CHAPTER 8

698 24 0
                                    


Maaga akong gumising kinabukasan.

Naisipan kong maghatid ng early lunch kay Ellias. Peace offering narin sa mga maling nasabi ko kahapon.

Tutal hindi ko rin naman sya pwedeng puntahan 'don sa opisina nya ng saktong lunch break dahil may pasok pa ako.

Busy kaming naglalagay ni nanay flores ng mga
pagkain sa tupperware.

"Ang dami naman nito Hija, sino bang pagbibigyan mo?" tanong ni nanay habang tinutulungan ako.

Maaga palang sinabihan ko na si nanay na kung maaari tulungan nya ako sa pagluluto kaya medyo napabilis din ang gawain ko kanina. Hindi naman na sya nagtanong kung para saan.

Nakaligo at nakabihis narin ako ready narin sa pagpasok para mamaya.

Alas dies na ng umaga ng matapos kami ni nanay sa pagluluto.

"Hahatid ko lang po sa boyfriend ko."

Gulat akong tiningnan ni nanay 'don, hindi siguro inaasahan na may boyfriend na ako.

kahit ako hindi makapaniwalang nasabi ko yon kahapon, pero hindi naman ako nagsisisi.

"Kelan pa? at tsaka alam ba 'to ng parents mo?" medyo may pag aalalang tanong ni nanay.

Napakagat labi ako doon.

Hindi ko pa nasasabi kila mama at papa dahil hindi ko naman sila naaabutan, pero kung may pagkakataon sasabihin ko naman.

Siguro naman hindi sila against sa mga Lostrego, tutal tinulungan naman ni Tita Alaina sila Mommy para mahanap ako.

I hope so.

Binalingan ko ulit si nanay at tsaka ngumiti bago sya sinagot.

"Kahapon lang po nay, at hindi pa po alam nila Mama" medyo nahihiya kong sabi.

Nangingiti narin si nanay flores sakin, sinusundot pa ang tagiliran ko para asarin.

"Dalaga ka na talaga. Teka sino ang boyfriend mo hija?" pagtatanong ni nanay.

Namula naman ako sa tanong nya.

Imposibleng di nya makilala si Ellias. Kilala ang pamilya nila sa buong bansa.

"Si Ellias Lostrego po" nahihiya kong sabi.

inaasahan ko ng tatawanan ako ni nanay dahil alam kong di sya maniniwala. Imagined si Ellias yon. Isa pang Lostrego.

Yumuko na ako handa na sa halakhak nya pero wala akong narinig na tawa imbes...

Napapalakpak sa tuwa si nanay, bagay na kinagulat ko na magiging reaksyon nya.

"Naku! Mabait yang bata na yan Hija! medyo ingat ingat ka lang sa mga nalilink sa kanya madami kasing mayayamang pamilya ang gustong ipagkasundo ang anak nila sa mga Lostrego. Mabuti naunahan mo."

Napataas ako ng isang kilay 'don. Tama naman si nanay sa gagandang lalaki ba naman nila imposibleng walang pamilyang magkandarapa para lang ipagkasundo ang mga anak nila sa mga Lostrego.

Si Lukas nga pinagkasundo e. Si Ellias pa kaya.

Medyo nalungkot ako sa naisip.

Pano kung may ipagkasundo sa kanya, iiwan nya kaya ako?

"Ayos na ang lahat Hija, tulungan na kitang bitbitin to papasok sa kotse."

Nabalik naman ako sa reyalidad ng nauna ng umalis si nanay flores sa kusina. Dala dala nya na ngayon ang dalawang malaking paper bag na ang laman ay iba't ibang uri ng ulam na may kasamang dessert may iniwan din akong note doon.

LOSTREGO SERIES #1: Arousing Consequences (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon