Chapter Ten
******
NASA ganun siyang posesyong nadatnan ng papa ni Eliseo. Agad siyang napatayo ng magsalita ito."You must be Aris, the guy who loved my son." Saad ng ama ni Eliseo sa kanya.
"G-good evening sir. Yes I am Aris." Magalang niyang sabi sa ama ni Aris.
"Nice to know you, Aris. We don't know when he wake up and I want that before he wakes up. Hindi ka na niya makikita." Walang prenong sabi ng ama ni Eliseo sa kanya.Gulat siyang napatingin sa ama ni Eliseo. Walang bahid na pagbibiro ang mukha nitong nakatingin din sa kanya.
Hindi naman bago sa kanya ang ganitong tagpo dahil alam naman niyang mangayayri din sa kanya ang mga nangyayari sa mga katulad niyang bakla. Pinapahiwalay o di kaya babayaran dahil sa kadahilanang hindi bakla ang mga anak nila.
"S-sir?" Tanging namutawing salitang lumabas sa bibig niya.
"You heard me clearly, I want you to get out of my son's life. Hindi bakla ang anak ko." May doing sabi ng ama ni Eliseo sa kanya.Wala siyang ni isang salitang binitiwan sa ama ni Eliseo. Tumingin siya sa huling pagkakataon sa taong mapayapang natutulog sa hospital bed. He wanted to stay at bantayan ito pero hindi maaaring manatili siya dito at baka magkakagulo pa. Ayaw niyang makarinig ulit ng masakit na salita mula sa ama ng taong mahal kaya aalis na lang siya.
"I really love your son sir. I just want to say that your son is not a gay, tama kayo. It doesn't mean na pag pumatol ang anak nyo sa bakla ay bakla na din ang anak nyo." Saad nito. "Babalik po ako dito sir the moment na magigising na si Eli siya po ang magsasabi sa akin kung kailangan ko na bang umalis sa buhay niya. Nice to know you pala sir, alagaan nyo po si Eli." Pagtatapos niya.
Tumalikod na siya at lumabas sa kwarto. Sasakay na sana siya sa elevator ng may tumawag sa kanya dahilan para mapalingon siya sa kanyang likuran.
"Aris, how did you know my son?" Pagtatanong ng ama ni Eliseo sa kanya.
"We're in the same department sir, kasama ko din siya sa SSG organization, I'm his secretary, kaklase ko po siya but I guess I don't exist in his path." Mapait niyang tugon dito.Hindi na ito nagsalita kaya sumakay na siya sa elevator. Nang marating ang ground floor ay agad niyang tinungo ang exit ng hospital.
Mabigat ang kanyang pakiramdam habang sinulyapan ang hospital. Ito na nga ba ang isa sa mga kinatatakutan niya ang malaman ng pamilya ni Eliseo na may pagtingin siya sa anak nila. Pero how did they know na may pagtingin siya sa anak nila kung gayong ngayon lang sila nag usap at nagkita? Nalilito na siya lalo.
Nag mahal lang naman siya pero bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon?
Nang makarating siya sa bahay nila ay katahimikan ay katahimikan ang sumalubong sa kanya and for the second time na dismaya na naman siya dahil nag assume siya na magpapakita o makikita niya si Eliseo sa loob ng bahay nila na nag-aantay pero wala ito kahit na anino nito ay hindi pa nagpapakita sa kanya.
"Where are you now Eli? I miss you. I want to see you." Sabi niya sa isipan.
Wala siyang ganang kumain kaya matutulog na lang siya at baka makalimutan pa niya ang mga nangyayari sa kanya sa araw na ito. Nakakawalang gana ang araw na ito para sa kanya.
Nang maka pasok siya sa silid niya ay agad niyang tinapon ang sarili sa kama niya. Bumalikwas siya ng higa. Napakunot naman ang boo niya ng Makita ang isang papel na nakalagay sa bed side table niya.
Kinuha niya ito at binasa ang kung anong nakasulat doon.
"I'm waiting for you to our favorite place tomorrow, baby. I love you." Ang nakasulat sa papel.
YOU ARE READING
I'm In Love With A Ghost
RomancePaano kung ang taong mahal mo ay hindi ka talaga kilala? Ano ang iyong kayang gawin?