CHAPTER 5

801 35 0
                                    

First time para sa akin ang lahat.

Makasakay sa eroplano, kumain sa isang mamahaling restaurant, makasuot ng magagarang damit, magkaroon ng iba't ibang klase ng gadgets at ng sariling bank account.

Halos lahat ng 'di ko natatamasa noon, nararanasan ko na ngayon.

My parents also enrolled me in one prestigious University here in Manila, at magsisimula na ang klase ko sa susunod na linggo.

Hindi ko naman daw kailangan mag alala kung papano ako makakapunta 'don sa school ko, dahil may personal driver naman daw ako na maghahatid sundo sakin araw araw.

I was also tell them my concern regarding doon sa club na pinagbentahan sakin ni Erwin (my fake dad). And they said sila na daw ang bahala doon, sasabihan nalang daw nila ako once na nasettle na ang lahat.

Isa pa excited narin akong matulungan sila Jessica at maparusahan si Aling Minerva. I want her to pay for the bad things she did. She is a evil wicked, bahala na ang batas na magparusa sa kanya.

Kumusta na kaya si Jessica? gusto ko rin syang makita, marami akong ikukwento sa kanya. At gustong gusto ko din syang tulungan magsimula muli.

Especially that she was a big help for me while I am suffering there in that club, gusto ko lang ibalik sa kanya lahat ng kabutihan nya sakin.

Tatlong araw narin ang lumipas magmula ng umalis kami ng Santa Valencia, at sa tatlong araw na 'yon hindi ko parin nakikita o nakakausap man lang si Ellias.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, walang ginagawa. Kanina pa ako gising.
Nakapag hilamos narin pero bumalik ulit ako sa kama ko, para humiga ulit at wala.

Para matulala.

Nilibot kong muli ang mata ko sa kabuuan ng kwarto ko.

I could say that my room is pretty big. It has a neat design and refined architectural interior.  Masasabi mong ang kwartong ito ay para sa may isang eleganteng personalidad bagay na hindi ko alam kung ganon ba ako. The paint used in my room was a warm greyish blue-paint which is aesthetically calming to the eyes.

I have my own huge walking closet na punong puno ng iba't ibang klase ng damit. To all accessories, shoes and bags.

I don't know what to feel actually dapat akong maging masaya diba? pero hindi ko alam parang may kulang parin sa akin.

At hindi ko alam kung ano.

Alas otso pasado na ng umaga ng mapagdesisyunan kong bumangon na at bumaba.

Wala sila Mama at Papa ngayon, busy na sa trabaho. Gabing gabi narin kung maabutan kong umuwi, magkukumustuhan lang saglit hahalik sakin tas matutulog na.

Paulit ulit.

Si Nanay Flores lang kung tutuusin ang medyo close ko na ngayon sa bahay, sya kase ang mayordoma dito. Pinagsisilbihan nya ako sa kung ano mang naisin ko.

May apat pa kaming kasambahay pero hindi ko sila masyadong nakakausap dahil marami silang ginagawa. Tanging si Nanay Flores lang ang nag eentertain sakin dito.

Ang hirap din pala ng wala kang kapatid ang tahimik ng bahay nyo.

Nakababa na ako ng hagdan at sakto namang naamoy ko na ang mabangong almusal na hinanda ni Nanay.

"Oh Marina, gising ka na pala kumain ka na dito." bungad nya.

Bagay na kinangiti ko naman at nagmadali ng nagtungo sa Dinning Area.

Malaki din yon akala mo andami naming miyembro sa pamilya para sa 12 seater na Dinning Table. Ang lungkot lang tuloy lagi pag ako lang mag isa ang kumakain doon.

LOSTREGO SERIES #1: Arousing Consequences (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon