CHAPTER 18

422 15 0
                                    


I immediately packed my things ng makauwi ako samin. Si Kyron na mismo ang sumama sakin pabalik sa bahay kaso naririndi na ako sa mga pangaral nya sakin kanina pa lang sa kotse, kaya iniwan ko na sya ngayon sa baba na nag aantay.

Sarado ang isip ko ngayon at ayokong makinig sa mga pangaral nila.

This problem is about me and Ellias, labas na sila doon.

I cried the whole time when I went home. Naabutan ako ni nanay flores na humahangos paakyat sa kwarto ko ng umiiyak.

Akala nya pa nga si Kyron ang dahilan ng pag iyak ko pero hindi naman.

Agad kong kinuha ang malaking maleta para simulan ang pagbabalot.

"Hija! Ano bang nangyari? Bakit ka ba nagbabalot?"

Hindi na mapakali ngayon si Nanay kakasunod sa bawat pagpanik ko sa closet para kumuha ng damit.

I know, I'm impulsive. Masyado akong nagpadaan sa emosyon ng hindi man lang naririnig ang side ni Ellias. Pero if you were in my shoe. You think kaya nyo pa yon pakinggan, after what you see they doing in his condo? I darely not.

Kung sasabihin nyo naman saking bakit hindi ko man lang, sinampal o kinaladkad  yung babaeng yon palabas ng condo ni Ellias para man lang makaganti.

That is actually not my forté. Hinding hindi ko padadapuin ang mga kamay ko sa isang babaeng walang delikadesa.

I didn't know who that b*tch to be honest. Wala narin naman akong planong alamin kung sino pa yon.

And ofcourse they two deserved my wrath but for me, Ellias is the most deserving to experience that.

He cheated on me.

He choose that path, wala na akong magagawa kung ganon kakitid at kahina ang loob nya para makagawa sya ng ganon kalaking kasalanan.

I don't tolerate cheating. Kung nagawa mo kong lokohin one time then were done, tapos ang usapan.

Cheating is a choice.

And he choose that. 

Sinubukan na akong pigilan ni Nanay sa ginagawa ko pero hindi ako nagpatinag.

I'm still in the rage of anger hindi ako makapag isip ng tama.

At isa pa aalis lang naman ako saglit. Gusto ko lang munang mapag isa yung hindi ako matutunton nino man.

That's it.

Then I will be back kapag okay na ako.

Mahirap ba yon?

"Marina, kumalma ka muna..saglit!" hinigit na ako ni nanay para mapigilan sa pag iimpake, sobrang higpit narin ngayon ng pagkakahawak nya sakin.

I am mad yet, my eyes couldn't stop for crying, and it sucks! yung galit mo nadadaan nalang sa pag iyak kase wala kang magawa.

Nagulat nalang ako ng mahigpit akong yakapin ni nanay para mahinto sa ginagawa. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko sa higpit ng kapit nya sakin.

Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ang hirap hirap umalis kung may isang taong ganto ang pag aalala sa'yo.

"Hija...magsabi ka sakin ano bang problema? wala pa dito ang magulang mo, pag nalaman non na umalis ka ng walang paalam ako ang malilintikan."  Kinukuha nya na ngayon sa mga kamay ko ang mga damit ko.

Napakagat ako sa labi ng marinig ang turan ni nanay, alam ko naman pero buo na ang desisyon kong umalis. Patuloy parin ang higpit ng yakap nya sakin, kahit na pumipiglas ako para makawala pero tila ayaw nya akong bitawan.

LOSTREGO SERIES #1: Arousing Consequences (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon