"good morning, did you sleep well?" he ask, tumango si Ella bilang sagot..

Bihis na si Ella at nakaligo na..hi di nya napansin na wala ang asawa kanina sa kwarto ng magising sya. Dahil sanay syang may araw na bago pa magising

"good morning din, ang aga mo yata today ah.. Wala ka bang pasok?"

"wala, nagday off ako! Masyadong maraming nangyari sa opisona kahapon kaya i need a break paminsan minsan"

"ahh..gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita, what do you want? Black coffee Caramel or vanilla?"

"hm.. Black coffee na lang, thank you"

"no problem, hintayin mo na lang dun sa labas masarap magkape dun kapag umaga habang pinanonood yung sunrise"

"wow, thats a good idea.. Sige mauna na ako dun, I'll wait for you" sabi ni Devon saka kumindat sa asawa

Napangiti si Ella

'may kasweetan rin pala yun sa katawan?' tanong nya sa isip.. Napailing na lang sya at pumunta na sa kusina para magtimpla ng kape

Maya maya lang ay lumabas na si Ella bitbit ang idang tray na may lamang dalawang tasa ng kape, bread and jam

Inilapag nya iyon sa table, at inilagay ang kape ni Devon sa harap nito at kinuha ang kanya sak itinabi yung tray

Nagpasalamat si Devon bago sumimsim sa kape nya

Kumuha si Ella ng isang pares ng tinapay at nilagyan iyon ng palaman saka ibinigay kay Devon.. Tinanggap naman iyon ni devon at muling nagpasalamat

"you know what Ella! Magaling kang magluto pangarap mo bang maging chef noon?"

Umiling si Ella

"nope, my dream is to be a business woman"

"what? So bakit at paano ka natutong magluto?" nagalangan si Ella kong sasabihin ba nya, medyo nahihiya kasi sya

"um..para sa mapapangasawa ko, kasi when i was young parati nagkukwento si mama tungkol sa mga bagay na ginagawa nya para kay daddy at isa na dun ang pagluluto at pagiging mabuting may bahay..kaya nung nagkaisip ako inaral ko talagang magluto kasi sabi ko 'balang araw ipagluluto ko rin ang asawa ko' at eto ako ngayon pinagsisibilhan ang asawa ko"

Medyo natouch si Devon sa sinabi ni Ella..natutuwa sya

"wow..that was amazing, ang swerte ko pala. Clein was right"

"ikaw naman, nagiging sweet talker ka na ah.."

"hindi naman, ang ganda pala talaga rito kapag umaga..habang papasikat ang araw, ngayon ko lang nalaman hindi naman kasi ako dito tumira, binili ko lang tong bahay out of nowhere"

Sandali pa silang nanatili doon.. At maya maya lang ay pumasok na si Ella sa loob ng bahay para makapagluto. Pinapanuod ni Devon ang asawa habang nagluluto.. So many thoughts ang nasa isipan nya, may mga tanong na hindi pa nabibigyang kasagutan

'shes a good woman, she's smart, talented, caring, kind, and beautiful..she's everything she's the best example of a good wife, unti-unti nyang binabago ang tahimik at boring kong buhay, she's lighting up my dark world, she puts colors and put life into this house. now all i wish is i can be here with you forever but that was an impossible dream, lets treasure this every moment. hindi ka mahirap mahalin Ella, but i cant love you, not because of i dont want to but because i cant..' he thought while looking at her wife, na parang sya ang kausap

His Almost Cinderella WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon