Chapter 9

15 4 0
                                    


Devon

Tomorrow.. Ang araw na gugulo sa buhay ko, bakit ba ako pumayag?

"arghh.." daing ko ng biglang kumirot ang puso ko..it keeps on hurting at ayaw tumigil

Paminsan minsan kapag masyadong marami ang iniisip ko.. At kabilang na ang mga nangyari at mangyayari pa lang kumikirot na ang puso ko, natural na ito sa akin nasanay na ako

I need fresh air..

Umalis ako sa bahay dis oras ng gabi, pumunta ako sa isang maliit na park kong saan dati ay gustong gusto kong puntahan

Naalala ko, inggit na inggit ako sa mga batang naglalaro nuon dito kasi tanging tingin lang ang magagawa ko

Matapos ang ilang sandali ay naisipan ko na ring umuwi dahil masyado ng madilim dito sa labas... Wala na rin akong ibang magawa kasi gabi na at walang ilaw dito sa palaruan

Naglakad ako pauwi, malapit lang naman ang bahay namin. Nang makarating ako ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para makatulog na. I had a  long day napagod ako sa mga pinag gagawa namin kanina

Ang totoo nag enjoy ako kahapon except sa part na may na bugbog pa ako dahil sa Inis ko,

its been years at kahapon lang ulit ako nakapag arcade, halos nakalimutan ko na nga kong paano maging masaya at magsaya.

Kinabukasan.. nagising ako sa katok sa may pinto, kaya naman wala na naman akong choice kundi.bumagon at pagbuksan kong sino man yun

"anak tanghali na hindi kapa bihis?"

Bihis? Bat ako magbibihis?

"saan ang punta mo mom? Aatend ka ba ng kasal?" natatawang usal ko saka ko narealize kong anong araw ngayon

"anak, today is your wedding day, now go maligo ka na at magbihis sabay sabay na tayong pumunta sa simbahan"

What? Gusto ko ng umatras ngayon na..naduduwag ako pare!

"mum, mauna na kayo, baka hanapin kayo dun susunod na ako mabilis lang ako promise.. Please?"

Nagmamakaawa ako mom, mauna na kayo sige na naman na oh..

Mukhang kumbinsido naman si mommy kaya tumango sya

"siguraduhin mong susunod ka sa simbahan iho, no more monkey business okay?"

"okay mom"

Umalis na si mommy kaya naman naligo na ako at nagbihis.. Im taking my time ayokong magmadali gusto ko na munang magisip ng magisip..

My suit is color white, it suits me..^_^

Sa kalagitnaan ng traffic naisip kong lumiko na lang, naisip kong baka ito na yung sign na kailangan ko ng umalis at tumakbo, i turn off my phone speed off

Ella

This the day, after a short wait and a little battle with my mind. The day that everyone awaits had come!. Ang pinaka engranding kasalan ng taon. Maraming bisita ang dadalo kaya bawal ang magkamali, ayon sa guest list ay may mga malalaking tao na dadalo. Mga politiko mga kasosyo namin sa negosyo, mga malalapit na kaibigan ng pamilya ko at pamilya ng mapapangasawa ko may ilan ding Celebrity na hindi ko kilala kaya sigurado akong nandito sila para sa mapapangasawa ko, So bad hindi ko sya kilala sana lang talaga magkasundo kami

Suot ko ang wedding gown ko na kahapon pa dumating, napakaganda nya. It was a tube dress na hapit mula sa dibdib hanggang waistline at free flowing na hanggang sa sahig. Mabuti na lang at matangkad ako kung hindi ay siguradong madadapa ako dahil sa haba nito. Ang belo ko ay parang screen lang pero may mga embroidery na makapal may mga pearls and gems rin na nakatahi

His Almost Cinderella WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon