CHAPTER 6

769 28 0
                                    


Nakauwi na kami ng bahay. Bigla ring bumuhos ang malakas na ulan kanina habang bumabyahe kami ni Kuya Gibo pauwi.

Alas kwatro y media na ng hapon.

Inayos ko na yung mga gamit ko sa eskwela at ng matapos, napagpasyahan ko ng mahiga ulit sa kama.

Halos mapabalikwas ako ng maalala kong may number na nga pala ako ni Ellias.

Nagmadali akong kunin ang phone ko sa bulsa ng pants ko, at hinanap ang numero niya doon.

Tinitigan ko 'yon.

What should i do? tatawagan ko ba sya?

Since, ako ang may number nya. Hindi naman pwedeng ako ang tawagan nya dahil wala naman nya akong number.

Right?

Napakagat ako sa labi ko ng mapagtantong mukhang ako pala dapat ang tatawag o magtetext sa kanya.

Nagtatalo pa ang isip ko, ano naman ang sasabihin ko?

Nagsimula akong magtipa sa kanya ng mensahe, itetext ko nalang sya para ng sa ganon hindi masyadong nakakahiya.

To: Ellias,

     Hi! si Marina to. Nasave ko na ang number mo gaya ng sabi ni Lukas kanina.

Binasa ko yung muli isesend ko ba?  anong oras na ba ngayon sa Singapore? mamaya nakakadisturbo ako sa kanya nakakahiya.

Napasinghap ako ng mapag alaman na pareho lang pala ang timezone ng atin sa Singapore.

Nagdadalawang isip parin ako kung iinform ko ba sya, itetext ko ba?  sasabihin ko lang naman na number ko 'to tapos wala na. Tutal wala namang namamagitan samin diba? ba't ba ako nag ooverthink.

I pressed send.

Tinapon ko ang selpon ko sa paanang bahagi ng kama ko at kumuha ng unan para itakip sa mukha ko, bahagyang tumili.

Nakakahiya!

Kabado ako, hindi narin mapakali.
Yung puso ko gusto ng lumabas mula sa ribcage ko.

Pano pag nagreply anong sasabihin ko? rereplyan ko ba?

Naghinatay ako ng ilang minuto pero hindi umiilaw ang selpon ko, walang ganap.

Walang reply kay Ellias.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi ko na pag iisipang muli ang isasagot ko kung saka sakali mang magreply sya sakin ngayon. Oh malulungkot ako kase wala man lang akong sagot na nakuha sa kanya.

Lumipas ang labing limang minuto wala parin, napasampal na lang ako sa pisngi ko dahil bakit parang hinihintay ko ang text nya eh wala namang namamagitan samin.

Ano ba 'tong iniisip ko?

Binuksan ko nalang muna ang malaking Flat screen t.v na nandidito sa kwarto ko ngayon. Magpapa wala nalang muna ako ng boredom.

Pagbukas ko sakto namang nasa Entertainment news yon at hindi ko inaasahang  si Ellias ang mapi-featured doon at ng isang babaeng nalilink sa kanya ngayon na kasama nya sa Singapore.

Her name was Veronica Lopez, Daughter of Maximo Lopez who own a big liquour business here in the Philippines. She was beautiful, A model type, she knows how to bring her clothes, her body is matured, she was stunning i could say.

There family known each other for a long time, Partnership din nila ang Lostrego Shipping Firm mula pa noon at dahil kilala din abroad ang Liqour business nila.

They rumored to have a date in Singapore.
May inilabas ding proofs of pictures na magkasama silang kumakain sa isang high end Michelin restaurant. They look sweet there just like a newly couples who enjoys there vacation abroad.

LOSTREGO SERIES #1: Arousing Consequences (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon