Mahirap lang kami.. Dalawa lang kami ng mama ko ang magkasama ang tatay ko naman ay isang milyonaryo at masaya kasama ang bago nyang pamilya hindi na nga nya yata kami naaalala ni mama.. Pero sabagay masaya na nga naman na sya dun eh bat pa nya kami alalahanin ilang taon na nga rin syang di nagpaparamdamPinagsasabay ko noon ang pag-aaral at pagtatrabaho para makatulong kay mama hanggang sa makagraduate ako sa high school
Nag asawa naman ng bago ang mama ko kaso ex convict nga lang at ayun walang araw na wala kaming latay na pareho. Napakabatugan kasi nung taong yun, kami pa ni mama ang nagpapakain sa kanya, maghapon ay nandoon sya sa mga kaibigan nya sa may kanto nakikipag inuman at sya ang taya parati at parati ring ubos ang kita ni mama. Ang pera ko naman ay tinatago ko pang aral ko yun sa kolehiyo
Pero wala eh, malupit ang mata ni papa na kahit anong tago ko nahahanap nya kahit itago ko pa sa ilalim ng sira kong tsinelas..na nakadikit sa dingding ng bahay namin ay nakikita nya, Minsan naman ay inilalagay ko sa laylayan ng damit ko pero pagbalik ko punit na at wala na dun ang bente pesos na tinago ko
Isang beses naisipan kong mangolekta ng mga lata.. Inililibing ko iyon sa may lutuan namin kapag may laman na, kasi may lupa iyong lutuan baka kasi masunog yung bahay kapag wala nuon.. Tapos aalis ako para tulungan si mama sa palengke pagbalik ko binungkal na yung pinaglagyan ko
Minsan nga iniisip kong may cctv si tito, pero narealize ko rin agad na wala na nga syang pang inom pambili pa kaya ng cctv
Noon pa lang ay naranasan ko na ang buhay ni Cinderella.. May twist nga lang, si cinderella mabait na bata ako medyo lang kasi naman laking squater ako natuto na akong magnakaw..pero minsan lang iyon at tuluyang natigil dahil kinuha na ako ni Daddy, ang milyonaryo kong ama sa puder na nya ako natuto ng mabuting asal, at tuluyan ng kinalimutan ang kinalakihang buhay Ang buhay sa kalye, sa isang masikip, marumi at mainit na Barong Barong...
Hindi naman sa ayoko sa ganong buhay, ayaw ko lang talaga sa stepfather ko, at kong sakali ngang hindi namatay si mama ay hindi ako sasama kay daddy, napakamisteryoso parin para sa akin ng pagkamatay ni mama..basta ko na lang nabalitaan na wala na sya at kinabukasan ay kinuha na ako ni Daddy
Si daddy na rin ang nagasikaso sa lahat noon para kay mama sa paghatid namin sa kanya sa huling hantungan
Ilang araw din akong hindi kumain at nagkulong lang sa kwarto, parati akong sinusuyo ni dad.. Binibilhan ako ng mga bagong gamit
its been 8 years simula ng mamatay si mama kaya simula noon ay kay papa na ako nakatira, ngunit wala parati si papa sa bahay madalas syang out of town kaya ang step mother ko lang at ang tatlo kong step sisters ang kasama ko, walang anak na lalaki si daddy kaya naman parati silang nagaaway ni tita chona..gusto kasi ni daddy na sundan pa si Julia, pero ayaw na ni tita kaya naman nagpapaturok sya ng gamot para hindi mabuntis na ikinakagalit ni daddy, kaya parati syang out of town para iwasan si tita chona at iparamdam na galit sya
Baka nga isang araw magulat na lang ako may lilitaw anak na si papa sa isang foreigner dahil sa palagian nyang pagtravel
Ayos lang naman sa akin ang ganoon atleast masaya si dad..dahil finally matutupad na ang pangarap nya, Magkakaroon na sya ng tagapagmana
Ngayong taon ay nakatakda na akong ikasal, hindi ko pa nakikita ang mapapangasawa ko kahit kailan walang litrato o ano man maging kahit sino sa pamilya ni papa ay hindi kilala ang alam lang nila ay mayaman ito, at dahil nga sa pera kaya ipapakasal ako.. Hindi ko alam kong bakit ako pero wala akong magawa si daddy na ang nagsabi.. Inggit na inggit rin ang mga anak ni tita Chona, ang step mother ko
Kong pwede ko lang ibigay sa mga anak nya gagawin ko, mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kong kaiinggitan lang nila ako
Si mama ang legal na asawa, at ako ang panganay.. Nakalimutan ko hi.. My name is Samira Ellaine Servioski, 24 half german
BINABASA MO ANG
His Almost Cinderella Wife
RomanceThis is not your typical cinderella story.. Dalawang tao ang magtatagpo sa isang di inaasahang pagkakataon.. Love will rise in the air, sparks will fly, time stops..Then what will happen next?.. Abangan peeps.. Love lots muah