CHAPTER 3

968 34 0
                                    

May ngiti akong bumalik sa Private Lounge ni Ellias para dalhin narin sa kanya ang order nya.

I was near the door ready to open it when I heard a voice of a woman inside. Bagay na kinatigil ko saglit.

"Oh...that's so good, uhm..."

Nanlamig ako bigla sa narinig. It is what I think right?

Gulo ang isip ko kung tutuloy pa ba ako o hindi. Gusto ng mga paa kong pumasok 'don pero ayaw ng aking utak. Pero ibibigay ko lang naman 'tong order nya tapos aalis na ako.

Bumuntong hininga ako ng isang beses at ng makapagdesisyon tinuloy ko na ang pagpasok sa loob.

I cleared my throat before entering.

Pagbukas na pagbukas ko palang ng pinto bumungad na sakin ang babaeng nakapatong paharap sa kandungan nya.

Half naked.

Dahil natatabunan ng babae ang mukha ni Ellias hindi nya rin ako napansin.

They are busy making out infront of me.

Napaiwas tuloy ako ng tingin at biglang nandidiri sa mga nakita. Hindi na ako nagsalita pa dahil agaran ko ng ibinaba sa lamesa ang Martini na inorder nya at dali daling umalis.

Nanginginig ako pagkalabas ko sa kwartong iyon at hindi ko alam kung bakit. May galit na biglang namumuo sa pagkatao ko bagay na kinalito ko sa sarili. Hindi ko sya gusto okay? Nakakainis lang dahil ang dami dami nyang babae.

Nagdududa na tuloy ako kung matutulungan nya pa ba ako sa problemang kinakaharap ko.

Blanko akong lumabas ng kwartong 'yon hindi alintana kung may makakasalubong ba akong tao.

Napadaing ako sa sakit ng may mabunggo ako kalaunn.

"Aray!" impit na sabi ko habang hawak ang kaliwang braso.

"Hala sorry Marina, okay ka lang?" may pag aalalang tanong nya. Boses iyon ni Jessica.

Napaangat tuloy ako ng tingin sa kanya ngunit tulala.

"Huy! anong nangyari sa'yo? Ba't ka tulala tinatanong kita kung okay ka lang?"

Nabalik naman ako sa reyalidad dahil sa sinabi nya.

"Huh? Ah o..oo okay lang pasensya na 'di ako nakatingin nagkabungguan tuloy tayo." medyo natatawang sambit ko.

Napanguso sya doon tila hindi apruba sa naging rason ko sa kanya.

"Ay oo nga pala hanap ka ni Sir, Ellias doon sa counter tagal mo daw bumalik e. Pero alam mo ba hindi ko inaasahan na nandito yon ngayon hindi naman kase yan madalas dito. Pero ang mas nakakapagtakha pa ay kung bakit ka niya hinahanap."

Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Jessica. Huh? Eh papaanong mangyayari iyon eh kakakita ko lang kanina sa kanya 'don sa Private Lounge nya may kandong pa nga na babae panong nasa counter sya ngayon?

Minumulto ba ako?

"Huh? Kakapunta ko lang 'don sa private lounge niya nandon naman sa loob may kasama pa ngang babae." mapait na turan ko.

Pati mukha ni Jessica nagtataka narin. Tila nag iisip ng malalim.

Nagulat nalang ako ng bigla syang napapalakpak sa hangin.

"Ah alam ko na kung sino yung nakita mo. Si Lukas yon nakababatang kapatid ni Sir, Ellias. May celebration ata sila kaya nandidito. Ang iba nilang kasama nasa counter din kumukuha ng drinks. Punta ka narin don hanap ka e. Oh sya sige na Marina marami pa rin akong gagawin kita nalang ulit tayo mamaya." pagpapaalam nya.

LOSTREGO SERIES #1: Arousing Consequences (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon