CHAPTER 25

533 17 0
                                    

The doctor clarifies us that my mom is having a transient ischemic attack (TIA) or mild stroke. Halos kalahati ng katawan niya ang hindi nya maigalaw dahil sa nangyari. Ang pagpapaliwanag sa amin ng doktor may pumutok na ugat sa loob ng ulo ni mama sanhi ng biglaan nyang pagtumba kanina.

Kailangan nya ding mag stay dito ng halos isang buwan para maobserbahan at masimulan ang kanyang theraphy sa oras na umayos ayos na ang kaniyang pakiramdam. Ngunit iniisip ko kung saan kami ngayon kukuha ng pera dahil ubos na ubos na kami ngayon.

Hindi ko rin alam kung saan kami lalapit dahil wala naman kaming kamag anak dito sa Bolivia. My dad relatives is somewhere in Europe and he said nahihiya syang mag ask ng tulong sa mga ito dahil may problema din sila sa pamilya. They are not that close to help each other when it comes to this.

I appreciate Kyron's help too, pero sobrang nakakahiya na para sa kanya ang lahat.

He lended me his money earlier nung magbabayad na ako ng down payment for the medical bills ni mama at sinabi nyang gamitin ko daw muna iyon at bayaran nalang daw sya pag nakaluwag luwag na kami. Ayoko man sanang tanggapin ngunit kailangan na kailangan talaga namin ngayon.

Ako nalang tuloy ang sobrang nahihiya dahil sobrang dami nya ng nagawa.

Nagpresinta din syang i-uwi muna ang kambal sa condo dahil inaantok na ang mga ito. Pumayag naman ako doon dahil kailangan ko rin namang samahan si dad.

Nailipat narin naman sa kabilang kwarto si mama at wala na sya ngayon sa E.R. kahit man lang sa balitang iyon lubos na ang aking pagpapasalamat.

Tinapik ako ni dad na kasalukuyan kong katabi ngayon sa rooftop ng hospital habang nakatanaw sa madilim na syudad.

Malakas syang napabuntong hininga kaya napabaling tuloy ako sa kanya.

"Hija, you need to go back in the Philippines as early as possible. Packed your things now and get a flight. Ngayon kase kailangan kong mag stay dito para alagaan ang mama mo. Kagaya rin ng bilin ko sayo kanina you need to find a good buyer to sell our properties we left there. Even the company and our mansion para may maibayad tayo dito," dad paused, he corded his neck upward to prevent his tears to fall.

Bigla akong nakaramdam ng panghihina dahil sa nasaksihan. I know dad for years....Hindi talaga sya nagpapakita ng ano mang kahinaan nya sa amin ngayon palang.

"I... k-now this is too much for you and it is hard to believed. Even to digest our situations now-" this time dad start to cries.

The way he grit his teeth while crying is making me feel weak. Nag uunahan narin sa pagtulo ang kaninang luha ko na pinipigilan. Wala na akong ibang nagawa kundi yakapin at aluhin si papa.

"I'm really sorry anak, t-his is...not the life I build for you and to your mom." He sniffed.

Umiling ako sa mga tinuran nya dahil kahit kailan hindi nya naging kasalanan ang lahat.

Bumitaw na si papa sa pagkakayap ko at mariin akong hinawakaan sa magkabila kong balikat.

"Hangga't maari puntahan mo ang lola mo para makahingi din ng kaunting tulong mula sa kanya. Tell her about your mom situation. Alam kong aabutin pa ng ilang linggo o buwan para makahanap ka ng pagbebentahan ng mga properties natin kaya sa kanya ka muna pumunta kapag nakauwi ka ng Pilipinas."

Pikit mata akong tumango sa sinabi ni dad. Niyakap nya rin akong muli at bahagyang hinalikan sa pisngi.

"Text me when you arrived in the Philippines. Magmadali na kayo anak. Sa'yo kami umaasa ngayon."

Iyon na ang huli naming pag uusap ni papa bago ako tuluyang umuwi ng condo namin para mag balot na ng gamit.

Kyron was there too ng maabutan ko sa loob nakabantay sa mga bata na kasalukuyang mahimbing na ang tulog.

LOSTREGO SERIES #1: Arousing Consequences (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon