Chapter 20

11 1 0
                                    

Third person's POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng magkasakit si Devon, medyo okay na rin sya, at dalawang araw na rin nyang sinusubukang kausapin si Ella, but Ella keep on ignoring him..bumalik na rin sina Lucie nung isang araw lang matapos malaman ang nangyari kay Devon.. Medyo okay na rin silang tatlo, liban kay Ella

She's on guard, nagtayo sya ng mataas na pader sa puso nya na hindi pa kayang tibagin ni Devon. Maganda ang pakikitungo ng dalawa sa isat isa pero hindi na tulad noon na nagaasaran sila at sweet paminsan minsan

Minsan ng naloko ng sweet gesture si Ella, but it was a false feeling, one sided, sya lang ang nakararamdam.. That's what she believe..

While Lucie and Clein saw that something is off between the two, pero wala na silang ibang magawa kundi ang panuorin ang dalawa..

"uh guys.. Lumabas kaya tayo?! Sige na naman bored na ako rito oh! Konting konti na lang mababaliw na ako"

"ha? bakit di mo ayain yang fiance mo?"

Sagot ni Ella, habang busy sa pag bake ng donut na may ibat ibat filling

"grabe ang KJ mo naman Elle.." reklamo ni Lucie napatigil si Ella

"ano ba yan, may bago na naman akong nickname baka pati ako maguluhan na ah" kalmadong sabi ni Ella..

"I wasn't the one who made that, hindi naman ako yung nagkukwento ng tungkol sayo tapos tatawagin kang Elle"

"then who?"

"si Devon, sya lang naman nagiisang tao sa mundo na nagbibigay ng maraming pangalan sayo, una crazy, pangalawa cinderella, sumonod Elaine, next is this Elle. Sabi nya kasi kapag tinatawag ka nyang Ella naiinis ka, so naisipan nya yung Elle"

Napahinto si Ella sa ginagawa

"hindi ka rin naman kasi madaldal eh no?"

Sisi ni Devon kay Lucie, nagaambahan pa sila ng suntok kahit na magkalayo sila ng agwat

"oo na madaldal ako, pero atleast totoo yung mga sinasabi ko.. Napakahina mo kasi eh ayaw mo pa sabihin sa kanya kaya sa amin mo sinasabi, kami ni Clein ang iniistorbo mo" dagdag pa ni Lucie habang tumatawa

Hindi na nila namalayang bumalik na sa pag bake si Ella, dahil sa bangayan nilang dalawa

Nang ipiprito na ni Ella yung donut ay nabitawan nya iyon, kaya naman may mga nagsitalsikan na mantika mula sa frying pan

"Ella!" Sigaw ni Devon at mabilis na hinila ang asawa palayo sa frying pan.. Pinatay naman ni Clein yung stove to be sure na wala ng tatalsik

"okay ka lang ba?" tanong ni Devon habang hawak ang mg kamay ni Ella, agad namang binawi ni Ella ang kamay nya

"im fine, hindi ko lang nahawakan ng husto yung dough kaya nabitawan ko, pero okay na ako"

"no hindi ka okay, akin na nga yang kamay mo" kinuha nya ulit ang kamay ng asawa at hindi na muling binitiwan ng akmang babawiin iyon ni Ella

"tingnan mo namumula na, tapos okay ka lang"

"aray naman, don't touch it" aksidente namang nahawakan ni Devon ung parteng natalsikan kaya medyo mahapdi iyon at nagreklamo si Ella. Tiningnan naman sya ni Devon na parang sinasabing 'kita mo na? Masakit diba?'

"here's the medicine kit sino marunong manggamot jan? paki gamot na rin yung puso nilang dalawa" biro pa ni Clein na ikinatawa ni Lucie

"hubby naman, wag kang ganyan kusang gagaling yun pati yung paso kapag ready na"

His Almost Cinderella WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon