Chapter 15

10 3 0
                                    


Maagang umalis si Devon papasok sa trabaho..at nakalimutan nyang dalhin yung pabaon ni Ella

Magtatanghali na ng makita ni Ella yung lunch box

'naiwan nya siguro, pero paano yan bababa na naman sya sa Building nya para kumain, ihahatid ko na lang may limang minuto pa bago ang Lunch break nila'  she thought

Nagbihis na si Ella at umalis, sya na ang nagmaneho ng isa pang kotse ni Devon

Isang minuto pa bago matapos ang limang minuto ay nakarating na sya sa Building ni Devon.tuloy tuloy lang sya dahil hindi na sya hinarang ng mga security guard, kilala kasi nila yung kotse ni Devon

Nagpark sya sa tabi ng kotseng dala ni Devon parati at saka bumaba, gulat na gulat ang lahat ng mapansing babae ang nagmamaneho ng sasakyan ng boss nila..hindi rin nila kilala si Ella

Parang na star struck ang mga empleyado ng makita syang pumasok, she was definitely gorgeous wearing her usual outfit

She's wearing a color blue pants, white shirt, blue blazer, black three inch heels, and a black purse. Nakalugay lang itim nyang buhok na hanggang balikat, she's too pretty in that out outfit nahiya na yung ibang employee na nakasalubong nya

Pumunta sya sa front desk para itanong kong naroon pa si Devon sa opisina nya

"hi, I would like to see Mr. Martinez please" she said in a nice tone

"yes maam nasa loob pa po sya, pero pababa na rin po sya maya-maya, may appointment po ba kayo?"

"uh, wala eh biglaan kasi yung pagbisita ko..i was really hoping na makausap sya ngayon"

"pasensya na po maam, hindi po kasi pwedeng pumasok ng walang appointment, pero kong gusto nyo po tatawag na lang po ako sa office nya"

"yeah that would be great, thank you"

"sige po ma'am sandali lang po"

Kinuha ng babae yung telephone at tumawag nga, maya maya lang may sumagot na doon

"yes po opo," ssabi nung babae sa kausap nya sa Phone

"maam ano po pala ang pangalan nyo?"

"Ella, pakisabi" sagot ni Ella

Bumalik yung babae sa Phone at sandali pang kinausap yung nasa kabilang linya

"maam, pwede na raw po kayong umakyat..nasa 9th floor po ang office ni sir Devon"

Ngumiti si Ella at nagpasalamat saka umakyat sa 9th floor

Pagkarating nya ay binati sya ng lalaking nasa may desk

"hi ma'am good afternoon po, maghintay na lang raw po kayo sa office  ni sir.. May meeting po kasi sya ngayon"

She smiled at him

"oh, its okay saan ba ang office nya?"

"yan lang po maam pumasok na po kayo"

"sige salamat"

Bitbit ang Lunch box ay pumasok si Ella sa pintuang tinuro ng binatang sekretarya

Makalipas ang isang minuto ay pumasok si Devon sa opisina nya at nadatnan si Ella na nakaupo sa sofa, he smiled at her

"hi, sorry natagalan ako..hindi ko kasi  inaasahan na darating ka"

"that's fine, hindi naman ako masyadong matagal na naghintay.. Eto nga pala Lunch mo, naiwan mo sa bahay kanina idinaan ko na! Sakong may pinuntahan ako"

Palusot nya, ayaw nyang sabihin na sinadya nya talagang dumaan para lang ihatid iyon

"hindi ka na sana nag-abala pa, may restauran naman na malapit dito"

His Almost Cinderella WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon